Michelle's POV
Halo halong emosyon ang nararamdam ko ngayon habang nakatingin kay Dio na nakaluhod at may hawak na singsing ngayon.
"I'm waiting, Mich," sabi niya dahilan para bumalik sa alala ko yung sinabi ko sa kaniya.
"Pumapayag na ako. Pumapayag na akong pakasalan ka and then after 6 months, we're going to file an annulment"
Kaya naman tumango ako, dahilan para mapangiti siya at isuot sa akin ang singsing. Nagpalakpakan naman ang mga tao.
"What's the meaning of this Michelle?" galit na tanong ni Daddy na nagmadaling pumunta sa amin ni Dio upang agawin ang kamay ko na hawak ni Dio. Agad niya akong nilagay sa kaniyang likuran.
"Sir---" hindi na natapos ni Dio ang sasabihin niya nang suntukin siya ni Kuya Darren.
"Kuya Darren," sigaw ko at lalapitan sana sila kaso hinarangan naman ni Daddy ang daraanan ko at hinawakan ako.
"Dito ka lang," pagbabanta ni Daddy.
"Gago ka ba? Ligaw ligaw ka pang nalalaman tapos ngayon bigla kang magpo-propose! Pinagloloko mo ba kami?" sigaw ni Kuya Darren at sinuntok pa ng isa si Dio. Napaupo na si Dio sa pangalawang suntok na natanggap.
"Seryoso ako sa kapatid mo," sabi ni Dio habang pinupunasan ang dugo sa labi. Susuntukin pa sana ni Kuya Darren si Dio ngunit pinkgilan na siya ni Kuya Grey.
---
Nandito kami ngayon sa lobby ng venue. Si Daddy, Mommy, Kuya Darren, Dio at ako. Habang si Kuya Grey ay nasa venue at humingi ng tawad sa mga bisita.
"Dio ano bang plano mo sa anak ko? Kaka-disi otso niya lang, nag-propose ka agad? Are you out of your mind? Parehas pa kayong nag-aaral! And you Michelle, ano 'to? Pumayag ka agad without our permission?" sermon sa amin ni Daddy.
"Tito, I'm serious with Michelle. At mahal na mahal ko po ang anak niyo," napatingin naman ako kay Dio sa sinabi niyang iyon. Gano'n ba niya talaga ka gusto na makuha ang mana niya at nakakaya niyang magsinungaling.
"Ganito kasi anak, nalulugi na ang kumpanya natin at ang mga pinag kakautangan natin ay masyado itong pinagsamantalahan ang ating pagbagsak, naniningil sila. Mahigit limang milyon ang utang ng kumpanya natin kaya naman kailangan nating mabayaran ito sa loob ng isang taon kung hindi, kukunin nila ang kumpanya."
Nag-flashback sa akin ang mga sinabi ni Mommy, hindi ko na pala dapat atrasan 'to dahil ginagawa ko ito hindi para sa sarili ko lamang. Dad and Mom, mapatawad niyo po sana ako.
Bumuntong hininga muna ako bago nilapitan si Dio at hinawakan ang kamay.
"Mom, Dad, papakasalan ko po si Dio kahit labag sa kalooban niyo. Balak naman po namin magpakasal pagkatapos ng grade 12 ko and we will make sure na hindi po ito makakaapekto sa pag-aaral namin," sabi ko ng buong tapang na nakaharap sa kanila.
"I'm so deeply in love with him. Hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa tabi ko," sabi ko at napangiti ng mapakla. So this is how it feels. To lie, but at the same time, to be true to yourself.
Alam ko naman hindi pa gano'n kalalim ang nararamdaman ko kay Dio, pero hindi ko rin maipagkakaila na wala pa akong nararamdaman sa akin. Tang ina, sa loob ng ilang buwan at araw na pagiging malapit namin sa isa't isa, hindi ko matanggap na nahuhulog na ako.
Hindi ko matanggap dahil mag-isa lanh akong nahuhulog at alam kong wala namang sasalo sa akin.
"Are you kidding us Michelle? Titira ka sa isang bahay with this guy? At ano? Ang bata mo pa mabubuntis ka agad," napalunok ako sa sinabing iyon ni Kuya Darren. Nawala sa isip ko ang mga ginagawa ng mga mag-aasawa.
"Tito, I'm 'gonna make sure hindi mangyayari 'yan. Wala pa po sa plano namin ni Michelle 'yan," napilitang ngumiti naman ako at tumango tango.
"Hayaan mo na sila, hon! They are old enough," biglang singit ni Mommy at tinapik tapik pa sa balikat si Daddy.
"Dio, ipagkakatiwala ko ang anak ko sa'yo," dugtong pa ni Mommy sabay kindat kay Dio at yakap nang mahigpit sa'kin.
"Happy Birthday, anak! Congratulations," bati niya, napangiti naman ako at niyakap siya pabalik. Wala naman ng nagawa si Daddy at Kuya kun'di tanggapin.
---
Mabilis na lumipas ang araw, kumalat din sa buong GU ang about sa proposal ni Dio sa akin no'ng birthday ko.
While Jass? Mas lalo lang siyang nagalit sa akin at mukhang wala na 'atang balak yung kambal na patawarin ako.
And about sa'min ni Dio?
Wala namang ibang nangyari. Walang pinagbago. Yung inaasahan kong boyfriend na kasama ko laging kumain, ihahatid ako, tuturuan ako sa mga assignments ko at tatawgan ako gabi gabi, WALA!
At mukhang malabong mangyari iyon.
Nandito kami ngayon ni Scott sa ilalim ng puno, nag-aaral. After ng birthday ko, siya ang palaging kasama ko. Kaso nakakapagtaka lang na napakatahimik ni Scott ngayon.
Actually, he knows everything. He became my human diary. Sa kaniya ako nagkukwento.
"Hoy, ayos ka lang?" pagbasag ko sa katahimikan. Napabuntong hininga naman siya at tsaka tumingin ng seryoso sa akin.
"Mamaya na ang alis ko Mich. Mami-miss kita, wag mo 'ko kakalimutan ahh," nakaramdam ako ng lungkot. Si Scott na lang ang nasasandalan ko sa oras na ito at ngayon ay iiwan niya na rin ako.
"Ang daya mo rin 'no, akala ko nagbibiro ka lang sa sinabi mo no'ng birthday ko. Hindi ko na naman alam na iiwan mo na rin ako," sabi ko habang hinahampas hampas pa siya at hindi ko narin napigilan ang sarili ko at napaiyak na.
"Shhhh!" pagpapatahan niya at pinunasan pa ang luha kong tumutulo gamit ang kamay niya.
"Stop crying, Mich. Gusto ko kapag umalis ako nakangiti ka. I'm sure magkikita pa naman tayo soon. Goodbye, Mich," ang huli niyang sinabi pagkatapos ay hinalikan ako sa noo at tuluyan nang umalis.
Ang natitira at nag-iisang kaibigan ko. Ang palagi kong nasasandalan kapag may problema ako. Taga salo ng luha ko. My knight in shining armor. He will be gone. And that hurts.
Napangiti na lang ako ng mapakla nang makakita ako ng eroplano sa kalangitan. Goodbye, Scott.
Mabilis na lumipas ang araw at paulit ulit lang ang nangyayari sa buhay ko.
Papasok sa school.
Makakasama mag-lunch sila Dio.
Ihahatid ni Dio.
Then, repeat!
Habang palapit nang palapit ang bakasyon sinusukatan na rin kami ni Dio ng isusuot namin sa kasal.
Dahil napagusapan namin ni Dio na first week ng bakasyon kailangan na agad namin magpakasal dahil nakikita kong nahihirapan na ng sobra sila Daddy sa sitwasyon ng kumpanya namin.
Naisipan kong beach wedding nalang dahil ayokong humarap sa altar kasama ang taong alam kong hindi ako mahal.
Masakit! Pero kailangan kong tiisin dahil ginusto ko rin naman ito.
---
"Anak are you excited?" tanong sa akin ni Mommy. Bukas na ang kasal namin ni Dio. Binigyan ko lang ng isang ngiti si Mommy bilang sagot ko. Sinuklay naman niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.
"Alam mo anak, ikinasal din kami ng Daddy mo at your age. Pero magkaiba lang ang sitwasyon natin, kasi kami hindi kami agad tinanggap ng Lolo mo at kinailangan pa naming ipaglaban ang pagmamahalan namin," bigla naman akong napangiti ng mapakla. Dahil kami ni Dio magpapakasal ng dahil sa pera.
"Maging masaya sana kayo ni Dio, anak," ngiting sabi ni Mommy at hinalikan ako sa buhok bago iniwan.
Bukas na. Bukas na ako ikakasal!
---
valiwriexx
BINABASA MO ANG
When A Gangster Falls Inlove
RomanceGANGSTER? I really hate them! Ngunit hindi ko inaasahan na ang mga bagay na iniiwasan mo, ito pa pala ang kusang lalapit sa'yo. I always believe that there's a right man for you, but is it possible na kung sino pang kinakainisan mo, siya pa pala ang...