Chapter 39

314 9 3
                                    

Michaela's POV




Hindi ako maka-focus sa pagaayos ng files dahil kanina pa ako inaasar ni Joyce.






"Ayieeeee, si Ma'am kinikilig. Nag-indirect kiss sila ni Sir. Yiiiiee," nilingon ko si Joyce at sinamaan lang ulit ng tingin ngunit tawa lang siya nang tawa.







Mukhang hindi na natatakot itong si Joyce sa akin ah. Gusto ko sanang i-blackmail siya at sabihing baka nakakalimutan niyang asawa ako ni Dio ngunit alam kong mas lalo lang ako nitong guguluhin.








Tumayo ako at pumunta sa office ni Dio. Hindi na ako nag-abalang kumatok. Naabutan ko siyang busy na nakatitig sa ubos na iced coffee na kinuha niya sa akin kanina.








"Nakakainlove ba ang kape na 'yan?" napatingin naman siya sa akin at napaayos ng upo.







"I'm here to say sorry. Wala pa akong proper apologize sa mga pinagsasabi ko sa'yo sa hotel," tinanguan niya lang ako ngunit hindi pa rin sinasagot.







"And about sa divorced paper..." napangiti naman siya at nilapitan ako.







"Don't worry, As I promised pagkatapos ng team building pipirmahan ko. I'll just wait my lawyer," hindi ko alam pero parang nasaktan ako sa mga bagay na iyon. Wala naman akong magagawa 'eh, ginusto ko 'to.







Naglakad na siya papalayo at nilampasan ako.







"Can we go back together?" hindi ko alam kung saan ko hinugot lahat ng lakas ng loob ko para sabihin 'yon.









"What?" napalingon ako sa kaniya na papalabas na sana ng pinto ngunit mukhang natigilan dahil sa sinabi ko.







"Sinabi mo ba 'yan dahil ayan talaga ang nararamdaman mo? O dahil sa mga kinuwento ni Jass tungkol sa nakaraan mo?"







Ewan ko Dio!






Ewan ko.







"Huwag mo piliing pabalikin ako para lang bumalik ang alala mo. Mahal kita, pero ayokong mas lumalim pa ang pagmamahal ko sa'yo at kapag nakuha mo na ang gusto mo, iwan mo ulit ako"







Gusto ko siyang sagutin ngunit natameme ako at nakalabas na siya. Ni hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.







Did I hurt him really bad?







Totoo ba yung sinabi ko? Na baka kaya pakiramdam ko gustong gusto ko siya 'yon ay dahil gusto ko bumalik alaala ko?







Masyado ba akong nililito nitong damdamin ko? Tang ina.







Bumalik ako sa table ko ng tulala. Ni hindi ko nasagot ang mga tanong ni Joyce. I'm too pre occupied. Pinagpatuloy ko nalang ang mga ginagawa ko.








Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito.






Scott is calling






Inend ko ito at pinagpatuloy ang ginagawa. Tumunog naman ulit ito at nakita kong si Scott nanaman ang tumatawag. Padabog ko itong kinuha at inend ang call.






From: Scott

Just for the last time, babe. I'm on the parking lot.








When A Gangster Falls InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon