Michelle's POV
"Itigil niyo 'yan," biglang sigaw ng isang lalaking pamilyar na boses.
At nang lingunin ko ito.
Hindi nga ako nagkamali. It was him. My knight in shining armor.
Scott Villanueva
"Ikaw nanaman? Napaka pakeelamero mo rin 'no? Bakit isa ka ba sa umaasa dito sa malanding babaeng ito? Naawa naman ako sa'yo, nagpapaloko ka rin pala sa kaniya. Nadala ka rin ba sa maamong mukha? Maamong mukha na may tinatago naman palang harot" sabi ni Jass at tiningnan ng nandidiri si Scott.
"Are you done? Hindi ka ba nahihiya sa pinaggagawa mo? Sino sa tingin mo ang mukhang kawawa? Si Michelle ba? O ikaw?" sabi ni Scott habang naglalakad papalapit sa akin at nakapamulsa.
"Whatever!" sigaw niya at nagmamadaling lumabas ng cafeteria. Binangga niya pa si Scott.
"At ikaw?" pagtatanong pa ni Scott kay Jess na naiwan, tiningnan pa muna ako nito.
"You're so pathetic," irap niya sa akin.
Inalalayan naman ako ni Scott patayo. Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman. Pagmamakaawa, galit, awa, ano pa ba? Gusto ko lang naman tulungan pamilya ko, ngunit bakit parang nasisira ko na ang buhay ko.
"Get off your hands," nagulat kami ng biglang may nagsalita, kaya parehas kaming napatingin ni Scott doon.
"Dio," wala sa sariling sambit ko. Nang makatayo na ako ng maayos binitiwan na ako ni Scott at nilingon si Dio.
Dahang dahang lumapit si Dio na may masamang titig kay Scott, ramdam ko na galit siya at mukhang ang tiles ng cafeteria ramdam din iyon dahil sa bigat ng bawat paghakbang niya.
"Tinutu---" hindi na natapos ni Scott ang sasabihin niya ng bigla siyang sapakin ni Dio dahilan para gantihan siya ni Scott at magsimula na ang tensyon sa pagitan nila.
"Dio, Scott," tawag ko sa kanila, baka sakaling tumigil sila pero patuloy parin ang pagsusuntukan ng dalawa. Sobrang dami ko ng iniisip, dumagdag pa ito.
"Hey, stop," pagpigil ko sa kanilang dalawa pero hindi sila natitinag at patuloy pa rin sa pag-susuntukan, medyo kinakabahan na ako dahil alam kong nagkakasakitan na sila.
"Hindi ka pa talaga nadala? Pinagsabihan na kita, at mukhang kulang pa ang ginawa ko sa'yo at lapit ka pa rin ng lapit kay Michelle," nagulat ako sa sinabi ni Dio at sinuntok niya ng malakas si Scott dahilan para mapaupo ito.
Lalapitan pa sana ni Dio si Scott pero agad akong humarang.
"Ano ba Dio, Tama na!" sigaw ko. Natawa naman siya at pinunasan ang konting dugo sa labi niya. Pagkatapos ay tinitigan niya ako ng seryoso na animo'y binabaon ako sa lupa.
"Hindi ba sinabi ko na sayong layuan mo na ang gagong 'yan," mahinahon ngunit may diin niyang sambit habanb tinuturo pa si Scott na kasalukuyang nakaupo at pinupunasan rin ang dugo sa labi.
"Wow! At sino ka naman para pagsabihan ako?" inis na sabi ko sa kaniya.
"Your boyfriend," natigilan ako saglit doon. Hindi ko alam kung ano ang dapat ko maramdaman, siguro may nagsasabi sa sarili ko na dapat ako kiligin pero hindi ko magawa dahil naiinis ako sa kaniya.
"Oo nga pala boyfriend kita---" sarkastikong sabi ko na tumatango tango pa. "Edi sana ikaw na boyfriend ko ang nandito para ipagtanggol ako sa mga nang aaway sa akin at hindi na kailangan lumapit pa ni Scott," pinagdiinan ko talaga ang sinasabi niyang boyfriend, sabay harap ko kay Scott.
BINABASA MO ANG
When A Gangster Falls Inlove
RomanceGANGSTER? I really hate them! Ngunit hindi ko inaasahan na ang mga bagay na iniiwasan mo, ito pa pala ang kusang lalapit sa'yo. I always believe that there's a right man for you, but is it possible na kung sino pang kinakainisan mo, siya pa pala ang...