Michaela's POV
Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha Bumangon ako at tini gnan ang paligid. Wala si Dio? Saan kaya natulog iyon?
Naagaw ng isang tray ang atensyon ko. May laman iyong pagkain at bulaklak na may nakadikit na sticky notes.
Good morning. Are you okay? Don't worry I slept in the couch last night. Hoping you're feeling good now. Eat this.
Dio
Binaba ko ang sticky notes at sinimulan ng kaninin ang pagkaing nakahanda. Malinaw pa rin sa utak ko ang mga nangyari kagabi at iyon ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa ko.
Napatigil ako sa pagkain at pinagsasabunutan ang sarili ko.
"Arrghhhh, bakit mo ba kasi ginawa iyon Michaela. Ang tanga tanga mo" sigaw ko. Nagulat naman ako ng bumukas ang pinto. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang si Joyce lang pala iyon. Akala ko kung sino na.
"Ma'am, ayos ka lang?" tanong niya at dahan dahang lumapit sa akin.
"Pakisabunutan nga ako, Joyce" agad naman siyang umiling iling.
"Haynako, ma'am. Ayokong masisante ng maaga. Mag-prepare na po kayo. Nando'n na ang lahat, ikaw na lamang po ang hinihintay," lumabas naman siya agad at hindi na inantay ang sagot ko.
Nando'n lahat, means nando'n din si Dio. Omyghad, what to do?
Bakit ba ako kinakabahan? Relax, Michaela. Nakalimutan mo na ang nangyari kagabi.
Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na rin ako. Inabutan ko silang lahat na kumakain na ng almusal nila. Nagkasalubong ang tingin namin ni Dio. Nakaupo siya habang titig na titig sa akin. Pakiramdam kong nanlalambot ang tuhod ko kaya umiwas ako ng tingin at ngiting umupo kung saan ang table nila Joyce.
"Ma'am, kain po" nginitian ko lang siya bilang tugon.
"Michaela?" napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Agad akong napatayo at hindi napigilang yakapin ang lalaking nasa harap ko.
"Lucas. Omyghad. I miss you," sabi ko sa kaniya. Kaibigan namin siya ni Scott. He becomes our bridge and my partner in crime.
"What are you doing here" I asked him amusingly.
"Vacation of course. You know me. Do you know that Scott is find---" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil sa biglaang pag sulpot ni Dio at pagakbay sa akin.
"Ahm, Lucas. Let's talk some other time. I have things to do," nakita ko ang gulat sa mukha niya at pagkalito nang makita si Dio. Naglakad na ako palayo kay Dio pero nanatili pa rin siyang nakatayo at nakatitig kay Lucas. Bumalik ako at agad na hinila si Dio palayo roon.
"What?" nangingiti niyang tanong.
"What are you doing?" tanong ko.
"Guarding you," binitawan ko siya at nauna ng maglakad. Agad akong humarap sa kaniya na nagagawa pang ngumiti. Really? What's with him.
"Anong problema mo? Can't you see? I'm talking," sumeryoso naman ang mukha niya at nagiwas ng tingin sa akin.
"Is he your fiancee?" hindi ko siya sinagot. Sobrang nainis lang talaga ako. Ano bang pake niya kung fiancee ko iyon o kaibigan? Inirapan ko na lang siya at nauna ng maglakad. Pumasok ako sa room namin at ni-lock iyon. Bahala sila sa buhay nila. Nakakainis.
BINABASA MO ANG
When A Gangster Falls Inlove
RomanceGANGSTER? I really hate them! Ngunit hindi ko inaasahan na ang mga bagay na iniiwasan mo, ito pa pala ang kusang lalapit sa'yo. I always believe that there's a right man for you, but is it possible na kung sino pang kinakainisan mo, siya pa pala ang...