Chapter 22 ♦️ Family Dinner

24K 964 24
                                    

Max's POV

Ipinarke ko na ang sasakyan ko sa loob ng garahe ng aming bahay. Nandoon na rin ang ibang sasakyan na kilala ko. Even my brother's car is already there as well.

Lumabas na ako mula sa sasakyan at kinuha ko ang susi at isinabit yun sa may kawit ng pantalon ko. Ipinangko ko naman ang buhok ko bago pumasok ng bahay.

"Busy talaga doon, kumare. My son has been busy running our business at minsan wala na nga din siyang oras para magliwaliw." Rinig kong usapan mula sa sala.

Hindi ko kilala ang boses na iyon, kaya napaisip ako kung sino ito.

"Ang sipag naman pala ni Klein and at the age of 30, he's already successful." Tuwang saad naman ni mama.

"Thank you tita." Dinig ko naman na sagot ng isang baritonong boses na sa palagay ko ay ang nagmamay-ari ay ang tinawag ni mama na Klein.

Pumasok ako sa living room at hindi kaagad nila ako napansin dahil tahimik lang ang pagpasok ko.

Nakita ko doon sina mama at papa at pati na din si kuya. May nakita naman din ako na isang babaeng halos kaedaran lang din ni mama at ang isa ay ang lalaking hindi ko kilala pero sa palagay ko ay ito na yung tinawag na Klein.

Nakita ko naman si Chrome na tila nababagot and he's busy tapping his phone at napasandal ito sa sofa bago ako nahagip ng tingin.

"Cuz!" Biglang tumayo ito at agad na nakangising sumalubong sa akin.

"Emerald! Hindi mo man lang sinabi na nandyan ka na pala." Napatayo din kaagad si mama dahil sa pagkabigla nito.

"Yeah, I'm here." Sagot ko na lang.

"Little sis, late ka na naman." Puna din ni kuya at tumayo na ito para salubungin ako. Agad ako nitong niyakap ng mahigpit bago pinakawalan.

"May trabaho ako diba?" Kompirma ko sa kanya. Tumingin naman ako ngayon kay Papa at lumapit. "Papa, magandang gabi po." Bati ko sa kanya at yumakap din.

"Mabuti naman anak at nakarating ka. I thought you were too busy." Komento naman ni Papa sa akin.

"Of course, she has time for this. Welcome anak." Saad naman ni mama at niyakap din ako nito.

"Thanks ma." Sagot ko naman.

"By the way, ito pala ang tita Gracie mo. She's my bestfriend at nagmigrate sila sa US and they are here for something important. And this young man beside her is Klein, ang unico hijo ng tita Gracie mo." Pakilala ni mama sa kanilang dalawa.

"Hello po tita Gracie." Bati ko kay tita at lumipat naman ang tingin ko kay Klein na ngayon ay mataman na nakatitig sa akin. "Hi." Bati ko rito.

I saw how the smile formed on his lips na tila nasiyahan it and he looks satisfied na hindi ko alam para sa kung saan.

"Goodness, ang ganda ng unica hija mo kumare! They will look perfect with each other!" Excited na saad nito. Napakunot noo naman ako sa sinabi nito pero binalewala ko na lang din dahil hindi naman ako naging interesado.

"Hello, I'm Klein Andrei Buenaventura. Nice to meet you Emerald." Bati din sa akin ni Klein at inilahad niya ang kanyang kanang kamay.

Tinanggap ko naman iyon at napatingin ako sa kanyang kamay ng maramdaman ko ang marahan na pagpisil doon kaya napabitiw ako.

"Just call me Max." Pakilala ko naman dahil ayokong tawagin na Emerald. Kota na ako kay mama sa kakatawag niya sa akin ng Emerald.

"Alright, pumanhik na tayo sa komedor para makakain tayo." Masayang saad naman ni mama.

She's the Man |BBS 1|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon