Chapter 14

2K 73 16
                                    

Michelle's POV


"TABI," malademonyong sigaw ni Dio dahilan para matigilan ang lahat at magbigay ng daan sa kaniya.



Mabilis siyang lumapit sa akin at sinuri ang kabuuan ko pagkatapos ay hinubad ang jacket niya at sinuot sa akin.




Hindi ko alam kung bakit mas lumakas ang loob ko nang nakita ko si Dio dahilan para tumigil na ang luha ko sa pagtulo.




"Sino may gawa sa'yo nito?" diing tanong niya pero hindi ko siya nasagot at napatingin lang ako sa gawi nila Jass at Jess na nakatingin ngayon ng masama sa amin.




Agad na humarap si Dio sa mga estudyante.




"Walang magpo-post ng kahit anong video. Kapag may nakita ako, alam niyo na ang mangyayari sa inyo. At isa pa. Walang pwedeng mam-bully o gumawa ng ganito kay Michelle, ayaw niyo naman siguro akong magalit, " may pagbabanta at ma-awtoridad na sabi ni Dio.Tumingin naman siya ng seryoso kay Jass at Jess.




"And you two---" turo niya rkto "Get loss! 'Wag na 'wag kayong magpapakita sa akin dahil kayang kaya kong patigilin ang paghinga niyo ngayon din," hinila naman ni Jess si Jass na masama ang tingin sa akin.




Unti-unti na ring nag alisan ang mga tao hanggang sa kaming dalawa nalang ni Dio ang natira.



"Are you okay?" pagtatanong niya at hinawakan pa ang magkabilang balikat ko.Tumango naman ako bilang tugon.





"I have an extra shirt in my car, want to wear it?" agad naman akong umiling.




"Huwag na meron naman ako sa locker ko, and thank you, babalik ko nalang sa'yo 'tong jacket mo," sabi ko, bumitaw naman siya sa akin.



Naglakad na siya palayo ng nakapamulsa ang kamay ngunit ilang dipa palang ang layo niya nang tumigil siya sa paglalakad.




"Sana lang 'wag ka ng lapitan ni Scott----" pagsasalita niya kahit na nakatalikod sa akin "Dahil nandito naman ako para iligtas ka," biglang tumigil ang paghinga ko sa huling sinabi niyang iyon bago umalis.




Kinikilig ako ng bongga, kahit na may masamang nangyari sa akin kanina parang nawala ang lahat ng iyon sa sinabi ni Dio.



Dahil nandito naman ako para iligtas ka.



Dahil nandito naman ako para iligtas ka.


Nagpaulit ulit pa iyon sa tenga ko hanggang sa makabihis ako at makapunta sa room.




Hindi maiwasan ang bulungan. These past few days sumisikat na'ko dito sa GU. I was once a nobody, na dinadaan daanan nila. Pero ngayon, I was always in the headline. Kapag dunadaan ako, hindi maiwasan ang bulungan. Being a well known is sucks, parang wala kang kalayaan gawin ang gusto mo.





Mabilis na natapos ang araw. Hindi ko rin nakita si Scott ngayon. Nakauwi naman ako sa bahay ng maayos, hindi na rin ako nag-kwento.





Nang makaligo na ako agad ako nag log in sa account ko. Sana naman walang nag-post ng video.





Nakahinga ako nang maluwag nang makitang walang nag-post ng kahit anong video. Takot lang siguro nila kay Dio. Napagdesisyunan kong matulog na lamang.


Kinaumagahan.



Nag inat ako pagkatapos ay naligo at bumaba, kumakain naman sina Kuya Darren at Kuya grey.



When A Gangster Falls InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon