Chapter 35

341 9 1
                                    

Michaela's POV




Natapos ang game na 'Shoot, shoot. Bang, bang' ng hindi ko nakikita si Dio. Ang nanalong team ay ang grupo nila Rocky.







Bumalik na muna ako sa kwarto dahil sobrang napagod ako ngayong araw. Hindi ko alam kung napagod ba ako sa laro, o napagod ako kakaisip ng mga nangyayari sa buhay ko.







Sa sobrang pagod, hindi ko namalayan na nakatulog ako. Nakatanggap lang ako kay Joyce ng text messages na may mga naging palaro pa ngunit hindi na nila ako inistorbo.







Narinig ko namang bumukas ang pinto at saktong iniluwa no'n si Scott na may dalang tray ng pagkain.








"How are you?" tanong niya sa akin habang binababa ang pagkain sa katabing table ng kama.







"I'm okay. Hindi ko namalayang nakatulog ako. What time is it?" ngumiti naman siya at hinalikan ako sa noo.







"It's already 4 in the afternoon, babe" nanlaki ang mata ko. Ang tagal ko palang nakatulog, holy shit!







"Aalis ka?" tanong ko nang mapansing naka-ayos siya. Umupo naman siya at hinawakan ako sa kamay.








"I'll just need to visit some of my friends. Babalik din ako bukas ng umaga. Last day niyo na bukas dito 'diba," he ask and I nodded.







"I love you," he said and take a quick kiss on my lips.







"Mag-iingat ka. Babalik din ako kaagad. Gusto 'man kita isama ngunit alam kong hindi ka papayag dahil may responsibilidad ka pa rito," napangiti ako dahil sa pagiging maintindihin niya. Kinuha na niya ang susi ng kaniyang kotse sa table pagkatapos ay lumabas na.










Agad naman ako tumayo at nagmadaling habulin siya. Nasa harap na siya ng elevator.








"I love you," wika ko bago siya ginawaran ng halik. Bumukas naman ang elevator kaya biglang kumalas ako sa pagkakahalik sa kaniya. Laking gulat ko dahil pagtingin ko sa elevator, it was Dio.







Shit!







Teka? Baket ako makokonsensya, wala namang namamagitan sa amin ha?







"I love you more" dugtong ni Scott bago ako hinalikan sa noo at sumakay na sa elevator. Ramdam ko ang titig ni Dio kaya nagmadali na akong umalis doon kahit hindi pa nagsasara ang elevator.







Sinara ko ang pinto ng kwarto at napasandal ako roon. Hinawakan ko ang puso ko at ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok nito.







What the fuck is this?







Napabuntong hininga na lang ako bago lumapit sa table ko at inumin ang tubig na naroon.








"Myghad, Michaela. You need to go back to your senses na. Wala 'yon. You have the rights to kiss Scott, even if infront of Dio. AHHHHHHHH" napasigaw ako at humiga sa kama at napatulala sa kisame.








Naligo lang ako at nagbihis ng isang maxi dress bago bumaba. Ang alam ko ang araw na ito at bukas ay wala ng mga palaro. Malaya na kaming gawin ang kung anong gusto namin.







"Hi ma'am!" kaway ni Joyce nang makita niya ako. Nasa dagat sila at naliligo na.








Agad siyang umahon sa dagat para malapitan ako.







When A Gangster Falls InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon