Chapter 31

740 12 1
                                    

Michaela's POV


Hindi ko lang maiwasan ang bitter na pagsulyap sa grupo nila Jass. Ang landi landi naman kasi talaga ng secretary na 'yan. May pag-flip flip pa ng buhok at paghampas kay Dio, akala mo naman maganda. Para siyang kuto na ang sarap tirisin dahil makati.





"Ang landi talaga niyang si Jass," napasulyap ako kay Joyce na biglang nagsalita. Akala ko narinig niya ang iniisip ko at mukhang nagkakasundo kasi ang utak namin.






"What do you mean?" kunwari inosente ako kahit halata naman talagang malandi 'yang si Jass.






"Dati pa 'yang ganiyan kay Sir Dio, papansin, parang linta kung makakapit, hindi naman pinapansin ni Sir," gusto ko sanang maging seryoso ngunit hindi ko napigilan ang sarili ko at natawa roon. Seryoso lang akong tinignan ni Joyce, nakakatawa naman 'diba?






"Bakit naman hindi pinapansin ni Dio si Jass?" nakita kong natawa si Joyce at babatukan na sana ako ngunit na-realize niya 'atang asawa ako ng boss niya kaya inatras niya ang kaniyang kamay at napakamot sa kaniyang ulo.





"Ma'am Michaela naman, common sense naman po. Syempre kaya nga ayaw ni Sir Dio mag-entertain ng ibang babae dahil mahal ka pa rin niya. Kaya kung ako sa'yo ma'am, huwag mo ng hiwalayan si Sir. Sayang ang ganda mo kapag sa hindi kasing gwapo, yaman, faithful ni Sir Dio ikaw mapupunta," napatahimik ako sa sinabi niyang 'yon.







This time hindi ko alam kung magiging masaya ako, malukungkot, tatawa o magagalit. Magmula ng umuwi ako dito sa Pilipinas, hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Masyado ng naging magulo ang pag-iisip ko at puso ko.





Napatigil kami sa pag-uusap ni Joyce nang magsalita na ulit ang host. Past 11 na rin ng gabi at nilalamig na ako. May bonfire naman pero iba pa rin talaga ang pakiramdam ng simoy ng hangin kapag nasa tabing dagat ka.





"Tonight, each group are going to make a poster that will going to be a symbol of your group in the entire game," binigyan kami ng isang malaking tela upang doon gawin ang magiging simbolo ng aming grupo at pulang bandana na maari naming isabit kahit saan namin gusto.






Grabe, hapit na hapit itong host. Gabi na at sobrang lamig pa, wala 'ata siyang balak na patulugin kami.





"Ma'am sa tingin mo ano pong magandang simbolo natin?" tanong ni Aljon, isa sa mga empleyado na magaling daw mag-drawing.






"I think maganda kung langgam na lang" suhestiyon ng isa.






"Bakit naman langgam?" tanong ni Aljon.






"Wala lang, kulay pula lang kasi iyon" nagtawanan kami dahil sa sagot nito.




"Alam ko na. Are you guys familiar with Velvet Ant?" tanong ko sa kanila ngunit mga nagkatinginan lamang sila at umiling sa akin.






"Ang Velvet Ant ay isang uri rin ng langgam ngunit ang itsura nito ay parang ladybug. It's entitled cowkiller, despite of being small, still it can kill cows," pagpapaliwanag ko.





"Tama. Mamaliitin 'man nila tayo at kahit na malaki sila, matatalo pa rin natin sila," dugtong ni Joyce at pumapalakpak pa siya. Tumango naman ako sa sinabi niya. Ipinakita ko kay Aljon ang itsura nito at nagsimula na siyang gumuhit.






Lumingon ako sa kabilang grupo at mukhang busy silang lahat sa paggawa ng poster. I wonder, where is Dio kaya? Kinuha ko na lang ang bandanang pula at itinali ko ito sa aking ulo. Lumakas and hangin kaya napahawak ako sa balikat ko.






When A Gangster Falls InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon