Chapter 11

2K 55 8
                                    

Michelle's POV

Nakaupo kami ngayon sa lamesang nasa gitna ng garden namin. Nakatayo at naka crossed arm akong nakatingin sa kaniya habang siya naman ay nagpupunas ng pawis niya. Napatigil naman siya ng makita niyang nakatitig ako sa kaniya.


"What?" tanong niya at nagpunas na ulit ng pawis. Umupo naman ako at inabutan siya ng tubig.


"Ano nanaman ba trip mo? Are you kidding, right?" pabulong na sabi ko sa kaniya, baka kasi may makarinig samin at malaman ang plano namin.



"Of course...not. This is what you want right? Magpanggap tayo na in a relationship, especially sa parents mo," napabuntong hininga na lamang ako. Lalong sumasakit ulo ko sa naiisip ng lalaking ito.



Hindi nalang ako sumagot dahil paniguradong hahaba lang ang usapan namin. Nang makapagpahinga na siya, hinatid ko na siya sa gate.




"Goodbye my SOON to be husband," pang aasar ko sa kaniya. Inirapan naman niya ako. Ang bakla talaga ng lalaking ito. Nang makapasok na siya sa bahay niya, umakyat na rin ako kaagad.



Kinuha ko ang cellphone ko. Nakakapanibago lang na walang text or missed call galing sa kambal.



Naisipan ko nalang na kunin ang laptop at mag log in sa facebook. There we're a lot of notifs, message and friend request. Wala rin naman ako maisip na i-chat. I was about to close it ng may marinig akong magkasunod na tunog.



Scott Villanueva sent you a friend request.


"OMG!" gulat na sabi ko. Ang isa pang nag friend request ay si Dio. Pero bahala siya sa buhay niya.



Inaccept ko agad ito. And then...And then, anong gagawin ko? Should I thank him for sending a friend request to me? Really, Mich. It look desperate. Dapat siya ang mag-thank you kasi inaccept ko siya.



Isasara ko na sana ang laptop ng tumunog ito at nag pop up na may message mula kay Scott. OMG heart, please calm down.



Scott: Are you okay now?



Shocks, 'wag kang paasa, kagat labi ko naman siyang nireplayan.



Michelle: Yes! Thanks to your shoulder


Nagtuloy tuloy lang ang pag uusap namin, mas nakilala ko pa siya dahil sa mga kwento niya. Somehow, I forgot my problem a little bit.

---

"Omg! Anak, open the door! Bilis," nagising ako sa malakas na katok at sigaw ni Mommy.


"Mom! Masyado pang maaga, alas dose pa klase ko," sigaw ko pagkatapos ay niyakap ko ang unan ko at tinakip muli sa mukha.


"Wake up na anak, bilis. You need to see this," patuloy pa rin sa pagkatok si Mommy kaya naman inis akong bumangon at binuksan ang pinto ng kwarto ko. Nagulat ako dahil ang bumungad sa akin ay mga bulaklak.


What a surprise!


"Kanino galing ito, Mom?" tanong ko bago inabot ang bulaklak at pinagmasdan ang buhay na buhay na sunflower.


"Kay Dio anak. Look, he's so sweet. Naalala ko tuloy bigla ang kabataan namin ng Daddy mo," kinikilig pang wika nito.




"May chocolate and letter diyan, tingnan mo nalang. Maghahanda lang ako ng pagkain," tumango naman ako at pumasok na sa kwarto. Tumingin ako sa orasan




When A Gangster Falls InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon