Chapter 37

310 8 5
                                    

Michaela's POV




"Michaela!" narinig kong sigaw ni Dio ngunit tumakbo lang ako.





Wala na akong pake kung ano ang kinalabasan nang ginawa ko. Gusto ko lang lumayo, gusto ko umiyak, gusto ko sumigaw, gusto kong magpakatotoo sa sarili ko.







"Michaela," narinig kong sigaw pa ni Dio hanggang sa nahawakan na niya ang braso ko at nasa harapan ko na lamang siya bigla.







"Putang ina, Dio! Parang awa mo na. Gulong gulo na ako. Please, huwag muna ngayon," hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Gusto kong maging matapang sa harapan niya ngunit lahat 'ata ng ito ay naubos na.







"Why are you crying?" gusto kong matawa sa tanong niya. Tanga ba siya? Obvious naman na umiiyak ako dahil nasasaktan ako.







"Fuck you," mura ko sa kaniya at nilagpasan siya ngunit agad niya ring nahila ako at niyakap nang mahigpit. Gusto kong kumawala sa pagkakayakap sa kaniya ngunit mas hinigpitan niya pa ito.







"Did I make you cry again? I'm sorry," hindi ko alam ngunit nanghina ako nang marinig ko ang boses niya. Hindi ko nakikita ang mukha niya o nababasa 'man lang ang mata niya, ngunit no'ng nagsalita siya, ramdam na ramdam ko ang lungkot nito.






"I'm sorry. Putang ina ko, wala pa rin akong pinagbago. Sabi ko no'ng nakita kita ulit, lahat gagawin ko para maging masaya ka lang. Pero ito ka nanaman, umiiyak. Dahil nanaman sa akin. Ang bobo ko," naramdaman kong humihikbi na rin siya. Umiiyak ba siya?






Lumuwag na ang pagkakayakap niya sa akin ngunit hindi ko alam bakit hindi ko magawang bumitaw. Natatakot akong makita siyang umiiyak. Natatakot akong, baka kapag hinarap ko siya, masagot lahat ng katanungang gumugulo sa isipan ko.






Na baka malaman ko kung sino ba talaga ang mahal ko. Kung bakit ba ako nagkakaganito.







Shit! Why it has to be like this? Nagmahal lang naman ako ah. Gusto ko lang naman maging totoo sa sarili ko ha. Pero ang hirap dahil kahit anong piliin ko sa dalawa, may masasaktan at masasaktan ako.






It's either Scott, or Dio. Parehas pa ring may mali at hindi tama. Parehas pa rin may gumugulo sa isipan ko at lalo na sa nararamdaman ko.






Hindi pwedeng gustuhin ko na lang bigla si Dio. Putang ina, mag iisang buwan pa lang kaming magkasama pero grabeng pagka-confused na ang nararamdaman ko.






Pero paano si Scott? He's been there with me in all of my journey as Michaela. I need to accept that I am Michelle no more.







Patay na si Michelle.






At iyon ang kailangan naming tanggapin ni Dio.






Naramdaman kong tila unti unti nang pumapatak ang ulan. Tila nakikisabay ito sa nararamdaman ni Dio. Hihiwalay na sana ako sa pagkakayakap sa kaniya ngunit hinila niya ako pabalik at niyakap muli.







"I love you. For the last time, I want to give all my love that I failed to give 5 years ago. Michelle, no Michaela. Fuck. Whatever your name is, ikaw lang talaga. I was so blind before that I didn't accept your love. I deserve this. Pero kasi, mahal na mahal kita. Simula noon, hanggang ngayon. Maging sa susunod pang taon, ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko"






Nanghina akong lalo dahil sa sinabi niya. Lumakas na rin ang patak ng ulan, ngunit parang balewala lang sa aming dalawa na mabasa.







When A Gangster Falls InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon