Max's POV
I was just informed that I will be the new assistant of Chase. Napapataas lang talaga ang kilay ko, from business owner to assistant. Pero may karapatan pa ba akong magreklamo? I am only doing this for the sake of my business.
Nandito pa rin ako hanggang ngayon sa HR department dahil nagbebrieffing si Mr. Fausto yung nag-interview sa akin kanina na nireject na ako at binawi pa. Ngayon naman ay para itong tuta na tila takot sa akin or to be exact he is being nice to me because he is afraid of something.
"Miss Lopez, your job will be accompanying the CEO to every appointments he has and doing minor errands." Saad nito sa akin.
Napakunot naman ang noo ko. Minor errands? Bakit minor lang? Assistant ako di ba?
"Are you sure?" Naitanong ko rito. "I mean, are you sure that is only my job?"
He shrugged. "This is the message from the higher management Miss Lopez. This is the indication of your job and Our CEO has already two assistant and they do work differently. Our CEO has that big business for him to need few assistants." Sagot naman nito.
Napaawang naman ako. Ako nga si Reena lang ang assistant ko at si Baldo naman yung sa warehouse, but though I understand. Having a company as big as this, baka kulangin pa nga kaming tatlo ay kailangan pa na magdagdag.
"Ok, and when will I start?" Tanong ko rito.
Tumingin ito sa schedule sa folder bago sumagot sa akin. "Today. I will be sending you to the top floor." Saad nito at tumayo na ito at pinasadahan ako ulit ng tingin and confusion is really evident on his eyes.
Gusto ko naman itong pagtaasan ito ng kilay. Malamang iniisip nito na tomboy ako at tsaka itong get up ko na para sa kanya ay inappropriate. Well, manigas siya dahil mismong ang big boss na nila ang may sabi na okay lang kahit ano ang suotin ko.
Sumunod na ako rito at pumanhik na kami sa elevator. Pinindot na nito ang pinakamataas na floor sa building at tahimik lang ako dito na nakatingin sa bawat numero na papalit palit. Hindi naman nagtagal at narating na namin ang top floor and when the elevator opened, isang malawak na red carpeted floor ang nadatnan ko with indoor plants. The walls are in beige and there is a part of the office where there are only glass walls at kitang kita ang city. May blinds naman ito kaya pwedeng takpan kung mainit.
"Mr. Adam." Bati naman ni Mr. Fausto sa isang matangkad na lalaki na halatang foreigner ito na hindi ko man lang napansin dahil okopado ang atensyon ko sa interior ng office. Halatang walang ibang office dito maliban sa CEO.
"Mr. Fausto, good thing you were able to do you job right." May kalakip na sarcasm ang saad nito na agad naman ikinaputla nito. "Hello Max, I am Mr. Raccini's Assistant, nice to meet you." Saad nito sa akin na nakangiti at naglahad pa ng kamay.
Tinanggap ko naman ito. "I think I don't need to introduce myself since you already know my name." Nakangiting saad ko naman rito at tinanggap ang kamay.
"Of course. Chase will be too happy to see you." Saad nito. "And by the way, this is Martina the other assistant." Pakilala naman nito sa babaeng nakaupo sa desk na busy sa pagtitipa na ngayon ay napatayo na at nakangiti. She looks plain but not that bad.
"Hi!" Bati nito at nag wave pa ito. How cute.
"Hey, I am Max. Hope to be friends with you mate." Saad ko rito na nakangiti.
Halatang napanganga naman ito sa akin at natulala na napatingin sa mukha ko. Pero agad naman itong nakabawi at ngumiti. "What a gorgeous girl." Komento nito.
I hide my smirk. She just called me gorgeous right? As a girl or a boy? Napaka-skeptic ko talaga but who cares, mukhang makakasundo ko ang mga ito.
BINABASA MO ANG
She's the Man |BBS 1|
Romance|COMPLETED| Her name is Sapphire Emerald Maxine Lopez. Daughter of Natalie and Robert Lopez and the only sister of Tyler Jones Micheal Lopez. Ang hahaba ng mga pangalan nila di ba? Well it was because of their mom na talagang pinaghandaan ang mga pa...