Chapter 3

3.1K 73 5
                                    

Michelle's POV



Magsisimula nanaman ang araw ko sa pinaka ayokong tunog. Ang alarm clock. Labag 'man sa kalooban ko, tumayo na ako at ginawa ang morning routine ko.




To be exact, isang linggo na ang nakakalipas after kong makialam sa pang bu-bully ni Dio. Isang linggo na rin akong palaging nagtatago at umiiwas sa mga posibleng daan na makikita ko siya. Kahit na alam kong hindi niya ako sasaktan natatakot pa rin ako dahil baka ako ang maging susunod na mapagtripan ng grupo nila.




"Ma'am nandito na po tayo"




"Ayy anak ng kabayong payat! Manong naman kita niyo ang lalim ng iniisip ko gugulatin niyo pa ako" napahawak naman ako sa dibdib ko. Nagulat ako do'n ahh.




"Pasensya na ma'am" bababa na sana ako ng ma-realize ko na nasa mismong entrance pala ako ng school.



"Omg, manong! Hindi ba sabi ko sa likod ng university niyo ako ibaba" napakamot naman si manong sa kaniyang ulo. Kapag may nangyari talaga sa aking masama, si manong may kasalanan.



"Pasensya na ma'am hindi ko po kayo gaanong naintindihan. Gusto niyo po ba doon ko nalang kayo ibababa?" umiling nalang ako at bumaba na. Bumuntong hininga muna ako at humawak sa tuhod. Dating gawi.



3




2




1




TAKBOOOOO


Makarating lang ako sa room ng hindi nakikita si Dio okay na ako. Ngunit dahil hindi ko gaanong nakikita ang mga dumadaan, may nakabanggaan ako ng hindi inaasahan.




Dahan dahan naman akong napatingin sa nakabangga ko. Oh my god! Sa lahat ng makakabangga si Dio pa talaga huhu! Tadhana naman 'eh, pinaglalaruan mo yata ako.




Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso habang nakasuot ang mga kamay sa bulsa at ako naman pinupulot ang mga libro kong nalaglag. Totoo nga ang mga naririnig kong sabi nila na talagang maninigas ka kapag tinitigan ka ng isang Dio. Ikaw ba naman titigan ng gangster aba maninigas ka talaga. Kahit na sabihing magkaibigan ang pamilya namin, hindi ko pa rin maiwasang isipin na he's a gangster. Wait, hindi lang pala basta basta gangster. Siya rin ang leader no'n.





"Hi Dio! Ahmm about last week---" alanganin kong pagsasalita bago tumayo, ngumiti ako sa kaniya ng pagkalawak lawak ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay. Kaya mo ito Michelle. 1, 2, 3 takbooooo, hindi ko na siya nilingon basta kumaripas na  lang ako ng takbo



TAKBOO

TAKBOO



"Oh Mich, nagmamadali ka? May humahabol?" pagtatanong ni Jess, kung hindi niya pa ako hinarang hindi ko pa siya mapapansin. Sinabi ko nga pala sa kaniyang hintayin niya ako sa baba ng building at sabay nalang kaming papasok sa room tutal magkaklase naman kami sa first and last subject. Hinabol ko muna ang hininga ko bago magsalita.



"Wala! Tara pasok na tayo" pag aaya ko sa kaniya at hinila na siya paakyat sa building. Lumingon naman ako sa likod ko at nakahinga nang maluwag ng makitang wala si Dio.

---


Maaga akong nakauwi sa bahay dahil halfday lang kami. Hindi na rin ako nagpasundo kay Kuya at sumabay nalang sa kambal since madadaanan naman ang village sa amin bago sa kanila.



Bumaba na ako ng kotse, binaba naman ni Jass ang bintana ng kotse nila.



"Jass, Jess thank you sa paghatid" sabi ko habang nakadungaw sa bintana ng kotse.




When A Gangster Falls InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon