Chapter 20

1.5K 35 4
                                    

Michelle's POV

"I'm Ella Marie Tuazon, 19 years old---" wala akong maintindihan miski isa sa sinabi niya.


Napairap nalang ako sa kawalan.

Panira talaga itong babaeng ito sa buhay ko.


Kinuha na nga niya ang atensyon ni Dio kahapon, ngayon naman magiging kaklase ko pa siya.


Bandang huli ako pa ang kontrabida sa love story nila ni Dio.


"You look bitter. Hindi bagay sa magaganda ang maging bitter," imbes na mainis napangiti na lang ako sa sinabi niya.


Umupo naman itong si Ella sa tabi ko.



"Can I sit next to you?" ngiti lang ang sinagot ko sa kaniya. Lumapit nanaman itong si Michael sa akin at bumulong.


"Maghulos dili ka. Nasa classroom tayo," bulong nanaman ni Michael kaya hinarap ko siya at hinampas.



"Arraaayyy!" OA lang, mahina lang naman yung hampas ko sa kaniya pero kung makapag-react siya.

---

Nandito kami sa cafeteria ni Michael kumakain, hapon na rin pero naisipan naming kumain muna bago umuwi. Ihahatid daw niya ako, since lagi naman akong walang kasabay pumayag na rin ako. Nagulat naman ako ng biglang dumating si Dio.


"Dio please, 'wag ka na gumawa ng gulo," sabi ko. Hindi niya pinansin ang sinabi ko, umupo siya sa tabi ko at tiningnan ang braso ko.

Kumunot naman ang noo niya nang makita ang band aid na nakalagay doon.


"Hindi ka nagpunta sa clinic?" seryosong tanong niya habang sinusuri pa rin ang braso ko.


"Bakit pa?" mataray kong sagot sa kaniya.


"Tanga ka ba? Paano kung napilayan ka pala?" pasigaw na sabi niya sa akin dahilan para magulat ako.


Binitiwan niya naman ang braso ko at mukhang nagulat pa siya nang makita si Michael sa harapan namin.



"Anong ginagawa mo rito?" taas kilay na tanong niya rito.


"Kumakain," pamimilosopo naman ni Michael sabay sandal pa sa upuan. Jusko naman,  wala naman sanang away na maganap ngayon.


"Makakaalis kana, mag uusap pa kami ng ASAWA ko," at pinagdiinan niya pa talaga ang salitang asawa.



"Ayoko nga. Si Mich ang kasama ko d
Rito, kaya siya lang ang pwedeng mag pa alis sa akin. In fact, ihahatid ko pa siya mamaya baka kung mapano pa siya," sabi pa ni Michael, hinampas naman ni Dio ang lamesa at tumayo. Agad naman akong tumayo, mahirap na baka saan pa mapunta 'to.



"Sige na Michael, pasensya na. Mauna ka na," sabi ko, nginitian lang niya ako habang si Dio naman ngumisi na rin sa kaniya bago umalis.

Tiningnan ko naman siya ng masama.


"Bakit?" tatawa tawang tanong niya at kinain ang sandwich na hindi ko pa nakakain



"Ang salbahe mo," irap ko sa kaniya, pero ngiti lang sinagot niya sa akin at kumain na ulit ng sandwich.



"Dadaan muna tayo sa clinic," paguutos niya habang kumakain pa rin.



"Huwag na, okay na. Ginamot ko na naman sarili ko, kaya okay na 'yon,"sabi ko habang binubuklat ang libro at kunwaring nagbabasa. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na tumingin siya sa akin.



When A Gangster Falls InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon