Chapter 40

371 8 6
                                    

Hi, this is the last chapter and then epilogue na. Thank you so much sa lahat ng sumuporta sa kwentong ito. Sa mga nag-antay at nanatili until the end. I hope you guys support my upcoming works too. Labyaaaaa




Michaela's POV






Kanina pa ako nakatunganga sa harap ng computer at pasulyap sulyap na tumitingin sa office ni Dio.







Pumasok ba siya? Bakit parang hindi ko siya nakita? Bakit hindi siya lumalabas ng office niya? Pero panigurado wala pa siya diyan kasi kung nandiyan na siya marami na sanang malalanding employees niya ang naghatid ng coffee sa kaniya.








"Ma'am, matunaw ang pinto. Kanina ka pa nakatitig 'eh" napalingon ako kay Joyce. Agad ko naman pinaikot ang swivel chair ko upang makaharap sa kaniya.








"Wala pa si Dio?" agad nanliit ang tingin niya sa akin.









"Wala pa, ma'am. Ang alam ko hindi siya papasok ngayon," hindi ko alam ngunit biglang nagbago ang paligid ko. Ewan ko ba, parang biglang dumilim kahit na napakarami namang ilaw dito.









"Hello po, ma'am. Kayo po ba si Mrs.  Johnson?" tanong sa akin ng sa tingin ko ay delivery boy. May dala itong bulaklak. Tumango ako. Agad niyang binigay sa akin ang papel upang pirmahan ito bago iniabot ang isang boquet ng flowers.









"I love you raw, ma'am," bulong ni Joyce na akala mo'y nabasa ang nakasulat sa card. Pabiro ko lang siyang hinampas bago pinagmasdan at inamoy ang bulaklak. How sweet! Kahit hindi ko pa nababasa ang sulat, paniguradong sa iisang tao lang naman ito galing 'eh.










Umupo ako sa swivel chair at kinuha ang card na nakaipit sa bulaklak para mabasa ang nakasulat doon.








Hi love,

After 5 years, I can finally do this. Send you flowers while you're finding me. I'll wait you at Global University. Pwede bang bilisan mo? Ang tagal ko ng nag-aantay.

Dio






Hindi ko alam pero ang kabog ng dibdib ko, ayon lang ang naririnig ko. Is it possible na para bang tumitigil ang pagtibok ng puso mo at muli lang itong gagalaw kapag nakikita, naririnig o miski nababanggit lamang ang pangalan ng taong gusto mo?








Nababaliw na ako!







Agad akong nag-ayos. Hindi ko alam pero na-excite ako. Date ba 'to? Pero bakit sa school? Nagkibit balikat na lang ako habang pinagmamasdan ang sarili.






Since I don't have a car. I just book a grab. Hindi ako mapakali habang nasa byahe. Maya't maya ay tumitingin ako sa cellphone ko o kaya nama'y sa bulaklak na bigay niya.








Nakakainis naman! Kinikilig ako.







Nagbayad ako sa grab bago bumaba. Tumambad sa akin ang malaking school. Bago ito sa mata ko pero para bang familiar ang pakiramdam ko rito.








"Good morning, Ma'am. This way" may lumapit na guard sa akin at tinuro ang daan. Baka mamaya kidnapper 'to, pero mukhang mabait naman si manong guard kaya naman sumunod ako sa kaniya.







Pagkapasok sa maliit na gate, may agad na lumapit sa aking estudyante at nagbigay sa akin ng pares ng uniform.







"Ma'am can you wear this?" kahit na alanganin sinunod ko na lang ang sabi ng estudyante sa akin. Ano naman kaya ang pakulo nitong si Dio.








When A Gangster Falls InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon