Chapter 5 ♦️ Party

34.1K 1.2K 50
                                        

Max's POV

Agaran na may nangyaring victory party na idinaos naman sa House Manila, a high class and famous club dito sa pasay. It is within Remington hotel na property ng resorts world Manila. The place was reserved by the drag racing committee. I was able to get the pot money of 500k dahil wala ng humamon pa sa akin when they learned I was Max Lopez. They fear my name when it comes to track.

Pagpasok na pagpasok ko pa lang ay dinig na dinig ko na ang mga maharot na beats ng DJ at ang club lights na madilim but there are colored lights dancing. Marami na rin ang nagsasayawan sa dance floor marami din na mga nakaupo lang at ginaganahang uminom.

Napalinga-linga naman ako dahil hinahanap ko si Chrome. Hindi ko na ito nakita at nakasama. Hindi ko na rin sana binalak na pumunta rito dahil papasok pa ako mamayang umaga sa shop pero kinaladkad naman ako nitong si Chase dahil victory party ko raw ito at kinulit din ako ng committee dahil welcome back party ko na rin daw ito.

But damn, hindi ko inakala na sobrang gwapo pala talaga nitong si Chase sa personal. Parang naging unfair yung nakikita ko sa TV, he is a hundred times more handsome than looking at the TV. He's like a man that was dragged out from a magazine. Ganun na ganun, pero alam ko rin ang mga lalaking tulad nito. At ngayon nga napatunayan ko na, meron lang naman kaagad itong kalampungan na babae at yung kamay nito ay nasa puwetan na ng babae. Napapailing na lang ako. Sabi nga nila kakabit ng gwapo ay gago.

"Hey, join us." Yaya sa akin ni Chase at pumanhik na kami sa isang VIP room. Kasama din nito ang mga kaibigan nito na ngayon ko lang din nakita.

Umupo na kami rito at ako naman ay nakamachong nagdecuatro lang at isinandal ang sarili sa malambot na upuan. Nakaupo na nga kami lahat at lahat naman sila ay may mga katabing mga babae na parang kinulang na sa tela, pero natural lang yun dahil club ito, it is not a church for sacred people.

"Hey Max, ilang babae ang gusto mo? Sagot ko." Saad ng nagpakilalang Andrew sa akin. Mabait naman ito, parang masarap kaibiganin kaya lang nasira lang pakiramdam ko ng nag-offer ito ng libreng babae.

"No thanks pare." Sagot ko na lang. Hindi ko naman pinahalata na hindi ko nagustuhan ang mga sinabi nito. I know that he thinks the same as everybody does. They see me as a lesbian. Sino ba naman kasing hindi? Sanay na ako rito.

"Uh uh. Bawal tanggihan ang grasya." Saad nito at sumenyas na ito sa bantay at ilang sandali pa ay may pumasok na babae na nakapula na sobrang ikli ng palda nito at dibdib na lang din ang tinatakpan ng tela doon. Mahaba ang buhok nito, maganda pero tang'ina hindi ko type mga kalahi ko putcha naman.

Pero hindi na ako nagpahalata. I smiled kahit kinilabutan na ako. Ngumiti naman yung babae at sobrang lagkit ng pagkakatitig sa akin bago ito naupong tumabi sa akin. Napausog ako ng konti dahil dikit na dikit ito sa akin. Walang malisya pero naaalibadbadran ako ng dumako ang kamay nito sa hita ko at hinihimas yun.

Fuck! Halos gusto ko ng umalis. Baliw ba ang babaeng ito? Hindi ba nito halata na babaeng babae ako? Kung makahipo ito akala mo lalaki ako eh. Siguro kung lalaki ako, bumigay na ako but no, ni wala akong maramdaman sa mga kamay nito at dibdib nitong dinidikit na sa braso ko.

Pasimple ko lang tinanggal ang kamay ko ay inilayo ang braso ko sa katawan nito. Naaalibadbaran ako lalo na alam ko kung anong iniisip nito.

"Baby, akbayan mo naman ako." Nang-aakit na saad pa nito sa akin.

Parang umakyat naman lahat ng dugo ko sa ulo ko dahil sa request nito. Uminit bigla ang ulo ko at gusto ko na talagang ibalibag ang babaeng ito, kung hindi lang ako naaawa. Alam ko naman na binayaran lang ito para gawin ang trabaho.

Ngumiti lang ako at hindi ko sinunod ang sinabi nito. Hindi naman ito na offend pero ipinulupot ang braso nito sa braso ko at naglean ito sa akin.

The fuck.

She's the Man |BBS 1|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon