Chapter 43 ♦️ Scandal

29.2K 889 35
                                    

Max's POV

Agad na sumalubong sa amin ang mga nagkikispalang mga camera pero mabilis na humarang ang mga bodyguards ni Chase at ni Stephen para hindi kami makunan.

Mahigpit akong hinawakan ni Chase at inilalayo sa mga kamay ng mga reporters na ngayon ay hindi magkamayaw sa pagtatanong pero ni isa ay walang sumagot sa kanila.

Dere-derecho lang ang lakad namin papasok sa convention center at agad iyon isinarado ng mga bodyguards upang magsanhi ng gulo sa labas.

Pero kahit nakaligtas na kami sa mga press sa labas ay hindi kami makakaligtas sa mga natitirang media sa loob ng convention center na ngayon ay nakaharap na sa amin at kinukunan kami ng mga litrato.

"Mr. Racinni, is it true that the feud between Ricinni and Buenaventura is because of a woman?" Tanong ng isa sa mga reporters.

"Mr. Racinni is it true that the woman is playing both of you and Mr. Buenaventura at the same time?" Tanong pa ng isa.

"Is it true that she's only after your wealth and fame?" At marami pang tanong na dumating.

Hindi ako makapaniwala sa mga tanong na lumabas. Ganito ba talaga ang mga media? Yung mga tanong na itatanong ay mga negatibo at hindi kaaya-aya sa pandinig? Ngayon lang pumutok ang balitang ito tapos ang mga tanong nila ay akala mo isa akong masamang tao na matagal na nilang alam.

"What's your right to ask those offensive questions?" Nakakunot noong tanong ni Chase. Obviously, he doesn't like the questions either. Naniniwala na talaga ako na ang mga press, kadalasan ay pinapapangit ang reputasyon mo para lang may maibalita o maisulat sa newspaper o i-report sa telebisyon. Ilan lang ba ang media na hindi ganoon magtrabaho?

"This is the freedom of press sir. We have the right to—"

"Yes, you have the right to ask questions but you have no right to degrade someone or make up some offensive speculation to a certain person. If you have the right to ask, then we have the right to remain silent and throw you out from this convention. Besides, you are not the official cover media for the event." Matalim na sagot ni Chase na ikinatahimik ng mga press. "Guards, throw them out."

Nagsilabasan naman sa kung saan ang mas marami pang mga bodyguards at pinaalis ang mga media. Nagkasigawan pa dahil nilalabag daw ni Chase ang prebelehiyo ng mga media na ibalita ang katotohanan.

Ano bang katotohanan ang ibabalita nila? Yung puro panira at mga haka haka nila? No wonder press does have a lot enemy, dahil na rin sa sarili nilang kagagawan.

"Adam, take care of those media men. I know they will create some write ups just to destroy her image." Utos naman ni Chase kay Adam. "Tell them that we will do a press conference so that they will not insist with their freedom of the press."

"I will sir." Sagot naman ni Adam at agad itong lumayo at may tinawagan.

Wala ng lumapit sa amin at nagtangkang magtanong pero hindi maiwasan ang mga tingin na binibigay sa amin. Lahat ay may mga pagtatakang tingin lalo na sa akin na tila inaarok kung sino ako.

"Let's continue the event guys. This is the first day and we should be more enthusiastic." Saad ng lalaking hindi ko kilala sa mga panauhin na nakatayo at nakatingin sa amin.

Tahimik kaming naglakad at pupunta na sana ako sa upuan ko pero hinila ako ni Chase papunta sa upuan nito.

"H-hindi ako dito nakaupo." Pigil ko sa kanya. Hindi pwedeng dito ako mauupo dahil hindi dito ang upuan ko.

"They will shower you with questions if you will sit there. Better avoid being cornered." Sagot naman ni Chase sa akin, kaya wala na akong magawa ng hinila niya ako at pinaupo niya ako sa bakanteng silya. Dito din naupo sina Domenico, Alessandro at Stephen.

She's the Man |BBS 1|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon