Max's POV
Agad na humarang ang mga bodyguards ni Chase at mahigpit na niyakap ako at halos itago na ako ni Chase sa kanyang katawan.
"Mr. Racinni, we just wanted to know your reaction for the annual Business Fair Program leaded by WBA." Dinig kong saad ng isang reporter mula sa kilala kong local na estasyon.
"It's an honor to be part of the program again." Maikling sagot ni Chase.
"Mr. Racinni, may we know who's the lady with you?" Tanong ulit ng isang reporter na naging dahilan para kabahan ako.
Sigurado ako na maibabalita ito sa telebisyon kaya napahigpit ang kapit ko kay Chase.
"The love of my life." Maikling sagot ulit nito na halos ikapanaw na ng kaluluwa ko.
Mas lalong naging magulo ang media at nagkatulakan dahil gusto nilang makilala kung sino ako. Gusto ko ng tadyakan si Chase pero hindi ko magawa dahil siguradong makukunan ang mukha ko sa camera.
Naging mabilis ang mga bodyguards ni Chase at naitulak nito ang mga media at napagtagumpayan namin ang makapasok sa loob ng elevator at natakasan ang mga reporter.
Agad na napalayo ako kay Chase at saka sinapak ko kaagad ito.
"Gago ka ba? Anong sinabi mo sa kanila? Gusto mo ba talagang gumulo ang buhay ko?" Bulyaw ko sa kanya. Dahil sa sinabi niya sa mga reporter, natitiyak ako na gagawa ang mga ito ng paraan para malaman kung sino ang kasama ni Chase. Hindi magtatagal at hindi na ako magugulat kung biglang nasa telebisyon na ang mga pictures ko dahil sa kabaliwan ng lalaking ito.
"I'm just telling the truth babe. I won't deny you, never. Not to anyone." Sagot naman niyo at napahawak pa ito sa panga. "Damn, your knuckles are more better than that coffee I drank."
"Tadyakan kita diyan. Chase, tahimik ang buhay ko at dahil sayo, nakikita ko ng magugulo ito. Makakatikim ka talaga sakin pagnagkataon." Banta ko sa kanya. Banas na banas ako sa kanya sobra.
Ngumisi naman ang loko loko. "Really? I can taste you? I can't wait."
"Manyakis! Buwiset!" Nagdabog ako palabas ng elevator nang bumukas na ito nang marating namin ang third floor. Mababaliw na talaga ako sa kanya. Mas mabuti pa na hindi na lang siya bumalik kaysa mabuwiset sa kanya ng ganito. Hindi ko talaga alam kung ano ang sumanib sa kanya at ganito ang ginagawa niya. Hindi ba siya takot ma-eskandalo?
Binilisan ko ang paglalakad kahit hindi ako komportable sa suot kong sapatos. May mga media din doon na tila may hinahanap sila kaya mabilis akong sumabay sa mga panauhin para hindi ako mapansin.
Mabilis akong pumasok sa loob. Maliwanag doon at maraming round tables at may mga nakalabel doon sa bawat upuan kung anong company representative ang uupo.
Hindi na nakasunod si Chase sa akin dahil mukhang naharang ito ng media. Laking pasalamat ko na lang at nakalusot ako doon.
"Good morning miss, anong company po kayo?" Tanong sa akin ng isang assistant ng WBA dahil yun ang nakalagay sa kanyang ID.
"Transformer Inc, miss." Sagot ko naman sa kanya.
"Dito po ang table niyo miss." Nakangiting sagot niya sa akin kaya sumunod na ako sa kanya ng igiya niya ako sa assigned seat ko. Nasa gitna iyon at may mga katabi din akong mga ibang kompanya na hindi pamilyar sa akin. Siguro mga kagaya kong maliliit din na kompanya.
Sa harap ay nakita ko na may mga upuan doon pero walang label. Siguro para yun sa mga malalaking kompanya na hindi na kailangan ng seat assignment dahil nakakaupo lang sila kahit saan nila gusto.
BINABASA MO ANG
She's the Man |BBS 1|
Любовные романы|COMPLETED| Her name is Sapphire Emerald Maxine Lopez. Daughter of Natalie and Robert Lopez and the only sister of Tyler Jones Micheal Lopez. Ang hahaba ng mga pangalan nila di ba? Well it was because of their mom na talagang pinaghandaan ang mga pa...
