Chapter 23

2K 56 24
                                    

Michelle's POV




I'm colder than the temperature in north pole.




Ayoko na umasa, tama na siguro!  Masyado na akong nasasaktan.



Tama nga siguro na iwasan ko siya. Tama siguro yung sinabi kong pakawalan ko na siya. May 3 months pa kaming natitira, siguro iiwas nalang ako ng maiwasan kong lumala itong pagtibok ng pesteng puso ko.




Dio's POV



Pagbangon ko, agad akong napahawak sa ulo ko dahil sa sobrang sakit.



"Shit," inis na sabi ko at lumabas ng kwarto kahit gulo gulo pa ang buhok ko.




No'ng pagbaba ko nakita kong inaayos ni Mich ang pagkain sa lamesa.



Teka, siya ba nagpasok sa'kin dito sa loob? As far as I remember nasa kotse lang ako.




Nang makaupo ako inantay kong batiin niya ako o kaya naman tanungin kung ayos ba ang pakiramdam ko pero walang Michelle na nangulit magtanong.




"Good morning," ako na ang nagbasag sa katahimikan pero tango lang ang isinagot niya sa akin kaya mas nagulat ako.




Hindi kaya nagalit siya sa ginawa ko sa kaniya kahapon?




Napabuntong hininga naman ako.




"About yesterday, I'm sorry," sabi ko pero tango lang ulit ang sinagot niya sa akin. Seriously?





"Galit ka ba sa akin?" umiling siya.





"And thank you nga pala sa pag aalaga mo sakin kagabi," ngunit tango lang ang isinagot niya, hindi ko na napigilan ang sarili ko.




"Bakit hindi ka nagsasalita?" nag angat naman siya ng tingin pagkatapos ay binaba ang kutsara at tinidor at umalis sa harapan ko without answering my damn question.



Bakit ngayon mo pa ako iniiwasan Michelle?




Ano ba itong nararamdaman ko?




Kahapon, inaamin ko nasaktan ako nang malaman kong ikakasal na si Ella kaya umalis ako at nag inom, pero bakit nasasaktan ako ngayon dahil sa hindi ako pinapansin ni Michelle?




Dapat ko na bang kalimutan si Ella dahil unang una ikakasal na siya at dapat ko na bang ituon kay Michelle ang pansin ko dahil siya ang laging nandiyan para alagaan ako, pagsilbihan ako at nandiyan siya para mahalin ako?




Damn...Naguguluhan na ako.


Michelle's POV


Nagmadali akong umakyat sa kwarto ko dahil hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Pagpasok ko, ni-lock ko agad ang pinto at sumandal doon.




Kanina sobrang saya ko dahil binati niya ako, nag-sorry siya at nag pasalamat sa ginawa ko, he also notice na iba ang pakikitungo ko sa kaniya. Pinilit kong 'wag ngumiti, pinilit kong 'wag siyang pansinin, pinilit kong 'wag siya patawarin at pinilit kong pigilan itong nararamdaman ko.




Pero talaga nga namang totoo ang sinasabi nilng mahirap mag move on.



Nakarinig ako ng katok.



"Michelle, let's talk. I'm sorry," kinalma ko ang sarili ko.




"Nagso-sorry ka ba dahil humihingi ka ng tawad? O nagso-sorry ka kasi may gagawin ka nanamang kasalanan?" malungkot pero may diin kong sabi.



When A Gangster Falls InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon