Michelle's POV
"Pumapayag na ako. Pumapayag na akong pakasalan ka and then after 6 months, we're going to file an annulment," seryosong sabi ko. Ngumiti naman siya at uminom ng tubig.
"Great! So, kailan ang kasal?" sa mga titig niya at ngiting nakabibighani man ngunit nakakakilabot naman, parang gusto ko na lang mag-back out. Pwede pa naman umatras 'diba? Parang hindi ko kakayanin.
Ganito kasi anak, nalulugi na ang kumpanya natin at ang mga pinag kakautangan natin ay masyado itong pinagsamantalahan ang ating pagbagsak, naniningil sila. Mahigit limang milyon ang utang ng kumpanya natin kaya naman kailangan nating mabayaran ito sa loob ng isang taon kung hindi, kukunin nila ang kumpanya.
Tama, I need to do this for my family. Not for me, for Dio or for my feelings. Para sa pamilya ko ito kaya hindi ako pwedeng umatras.
"As soon as possible. Maybe after my birthday. But for now, let's pretend na parang sa simula, yung ano---yung," shit! Where is the word? Bakit parang hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya. Ngayon pa talaga ako nahiya at kinabahan. Hindi naman ako makatingin ng diretso sa kaniya.
"Boyfriend?" dahan dahan akong tumango
"No problem. If that's what you want. O baka naman gusto mong ligawan pa kita?" simpleng sabi niya. Mabilis naman akong umiling, baka isipin nito gusto ko siya. Humalakhak siya sandali. Shooking, 'wag kang ganiyan Dio. Nilahad naman niya ang kaniyang kamay.
"Deal?" tinitigan ko iyon ng ilang sandali bago tuluyang tinanggap.
"Deal," sagot ko.
"See you around Miss soon to be Mrs. Johnson," nakaramdam naman ako ng pamumula at inalis agad ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
Nagmadali na akong tumalikod sa kaniya at maglalakad na sana palayo nang hilain niya ang aking kamay. Tumuntong siya sa ibabaw ng lamesa nila kaya naman nalipat ang atensyon ng mga tao sa kaniya.
"Hoy, Dio! Bumaba ka riyan," bulong ko at hinila siya pababa ngunit hindi niya ako pimapansin. Pumalakpak pa siya kaya lahat talaga ng tao sa cafeteria ay naka-focus na sa kaniya.
"Everyone! Don't mess with this girl, she's mine now. Sa oras na may mangyaring hindi maganda sa kaniya, ako ang makakalaban niyo. Kilala niyo naman siguro kung sino ako," napatungo naman ako sa kahihiyan. Mukhang mali pa ang desisyong ginawa ko. Dapat kasi hindi na ako nag-suggest 'eh.
"Ano bang ginagawa mo nakakahiya," hila ko ulit sa kaniya ngunit nginitian niya lang ako. Nagsimula na ring mag bulung bulungan ang mga tao sa cafeteria.
"Bumaba ka nga diyan," hila ko sa kaniya at tuluyan naman na siyang bumaba.
"What? 'Diba sabi mo magsimula muna tayo bilang mag boyfriend at girlfriend," magrereklamo pa sana ako ngunit nilagay niya ang hintuturong daliri sa labi ko.
"Shhhh. Huwag ka ng maarte. Hindi ka naman na lugi. Full package 'to," sabay kindat niya sa akin. Inalis ko naman agad ang daliri niya.
"Whatever," sabi ko at tinalikuran siya. Bahala ka sa buhay mo diyan. Napatigil naman ako ng makita ko ang kambal na tulalang nakatingin sa amin.
"Jess, J-jass," bigla akong natakot at nautal. Shit! Bakit nakalimutan ko sila? Shit! Shit! Shit! Anong gagawin ko?
Nilingon ko si Dio na busy na ngayon sa pagkausap sa mga ka-gang niya. Shit! I don't know how to explain. Sa mukha nila, halatang dissapointed sila sa nalaman nila.
BINABASA MO ANG
When A Gangster Falls Inlove
RomanceGANGSTER? I really hate them! Ngunit hindi ko inaasahan na ang mga bagay na iniiwasan mo, ito pa pala ang kusang lalapit sa'yo. I always believe that there's a right man for you, but is it possible na kung sino pang kinakainisan mo, siya pa pala ang...