Chapter 17

1.7K 47 5
                                    

Michelle's POV


Nang magising ako, sinubukan kong tumayo pero sobrang sakit ng ulo ko.


Tang inang alak!


I think, ito yung sinasabi nilang hang over.



Kaya humiga na lamang ulit ako, and to my surprise matigas ang hinihigaan ko kaya nauntog ako. Pinilit kong tumayo upang makita kung nasaan ako.


Nanlaki ang mata ko na nasa sahig pala ako nakahiga. Hindi 'man lang ako binuhat ni Dio!




Speaking of! Where the hell he is?


Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto at nakita ko siya na nasa maliit na couch at pilit na pinagkasya ang sarili.



Why is he sleeping at the couch?



Shit, ano ba nangyari kagabi?



Biglang bumangon siya at medyo nagulat nang makitang gising na ako.



"Gising ka na pala. Kanina pa ako umorder kaya naman maghintay ka na lang muna," sabi niya ng nakapamulsa pa.




"Anong nangyari kagabi?" sobrang sakit ng ulo ko at wala akong maalala maski isa. Tumingin naman siya sa akin ng hindi makapaniwala.



"Wala kang maalala sa mga kalokohang pinaggagawa mo?" he asked. Inosenteng tumango naman ako.



"Pagkahiga ko sayo sa kama---" bigla naman parang nakita ko ang sarili ko na inihiga ni Dio sa kama at no'ng aalis na siya tumayo ako at sinampahan siya sa likod dahilan para masubsob siya... nanlaki naman  mata ko.



"Take note, hindi lang 'yon, meron pa. No'ng narinig mo ang ringtone ng phone mo---" at ayan nanaman nakita ko nanaman sarili ko na sumasayaw kaya napatakip ako sa bibig ko.




"At ang mas malala---" iniangat ko ang kanang kamay ko bilang senyas na tumigil na siya.



"Tama na nakakahiya," sigaw ko at tinakpan ko ang mukha ko. Feeling ko sobrang pula na nito. Gusto kong lamunin na ng lupa ngayon mismo para makaalis sa kahihiyan




"I'll just answer your damn question," sabi niya at naupo uli sa couch.



"I'm sorry," paghingi ko ng tawad.





I swear, hinding hindi na ako iinom.



Nang dumating na ang pina-deliver niya ay kumain na kami.

--

Tumira kami sa isa sa mga rest house nila Dio.



No'ng una ay medyo nangapa pa ako dahil for the first time, nahiwalay ako sa magulang at dalawa kong Kuya, pero kinalaunan ay nasanay na rin ako.


At ano ang role ko sa pamamahay na 'to?



Huhu nagsisisi na akong nagpakasal ako. Hindi ko naman kasi alam na pag nag-asawa ka, katulong ka na rin.



Tagaluto, tagalaba, tagalinis. As in, ako na lahat.


Feel ko ang haggard ko na at malolosyang agad ako.


Hindi namin naisip na kumuha ni Dio ng kasambahay dahil talagang mabubuking kami dahil magkahiwalay ng kwarto ang tinutulugan namin.



"Shit, kapagod," hingal na sabi ko pagkatapos ay umupo sa couch.



Katatapos ko lang maglinis ng bahay, grabe. I'm so bored, isang buwan na ang nakakalipas mula ng ikasal kami ni Dio ngunit hindi niya man lang ako mayaya kahit na kumain sa labas.



When A Gangster Falls InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon