Chapter 34

782 16 20
                                    

Michaela's POV



Tahimik lang si Dio na pinagmasdan ang usok ng kandila na dinala ng hangin. Tama ba ang ginawa ko?







Tama ba ang hiniling ko?






"I will. Just give me this week. Kahit hanggang matapos lang ang team building na ito. Kahit sa huling tatlong araw, maramdaman ko 'man lang na asawa pa rin kita kahit sa papel na lang"








Nginitian ko siya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumayo ako at umalis sa harap niya. Kasabay ng pagtalikod ko sa kaniya ay ang luhang nag uunahan sa pagpatak.







Bakit ang sakit sakit?







Hindi ito tama!






Nakasalubong ko si Jass at nakita niyang umiiyak ako. Napanganga siya nang sumulyap sa likod at mukhang nakita si Dio.







Nagulat ako nang nilapitan niya ako at sinampal ng malakas.







"What did you do? Bumalik ka ba para saktan nanaman si Dio?" galit na galit siya. Pero kitang kita ko sa mata niyang nag-aalala lang siya kay Dio.









"No. I'm sorry, Jass. I really don't know what to do," sa sagot kong iyon mas nakita ko ang galit sa mukha niya at isang napakalakas na sampal nanaman ang natanggap ko.








I deserve this pain.






I deserve this slap!





Kung ito ang kailangan para mapatawad ako sa pananakit ko kay Dio, gagawin ko.






I don't know how I hurt him. I don't remember how we used to be. Pero ang sakit sakit.









"Tang ina, Michelle. 5 years. 5 years kang nawala. 5 years mong iniwan si Dio na luhaan. 5 years siyang nag-antay sa'yo. Putang ina, 5 years iyon!" nakita ko ang tuluyang pagbagsak ng luha sa mata niya.







"Hindi ko alam. Anong gagawin ko? Wala akong maalala. Miski ako, gulong gulo sa buhay ko ng panahon na iyon"







"'Yon na nga 'eh. Sa limang taong wala ka, nandiyan ako. Ako yung tumulong para mabuo ulit siya. Ako yung nandiyan para maging masaya ulit siya. Sa limang taon na iyon, bakit bumalik ka pa? Okay na kami 'eh. Masaya na siya. Malapit ka na niyang makalimutan. Bakit bumalik ka pa para sirain nanaman siya?" hindi ko alam kung ano ang dapat ko isagot o dapat ko bang sagutin lahat ng sinasabi ni Jass.






Kasalanan ko ba na nakalimutan ko siya? Kasalanan ko ba iyon? Kung may dapat sisihin dito, si tadhana iyon. Hinayaan niya magkaganito kami.







"I'm sorry," 'yan na lamang ang mga salitang lumabas sa aking bibig. Sobrang pula na ng mata niya kakaiyak. Jass is beautiful. Dio deserves him. Si Jass ang para sa kaniya. Dahil si Jass, nakikita kong mahal niya si Dio at kailanman hindi niya ito kayang saktan.








Agad kong pinikit ang mata ko nang akmang sasampalin niya ako ngunit walang dumapong palad sa pisngi ko makalipas ang ilang segundo.








"What are you doing?" agad na napadilat ang mata ko nang marinig ang pamilyar na boses.








Bumungad sa akin si Scott na halatang kagigising lang at galit na nakatingin kay Jass.







When A Gangster Falls InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon