Chapter 7

2.3K 60 3
                                    

Michelle's POV



Okay so, ayoko maging OA pero, pwedeng kiligin ulit? Mga 5 seconds na this time. Hindi ko alam kung panti-trip nanaman ito ni Dio pero grabe kinikilig ako ng bonggang bongga. Ang bait niya kasi sa akin ngayon.




Iniisip ko na baka kaya lang siya nagiging mabait dahil may kailangan siya sa akin. Pero sana ganito na lang kami palagi, close sa isa't isa tapos madalas ko pang makita yung ngiti niya na miski no'ng bata kami hindi niya naipakita sa akin.



Effective pala yung tampu-tampuhang ginawa ko, pero nasaktan talaga ako sa mga narinig ko.


Lumabas nako para dumalaw kay Lolo, kaso nakalimutan ko magdala ng posporo kaya naman napagdesisyunan kong bumalik pero papasok palang ako ng nakita kong nakaharap si Dio sa puntod ng Lolo niya at kinakausap ito.

"Lolo, bakit siya? Sa lahat ng pwedeng babaeng ipagkasundo niyo sa akin si Michelle pa talaga? Siya lang naman yung tipo ng babaeng...feeling close, akalain mo tawagin akong Ivan 'eh ayoko ngang tinatawag ako sa pangalang 'yon, ang ending ayon naiwan niya yung barbie doll niya...napaka-iyakin din niya..madaldal din, clumsy, childish, flastchested hahaha she's not even my type Lolo at isa pa, ni hindi nga sila mayaman," hindi ko na kinaya ang mga narinig ko kaya lumabas ako at umupo sa sementong nakita ko.




Bakit gano'n? People are extremely blind. Na kapag hindi ka maganda, hindi ka pasok sa standards nila, o kaya wala kang pera, parang hindi ka katanggap tanggap sa lipunan.




No wonder kung bakit maraming nasasawi sa paligid, mata kasi ang ginagamit nila hindi puso.




Hinahanap nila ang taong maipapan-display lang nila at hindi makakasama habang buhay.



Hindi ba dapat maging masaya ako dahil hindi niya ako gusto? Pero bakit kasalungat no'n ang nararamdaman ko? Parang may kung anong kumurot sa puso ko nang marinig ko ang mga katagang 'yon mula sa kaniya.



I know naman na hinding hindi siya magkakagusto sa akin at gano'n din ako sa kaniya. Pero bakit ganito yung nararamdaman ko? I hate it. Kasi I know that there's something in my heart that wants to continue but my mind stop it.





Pinagmasdan ko lang ang daan na dinaraanan namin. Hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya naman naisipan ko nalang matulog.




Maya maya nagising ako dahil sa naramdaman kong may tumapatapik sa pisngi ko. Dahan dahan kong minulat ang mata ko at mukha ni Dio ang bumungad sa akin.


"We're here! I hope you'll enjoy," ngiting sabi niya, kaya naman pinagmasdan ko ang buong paligid, no'ng una hindi ko pa maintindihan kung nasaan kami but then no'ng may nakita akong mga bata...

OMG!

Nagmadali akong bumaba sa kotse at pinagmasdan ang paligid.

AMUSEMENT PARK. Ngayon na lang ulit ako nakarating dito. And swear, mas lalo akong nag-crave sa mga rides na nakikita ko.

"Omyfreakingghad. Maraming salamat, Dio. Sobrang tagal ko ng hindi nakakapunta rito," masiglang sabi ko at niyakap ko siya. Wait, what? Niyakap ko siya? Agad akong humiwalay sa kaniya. Shit naman Mich, you're so careless.



"Sorry," napatungong sabi ko, myghaaad nakakahiya.




"So, let's go?" nagulat ako nang ialok niya ang kamay niya. Ngayon lang 'yan kaya dapat sulitin ko na. Inabot ko naman ito at naglakad na kami papasok.



"Anong unang sasakyan natin?" parang batang tanong ko. Wala akong pake kung asarin ako ng lalaking ito. All I want is to enjoy.



"Depends on you." Nilibot ko naman ang paningin ko at natigil iyon sa mga kabayo.



When A Gangster Falls InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon