Third Person's POV
Hindi magkamayaw ang iyakan ng mga tao sa loob ng kwartong iyon.
Wala ng mas sasakit pa na malaman na huling araw na ito ng pinakamamahal mo.
"Pa. Mahal na mahal ka namin" sambit ng isang babae na may dala dala pang baby.
"Alagaan mong mabuti ang apo kong si Ivan, anak" kahit na nahihirapan nagawa pa rin ngumiti ng matanda.
Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok ang matandang nasa late 60's na rin and edad. Lahat ng atensyon sa loob ng kwartong iyon ay napunta sa kaniya.
"Kumpadre!" sigaw nito at lumapit sa matandang may sakit.
"Kumpadre, 'wag kang iiyak. Bakla lang ang umiiyak" nagawa pa rin nitong magbiro kahit nahihirapan ng magsalita.
"Kasama mo ba ang iyong anak kumpadre at ang inaanak ko?" tumango naman ang matanda kasabay no'n ang pagpasok ng babae na may kalong kalong na baby.
"Ang ganda ganda talaga ng apo mo kumpadre, bagay siya sa gwapong Ivan namin" kahit na naiiyak ang mga tao sa loob ay pinilit nilang ngumiti.
"Kumpadre may hihilingin lang sana ako--" napatigil ito sa pagsasalita at umubo, mabilis siyang inalalayan ng mga nurse na nasa loob ng kwartong 'yon.
"Huwag ka munang magsalita kumpadre, nanghihina ka pa!" umiling iling naman ang matanda at ngumiti sa kaniyang kausap.
"Nararamdaman ko, huling pagkakataon ko na 'to. Kaya kumpadre gusto ko kahit wala na ako at dadating ang oras na mawawala ka na-" tawanan ang namayani sa loob kahit bakas sa mga mata nila ang lungkot "--ipagkasundo mo ang ating mga apo." ngumiti pa ito at tumingin sa dalawang baby na magkatabi.
"Makakaasa ka" ang mga katagang iyon ang nagsilbing hudyat upang tuluyan ng lisanin ng matanda ang mundo.
---
valiwriexx
BINABASA MO ANG
When A Gangster Falls Inlove
RomanceGANGSTER? I really hate them! Ngunit hindi ko inaasahan na ang mga bagay na iniiwasan mo, ito pa pala ang kusang lalapit sa'yo. I always believe that there's a right man for you, but is it possible na kung sino pang kinakainisan mo, siya pa pala ang...