Michelle's POV
"Marry me, Michelle" sabi ni Dio dahilan para manlaki ang mata ko at mapanganga.
"Are you kidding me, right?" tanong ko pero wala namang nagbago sa expression ng mukha niya. Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko nang dahan dahan siyang lumapit sa akin.
"I know kung bakit ka pumunta rito. Siguro ay sinabi na ng magulang mo ang plano ng grandparents natin" tumango naman ako.
"Then, marry me. Papakinabangan kita at the same time papakinabangan mo 'ko. Lugi ka pa? Sa totoo nga ako ang lugi dahil akalain mo 'yon, ang leader ng black phoenix, papakasal sa katulad mong-----" tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa "flatchested, hindi naman kagandahan, childish at pandak" napakagat naman ako sa labi ko ang kapal naman talaga ng mukha ng lalaking 'to, siya na nga nanghihingi ng pabor, lalaitin pa ako.
"Wow. Coming from you! FYI kahit sabihin mong gan'to lang ako 'di ko parin gugustuhin na mapakasal sa katulad mo. Tulad mong---" tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa. Ghad, parang wala naman mali sa kaniya. Ang unfair ng mundo. "GANGSTER" natawa naman siya.
"Kahit kailan napakakitid talaga ng utak mo! What i mean is, 6 months after natin ikasal at makuha ang mana natin, we can file an annulment." napakurap naman ako do'n. HINDI KAGANDAHAN, FLATCHESTED, CHILDISH, tapos ngayon MAKITID UTAK. Napupuno na ako sa lalaking ito.
"So ganiyan ka sa mapapangasawa mo?" I said while pouting then crossed my arms, narinig ko namang napamura siya.
"You know what, I change my mind. I don't want to marry a childish like you. MABABALIW AKO" Wow. Bakit ba nuknukan ng yabang ang lalaking 'to. Naglakad naman siya palayo pero bago pa siya mawala sa paningin ko, sinigawan ko siya.
"Alam mo, I don't want to marry a stupid gangster like you. Sana mabugbog ka tapos matalo tapos kawawain, because being the leader doesn't suit you" napatakip naman ako sa bibig ko at pinalo palo ito. Bakit hindi ka pumreno. Letse. Why I'm so being honest today ba. Lagot ako huhu.
Lumingon naman siya at nakita ko ang matatalim niyang mata na nakatingin sa akin at dali dali siyang naglakad pabalik sa akin, naka ilang hakbang lang ay nasa harapan ko na siya.
"Are you sure what are you talking about? Let see" nagulat ako nang hinila niya ang kamay ko at mabilis na bumaba ng hagdan.
"Bitawan mo nga ako!" sabay alis ko ng kamay niya na nakahawak sa braso ko, napatingin naman siya at tinitigan ako ng masama at galit na galit.
"Fuck!" mura niya, nagulat ako ng bigla niya akong binuhat at walang hiyang lalaki 'to, binuhat ako ng katulad ng pagbubuhat sa bigas.
"BITAWAN MO AKO DIO...WHAAA TULUNGAN NIYO AKO" sigaw ko sabay hampas sa likod ng lalaking ito ngunit parang bakal ang likod nito dahil ako yung nasasaktan. Pinagtitinginan naman kami ng mga tao pero ni isa walang tumutulong. Naalala ko, si Dio nga pala 'to, ang leader ng black phoenix at kahit na lumabas na ang ugat ko sa kakasigaw walang tutulong.
"Huwag ka ngang makulit diyan childish, kung 'di ilalaglag kita" sabi niya pa, nakarinig naman ako ng ilang bulong bulungan.
"Kawawang babae, kalabanin ba naman si bebe Dio ko"
"Ghaashh ang hot ni bebe Dio"
"Sana ako nalang yung girl kahit pabaliktad niya pa ako buhatin ok lang"
BINABASA MO ANG
When A Gangster Falls Inlove
RomanceGANGSTER? I really hate them! Ngunit hindi ko inaasahan na ang mga bagay na iniiwasan mo, ito pa pala ang kusang lalapit sa'yo. I always believe that there's a right man for you, but is it possible na kung sino pang kinakainisan mo, siya pa pala ang...