Chapter 30

637 12 2
                                    

Michaela's POV

Naiwan lahat ng leaders ng nakatayo at pinaupo na muna ang mga members. Kami lang daw ang maglalaban laban upang malaman kung kaninong grupo ba nararapat mapunta si Dio.




Don't get me wrong, ah. Ayos lang naman sa akin kung gumrupo siya kay Jass or kung kanino 'man, kaso labanan na ang usapan. At ayokong natatalo ako, wala sa vocabulary ko 'yon.





"The first leader who got two points, can get Mr. Dio Ivan Johnson." nagtawanan ang lahat dahil sa biro ng baklang magsisilbing host namin sa buong week ng team building.




"First game. Bibigyan namin kayo ng isang salita at kailangan niyo itong pahulaan sa loob ng isang minuto. Ang pinakamabilis ang mananalo," nagsimula sa unang grupo at umabot ng tatlumpung segundo bago nasagutan ng mga kasamahan niya ang salitang pinapahula.




Ang sumunod ay ang grupo ni Rocky ngunit hindi sila umabot sa oras. Kinakabahan ako, hindi naman ako magaling sa ganitong bagay 'eh. Pero hindi bale na.




Sumunod ay sila Jass. Pagkabasa niya sa salita, agad pumito ang host at nagsimula na siyang pahulaan ito sa mga kasamahan niya. Agad niyang hinila si Dio at sinandal ang ulo niya rito.




"Love," sigaw ng isang kasamahan niya at agad na nag-thumbs up si Jass. What? Love? Seriously? Paano naging love 'yon? Baka dapat, flirt hindi love. Pero, whaaaat? 20 seconds lang ang tinagal nila, dapat mas mabilis kong mapahulaan sa kanila ang salita.



Ako ang pinakahuli. Agad kong tinignan ang salita.



Separate




Easy. Agad pumito ang host kaya sinimulan ko na pahulaan sa kanila ang salita.




Tinuro ko si Dio at ang sarili ko.




"Married," sigaw ng isang member sa grupo ko. Agad akong umiling. Ang excited naman ng mga ito, hindi pa nga ako tapos 'eh.




"Couple," sigaw pa ng isa, kaya umiling lang ako. Tinuro ko muli si Dio at ang sarili ko pagkatapos ay punagdikit ko ang palad ko at pinaghiwalay.





Tinitigan lang ako ng mga kasamahan ko at mukhang hindi nila naintindihan ang pinapahulaan ko. Inulit ko iyon ngunit wala pa ring nagsasalita sa kanila.




"Times up" sigaw ng host.




Napatingin ako kay Dio at seryoso lamang siyang nakatitig sa akin. Oh, ang sama ng tingin mo? Ginawa ko lahat ng makakaya ko ah.





"Ano ang word na pinapahulaan mo, Ma'am Michaela?" tanong ni Joyce sa akin. Agad kong kinuha ang papel na nilagay ko sa bulsa kanina at pinakita sa kaniya.




"Separate," basa nito.






"Masyado bang malabo ang ginawa ko at hindi niyo nahulaan?" tanong ko sa kaniya.






"Hindi, ma'am. Ang malabo ay yung mismong nilalaman," sagot nito at seryosong nakatingin sa akin. Tumawa naman ako dahil nailang ako sa mga tingin niya.






"Ano ang ibig mong sabihin? Malabong maghiwalay kami ni Dio?" tumango ito.





"Bakit naman? Hindi ba kayo nagtataka? Bigla na lang may sumulpot na asawa ni Dio? Hindi malabong hindi kami magkahiwalay dahil kung talagang nagmamahalan kami, magkasama kami mula simula hanggang ngayon," ngumiti naman siya.






When A Gangster Falls InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon