Max's POV
Nasa kahabaan ako ng Paso de blas at naghahanap ako ng bagong bakanteng stablisyemento. This morning, the news was like a bomb kaya agad akong umalis para makahanap ng pwedeng malipatan. Nagngingitngit pa rin ako sa sama ng loob. Bakit parang sabay sabay lahat ang mga nangyayari sa akin?
Napahampas na lang ako sa manibela dahil hanggang ngayon ay wala akong makita-kitang malaking bakante. Meron pero sobrang liit, hindi tulad ng kay Mr. Jiao na malaki at malawak. Pero hindi ako sumusuko at patuloy pa rin ako sa pagdadrive and even Reena was calling every property owner dito sa maynila and checking kung may bakante.
Pero halos malibot ko na ang buong maynila ay wala akong mahanap. Bumalik ako sa shop na bagsak ang mga balikat. Hindi ko inasahan na mawawala na lang ng ganoon ang negosyo ko ng isang iglap. One day it was operating greatly and in just one snap now is gone. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko para pigilan ang mga namumuong luha ko. Hindi ko pa sinasabi kina kate at chrome ang nangyari. Wala silang alam at kung sasabihin ko kay mama ay mas lalong matutuwa pa yun.
"Boss...." Untag sa akin ni Baldo.
Pabagsak akong umupo sa sofa dito sa warehouse and I am even eyeing everything dahil malapit na itong mawala sa akin.
"Baldo, I'm sorry.... Pero wala na akong magagawa." Malamig na saad ko. Hindi ko gustong mawalan sila ng trabaho but I will make sure that I will write a good recommendation para sa kanila since kahit papaano ay sumikat din naman itong negosyo ko.
"Boss, sayang naman po talaga. Ang ganda na po ng negosyo niyo." Malungkot na saad nito.
"Nga eh. Pagtinamaan nga naman ng lintik." Saad ko na lang. "Sige punta muna ako sa opisina, gagawan ko kayong lahat ng recommendation letter para hindi kayo gaanong mahirapan sa paghahanap ng bagong trabaho." Saad ko na lang rito at tumayo na ako at pumanhik sa opisina.
Bakas ang lungkot sa mukha ni Reena. Alam ko na napamahal na rin sa kanila ang shop. Hindi naman kasi ako bossy at mataray at magaan akong magdala ng mga empleyado. Minsan lang sila makakahanap ng among tulad ko pero wala akong magagawa dahil talagang deadened na ako.
Gumawa na ako ng recommendation letter para sa lahat at prinint ko na yun at isa-isang ibinigay sa kanila pati ang huling sahod nila. Pati yung move in truck ay narito na rin para kunin ang lahat ng kagamitan pati sa warehouse. Wala akong paglagyan ng mga gamit lalo na yung mga nasa warehouse kaya umupa ako ng isang warehouse din na may kaliitan para doon ilagay pansamantala ang mga kagamitan. Even the computers ay doon din ilalagay. Ang dadalhin ko lang sa condo ko ay ang mga papeles na importante.
Matapos ang paglilipat ay malungkot kong tiningnan ang walang ilaw na shop at building. Mapait na tiningnan ko ito at tsaka tumalikod na at umalis roon. Maybe, this happens for a reason. Siguro hindi ito nararapat sa akin kaya ganito ang mga nangyayari.
Nakauwi ako ng condo ko at lugmok na ibinagsak ko ang aking katawan sa malaking kama ko. Pagod na pagod na ako sa kakaiyak pero hanggang ngayon ay sobrang sakit pa rin at parang hindi man lang nabawasan ang naramdaman ko. Hindi ko pa rin tanggap na wala na ang negosyo ko. Ang transformer, wala na.
Bumangon ako ulit at inilagay ko sa drawer ko ang mga importanteng documento kabilang na rin yung ibinalik ni Mr. Jiao. Sa totoo lang gustong gusto kong magsampa ng kaso laban rito dahil maling mali ang ginawa niya pero naiintindihan ko naman kung bakit nito ginawa yun. His wife has a stage four bone cancer at paubos ang yaman nito dahil sa medication ng asawa nito. They badly needed the money, and selling the property is their last hope dahil naibenta na rin nito ang ibang mga pag-aari.
In just one day, ang daming nangyari. And in just one day, everything was gone.
Pumanhik na lang ako sa banyo para maligo. I only wear a black boyleg and a white cotton tank top. Humiga na ako sa kama pero naalala ko na lang ang phone ko na kanina pa pala yun nakapatay. Dali dali ko itong kinuha at binuksan. Baha kaagad ang messages and even missed calls.
BINABASA MO ANG
She's the Man |BBS 1|
Любовные романы|COMPLETED| Her name is Sapphire Emerald Maxine Lopez. Daughter of Natalie and Robert Lopez and the only sister of Tyler Jones Micheal Lopez. Ang hahaba ng mga pangalan nila di ba? Well it was because of their mom na talagang pinaghandaan ang mga pa...