Michelle's POV
"Are you okay?" tanong niya pero nanatili pa rin akong nakayakap sa kaniya. Shit, ano ba itong pakiramdam ko. Hindi agad ako makabitiw mula sa yakap sa kaniya dahil alam kong nakatingin siya.
"Pasensya ka na hindi kita nasalo," paano mo ko masasalo kung hindi ka naman nakatingin, Dio.
"From now on, hindi ko na hahayaang masaktan ka," dugtong niya pa.
Should I cry more?
Grabe, bumaliktad 'ata ang mundo kasi ang ine-expect ko, lalaitin ako nitong si Dio at sasabihang childish dahil simpleng sugat iniyakan ko.
Pero hinayaan niya akong yakapin siya at nagbibitaw pa siya ng matatamis na mga salita.
Agad akong kumalas sa pagkakayakap kay Dio nang makarinig kami ng busina. Tumayo kami ng sabay at siya ring paglabas ng may-ari ng kotse. Nagulat ako nang makitang si Ella ang bumaba.
"Palagi nalang talagang panira," bulong ko.
"Pasensya na kayo. Naistorbo ko ba kayo?" tanong niya at nagpalipat lipat ng tingin sa amin ni Dio.
"Hindi naman," sagot ko at ngumiti ng wagas. Alam ko na ngayon ang feeling ng pamamlastic.
"Anong ginagawa mo rito?" malamig na turan ni Dio.
"Ahhh, dinalaw ko lang yung fiancee ko,"nanlaki naman mata ko. Does it mean, ikakasal na siya? Malamang, Michelle. Your such an idiot.
"F-fiancee? I mean, engaged ka na?" utal na tanong ko pa at pasimpleng sumulyap kay Dio na blangko lang ang ekspresyon ng mukha.
"Absolutely yes. Wait for me--" pumasok siya sa kotse at mukhang may kinuha, nagulat naman ako nang iabot niya ang invitation sa amin "Here's the invitation. Punta kayo ahh, asahan ko kayo," tinanggap ko naman iyon.
Sumakay na siya at pinaandar pa ng konti ang kotse, nang tumapat siya sa amin binaba niya ang bintana ng kotse niya.
"Nga pala Dio...Nakalimutan kong magpasalamat sa'yo. Thank you kahapon, kung wala ka malamang nabulok na ako do'n sa kalsada," napangiti naman ako sa sinabi niyang 'yon.
Mas masakit pala na malaman na kaya hindi siya nakasipot, 'yon ay dahil kasama niya si Ella.
Nauna na akong maglakad pabalik sa bahay.
I expected na susundan niya ako pero walang Dio na lumapit para mag sorry sa akin at suyuin ako.
Nang makapasok ako sa loob ng bahay nakarinig ako ng tunog ng kotse kaya pasimple akong sumilip sa bintana at nakita ko si Dio na paalis.
Malamang, apektado siya dahil mahal na mahal niya si Ella.
Huminga muna ako ng malalim bago bumalik sa kwarto.
"Ano ba kasi meron sa Ella na 'yon at pinagpipilitan mo ang sarili mo Dio?" sabi ko habang nakatingin sa bintana. Naglakad naman ako palapit sa salamin at tiningnan ang sarili.
"Maganda naman ako," sabi ko at sinuklay ang buhok ko.
"Sexy rin naman ako," sabi ko pa habang nakangiti pero unti unting pumatak ang luha mula sa aking mata.
BINABASA MO ANG
When A Gangster Falls Inlove
RomanceGANGSTER? I really hate them! Ngunit hindi ko inaasahan na ang mga bagay na iniiwasan mo, ito pa pala ang kusang lalapit sa'yo. I always believe that there's a right man for you, but is it possible na kung sino pang kinakainisan mo, siya pa pala ang...