Michelle's POV
"I'm Michael Ross Mendoza," sabay lahad niya ng kamay.
"I'm married," sagot ko na agad pinakita sa kaniya ang singsing na suot ko. Natawa naman siya.
"Cool name. Hi married," sarcastic niyang sabi kaya inis ko siyang hinarap.
"Ano bang problema mo?" pinakita ko talaga sa kaniyang naiinis na ako.
"I told you, I like you!" bakit ba ang kulit niya?
"Well, I dont like you," lumipat ako ng upuan pero agad niya akong tinabihan, lumipat ulit ako sa tabi ng isa kong kaklase pero nagulat ako ng paalisin niya 'yon at tumabi sa akin. Tumayo ako at akmang tatayo na siya ng hampasin ko ang desk ng arm chair niya.
"Isang sunod mo pa, sasapakin na talaga kita. Wala akong pake kahit lalaki ka pa," sabi ko, natawa naman siya kaya inis akong umalis and thank God hindi na siya sumunod.
Mabilis na lumipas ang oras at no'ng lunch na, nagliligpit ako ng gamit nang lumapit nanaman ang makulit na lalaking ito.
"Pwede ba tayong mag-lunch together? Wala pa kasi akong gaanong friends dito,"he asked, pero inirapan ko lang siya.
Nang last na libro nalang ang naiwan, padabog kong kinuha 'yon at ng makaharap siya inirapan ko lang siya at nagpauna ng maglakad.
Tumakbo naman siya para maunahan ako at tsaka pabaliktad na naglakad.
"Sige na. Wala naman ang asawa mo 'eh," inirapan ko lang siya at nilagpasan.
Naramdaman kong nakasunod pa rin siya ngunit wala akong time makipagtalo kaya naman hindi ko nalang pinansin ang presensya niya.
Nang naka-order na ako, umupo na ako sa isang bakanteng upuan at nagsimulang magbasa.
"Grabe ang bilis mo," sabi nanaman nitong si Michael at naupo sa harap ko. Pero hindi na ako nag abala pang lingunin o tapunan siya ng tingin.
"Are you scared to your husband?" binaba ko ang libro ko at nagsimula na kumain.
"Bakit ang daldal mo?" mataray kong tanong. I know that this guy is same as old shit Michelle. Ganito para nararamdaman nila sa akin kapag sobrang kulit at daldal ko.
"Look, gusto ko lang naman maging magkaibigan tayo," he said. Nang tiningnan ko siy, mukha namang sincere at nagsasabi siya ng totoo.
"Fine! Kuya ayan ang makakapagpatahimik sa'yo. I'm Michelle---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita ko si Dio na papalapit sa amin habang titig na titig sa akin.
"Johnson...She is Michelle Johnson at ngayong alam mo na, makakaalis ka na," seryosong turan nito habang titig na titig sa akin, sabay baling kay Michael ng tingin.
Natawa naman si Michael at tumayo upang makaharap si Dio.
Uh-oh wag niya lang subukan dahil iba itong si Dio, leader ng gangster 'to.
"Sino ka ba?" maangas na sabi ni Michael. Tumayo naman ako para sana pigilan sila kaso napako ako sa kinatayuan ko sa sinabi ni Dio.
"Asawa niya," Omyghaadd. Puso, huminahon ka. Huwag kang papadala, kaya ka nasasaktan 'eh.
"So?" pabalang na sagot ni Michael.
BINABASA MO ANG
When A Gangster Falls Inlove
RomanceGANGSTER? I really hate them! Ngunit hindi ko inaasahan na ang mga bagay na iniiwasan mo, ito pa pala ang kusang lalapit sa'yo. I always believe that there's a right man for you, but is it possible na kung sino pang kinakainisan mo, siya pa pala ang...