Chapter 2

3.7K 78 1
                                    

Michelle's POV

Mabilis na natapos ang morning sched ko dahil kadalasan puro introduce yourself lang ang ginawa. I thought being senior highschool is different in junior, but it almost same. BORING!

Kasama ko ang kambal at papalabas na kami ngayon sa university. We decided na mag gala sa malapit na mall dito sa GU dahil I'm sure hell year and stress is coming.

Papalabas na kami sa gate ng university nang maramdaman kong kailangan ko nang umihi. Shookt! wrong timing naman 'to.

"Guys wait me outside! I need to pee" sabi ko sa kambal. Sasamahan pa sana ako ni Jass pero iniangat ko nalang ang kamay ko at tinakbo ang malapit na restroom.

Inabot din siguro ako ng 10 minutes sa pag ihi at pagre-retouch. Magrereklamo nanaman yung mga 'yon. In our friendship ako ang laging late, Jass is the reklamador and Jess? Hmm wala naman 'yong pake sa'min. Minsan nga naiisip ko kung kaibigan ba talaga ako nito? But of course I am.

Lumabas na ako at naglakad ng magring ang phone ko. Kaya napatigil ako saglit at sinagot ito.

"Why so tagal Mich"

"I'm coming!" sabi ko at binaba na agad ang phone. I was about to continue my walk when I heard strange noise.

Napalingon ako at nilibot ang paningin ko sa paligid pero wala namang ibang tao dito dahil kanina pa ang uwian.

Nagsimulang gumapang ang kilabot sa katawan ko ng ma-realized ko kung saan eksakto akong nakatayo. It was the abandoned building of the school. Bigla kong naalala ang mga kwento kwento tungkol sa mga gumagala daw na mga multo sa paligid ng abandonadong building. Ang iba raw ay nakikita talaga nila ng personal. Nanuyo ang lalamunan ko sa naisip at nanayo ang balahibo. Ngayon nagsisisi na ako at hindi ko sinama si Jass o Jess.

Nilakasan ko ang loob ko at hahakbang na sana palayo ng may boses akong narinig.

"Ang lakas talaga ng loob mo, Scott." napahinto ako bigla nang marinig ang boses na 'yon at narinig ko pang may naghalakhakan. Teka, may multo bang nagsasalita at naghahalakhakan? Don't tell me nagkukwentuhan sila? Really Mich, your thinking like that in the middle of this situation.

Oo, takot ako sa multo pero bigla kong naisip may gumagala bang multo sa araw? Hindi ba't sa gabi lang sila lumalabas? Shunga Mich, ano sila bampira at hindi lumalabas sa umaga. Biglang nag iba ang kutob ko at dahan dahang pumihit pabalik sa building. Bigla akong nakaramdam ng kaba, hindi dahil sa may multo kun'di dahil may hinala na akong maaring hindi multo ang naririnig ko. Hindi ako pwede magkamali. It was his annoying voice, DIO.

Dio is a certified bully and gangster in our previous school. Dont tell me, he transfer here in GU para magkalat? Kilala siya noon sa school bilang hari at kinatatakutan. He bullied whoever he want. Palagi niya rin pinagmamalaki ang gangster group niya na kilalang BLACK PHOENIX.

Black phoenix is the famous gangster group in our school before. No hindi lang pala sa school, kahit saang lugar, kilala sila at kinatatakutan. At sino ang leader nila? No other than, Dio Ivan Johnson. 'First day of school nambubully na agad sila?' wala na talaga siyang ibang nagawang matino hayyst.

Nagmamadali akong lumapit sa may siwang ng building na nakita ko.
'waaahhhhh bakit ang dilim? baka talaga multo 'yon at ginagaya lang ang boses ni Dio?'

Aalis na sana ako sa pagkakasilip ng may naaninag akong mga tao. Mabilis at maingat akong nag iba ng pwesto para lalong makita ang nasa loob.

Omg, ano kaya balak ng mokong na'to? I know him, he's a heartless bully. Halos patayin nito ang nabu-bully nito sa bugbog at palo. Transferee ito at nakakaawa naman kung unang araw palang niya dito sa GU ay hindi na agad maganda ang karanasan.


When A Gangster Falls InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon