Michelle's POV
Pagkatapos ng tawag ni Tita Isabelle, hindi na ako nakatulog kaya kahit napaka-aga pa ay naligo na ako at bumaba. Pagkababa ko naman naabutan ko na silang nag aagahan.
"Good morning, baby girl. Ang aga mo yatang nagising ngayon? Wala namang pasok. Tara kain," bati ni Mommy at minuwestra ang katabing upuan.
"Hindi na po, Mommy. Aalis po ako," sabi ko at hinalikan siya sa pisngi pati na rin si Daddy.
"Saan ka naman pupunta? Ganito kaaga? Sarado pa mga mall," pagtatanong ni Kuya Grey dahilan para mapatingin silang lahat sa akin at hintayin ang sagot ko.
"Well, Tita Isabelle called---" hindi ko na natapos sasabihin ko nang mapatayo si mommy bigla.
"Sabi na nga ba may something sa paghatid ni Dio sa'yo kagabi," ngising sabi nito, automatic naman na nanlaki ang mata ko. Ano bang iniisip nitong si Mommy? Baka mamaya akala niya may something na sa amin ni Dio.
"No, Mom! Kung ano 'man 'yang iniisip mo, I assure u, friends lang kami ni Dio. Nothing more, nothing less. Nakiusap lang si Tita Isabelle sa akin dahil may sakit si Dio, I felt so guilty din kaya naman pumayag ako," mahabang pagpapaliwanag ko, naupo naman na si Mommy. Masyado naman si Mommy nag iisip ng kung ano ano.
"Oooookay," mapanuyang sagot nito. Halata namang kahit gaano kahaba ang paliwag ko, hindi siya naniniwala. Palibhasa kasi itong si Mommy bet na bet niya si Dio para sa akin.
---
Ngumiti at pinapasok agad ako ng guard since mukhang kilala naman niya ako. Matagal tagal na rin mula ng huling dalaw ko rito sa bahay nila Dio. Wala pa rin itong pinagbago, malaki, malinis at bakas pa rin ang pag ka-classic style ng kanilang bahay.
Pagkarating ko sa main door, kusa itong bumukas at may iilang katulong na nag bow sa akin. Medyo nahiya naman ako dahil masyado silang formal.
"Ay hello po, Good morning! Si Dio po?" I asked.
"Naku, ma'am. Pasensya na po, nasa kwarto po si Sir Dio nagkulong. May sakit po siya pero ayaw niya po kaming papasukin," totoo naman palang may sakit, akala ko pinagti-tripan nanaman ako 'eh.
Ngumiti at nagpasalamat lang ako sa katulong bago umakyat sa taas.
Kumatok ako ng tatlong beses at hinintay na magbukas ang pinto ngunit wala akong sagot na natanggap.
Kumatok pa ako ng tatlong beses ngunit kagaya kanina, wala nanaman akong sagot na natanggap. Pinihit ko ang doorknob. Hayop, hindi naman pala naka-lock, dahan dahan ko itong binuksan.
Sinalubong ako nang mabangong amoy. Grabe, nakakaadik ang amoy ng kwarto niya. Pinagmasdan ko ito at na-astigan ako sa simpleng design at theme ng kwarto niya. Pinaghalong kulay itim at puti ang makikita sa kwarto niya at pansin ko din na maluwag ito at konting gamit lang makikita. Katulad ng closet, master bed, mini table, sofa at tv.
Unang beses kong makapasok sa kwarto ng lalaki, kaya medyo kinakabahan ako. Hindi naman ako nag-eexpect na may mangyayari. Hindi lang ako komportable na pumasok ako sa kwarto ng lalaki, kahit na kilala ko pa ito. I'm an old school.
"Hindi ka naman siguro pumunta rito para pagmasdan lang ang kwarto ko?" bahagya pa akong napatalon ng may magsalita. Gising naman pala ang mokong. Lumapit naman ako sa katabing study table ng kama niya at naupo roon.
BINABASA MO ANG
When A Gangster Falls Inlove
RomanceGANGSTER? I really hate them! Ngunit hindi ko inaasahan na ang mga bagay na iniiwasan mo, ito pa pala ang kusang lalapit sa'yo. I always believe that there's a right man for you, but is it possible na kung sino pang kinakainisan mo, siya pa pala ang...