Michaela's POV
"Fine, fine. What condition?" nagulat naman ako nang ngumiti siya.
"Work for me in one month and I will sign that contract." literal na nanlaki ang mata ko.
"WHAT? Are you kidding me?" tumikhim naman siya pero nanatili sa mukha niya ang pagiging seryoso.
"No! No! No! I won't do that," tumayo naman siya ng nakapamulsa at tumango
"No work, no signature. Hindi ko rin naman naisip na papayag ka. So, bye misis ko," ngumiti pa siya bago naglakad palayo. Arrrgh, napasabunot nalang ako sa sarili ko.
Ano ng gagawin ko?
Sigurado akong sa isang linggo pa nga lang na pagkawala ko magtataka na si Scott, paano pa kaya kung isang buwan.
Pumasok na ako sa unit ko. Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ang offer ni Dio, iyon na lang ang choice ko. Bwisit!
Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong hininga bago ko dinial ang number ni Scott.
Napapikit ako ng mariin habang naririnig ang ring sa kabilang linya. Nang sinagot niya na, hilaw akong ngumiti.
"Hello, honey"
"Where the hell are you? I already find you in our secret place but you are nowhere to found"
Nalayo ko sa tenga ko ang cellphone ko dahil sa sigaw niya. Mukhang galit na siya.
"Scott, I'm here in the Philippines," hinanda ko na ang tenga ko para sa susunod niyang sigaw ngunit katahimikan ang namayani.
"Hey, Scott," tiningnan ko pa ang phone ko baka sakaling pinatay niya pero hindi pa naman.
"Why? I mean, what are you doing there?" I should be honest kaya sasabihin ko na.
"I have to tell you something---" Hindi ko na napigilan ang paghagulgol ko. "I am already married, I'm sorry. Don't worry, I will fix this. Promise. Just give me a month," narinig ko naman ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya.
"Make sure you're not getting close to your husband. Once na matapos ko lahat ng gagawin ko, susundan kita," may sasabihin pa sana ako kaso pinatayan niya na ako. Hindi ko naman siya masisisi kung magagalit siya, kahit ako, kapag nalaman kong kasal na siya, magagalit din ako. Dumapa na lang ako at doon umiyak. Fuck this life!
Pinindot ko ang doorbell ng unit ni Dio at nakailang pindot pa ako pero wala pa ring sumasagot.
Aalis na sana ako ng bumukas iyon at ngiting ngiti naman akong sinalubong ng lalaking ito.
"Bakit misis ko? Gusto mo bang dito na lang din matulog sa unit ko?" ewan ko ba, naiinis ako tuwing nakikita kong nakangiti siya. Gusto ko siyang sapakin pero nasasayangan ako sa gwapo at halos perpekto niyang mukha kung babasagin ko lang.
"Pumapayag na 'ko, kailan ako magsisimula?" mas lalo naman lumawak ang ngiti niya.
"Bukas. And don't worry, I already prepared your uniform," nagulat ako ng may kinuha lang siya sa gilid at inilabas ang paper bag.
"Wow! Hindi ka naman prepared for this 'no?" sarcastic kong sabi pero nginitian niya lang ako.
"I have a contract of rules here," ipinakita ko sa kaniya ang papel na dala ko "baka gusto mo 'ko papasukin" niluwagan naman niya ang pagkakabukas ng pinto at minuwestra pa ang kamay.
BINABASA MO ANG
When A Gangster Falls Inlove
RomanceGANGSTER? I really hate them! Ngunit hindi ko inaasahan na ang mga bagay na iniiwasan mo, ito pa pala ang kusang lalapit sa'yo. I always believe that there's a right man for you, but is it possible na kung sino pang kinakainisan mo, siya pa pala ang...