Chapter 1

4.9K 92 4
                                    

5 years old

"Mommy who's that boy?" tanong ng batang babae na may hawak pang barbie sa kaniyang ina.

"Come here, baby" hinila niya ang batang babae papalapit doon sa lalaki.

"Mars!" nagbeso pa ang dalawang babae at mistulang nakalimutan ang kanilang mga anak. Nakangiting nakatitig naman ang batang babae sa batang lalaki ngunit blangkong ekspresyon lamang ang sinukli nito.

"Hi Michelle. Remember me? I'm your Tita Isabelle" ngumiti naman ang batang babae sa kaniya at kumaway.

"And this is my son Dio Ivan, say hi to them honey" ngunit tinakbuhan lang sila ng batang lalaki palabas.

"Pasensya na kayo. Masungit talaga ang batang 'yon" habang patuloy na naguusap ang kanilang ina, lumabas siya at sinundan ang batang lalaki.

"Why are you alone here, Ivan?" tanong niya nang makitang mag isang nakaupo ang batang lalaki sa duyan.

"Dont call me Ivan. Mind your own business. Leave me alone!" nagulat ang batang babae sa inasta ng lalaki dahilan para tumakbo ito at malaglag ang barbie na dala niya.

"WHAAAAA MOMMY I CAN'T FIND CHLOE" iyak ng batang babae habang naghahanap sa damuhan ng barbie na kaniyang nalaglag.

"Sure ka ba baby na dito mo nalaglag? We can buy new one na lang. Mas bigger kay Chloe" mabilis na umiling ang bata at umiyak nanaman.

Samantala, pinagmamasdan sila ng batang lalaki sa malayo habang nakangiti at hawak hawak ang barbie na pag mamay-ari ng batang babae.

15 years old

"Lolo ang daya mo naman. Iniwan mo na ako!" iyak ng babae sa harap ng kabaong ng kaniyang lolo.

Patuloy siya sa pag iyak ng may maglahad ng panyo sa kaniyang harapan, nang tingalain ito nagulat siya sapagka't si Dio ito. Wearing his blank face, nakalahad ang kamay nito na may panyo at ang isa naman ay nakapasok sa bulsa.

"Ano 'yan?"

"Panyo"

"I know, but why are you being nice to me?"

"I'm not! It's annoying seeing someone being a mess like that." irap nito pagkatapos ay dere deretsong naglakad paalis sa kaniyang harapan.

"Sungit talaga kahit kailan. Hindi naman gwapo" iling iling niyang sabi at pinahid ang panyo sa kaniyang ilong.

Michelle's POV

Ang mahimbing kong pagtulog ay nabulabog dahil sa tunog ng alarm clock ko. I was in the middle of my dream when I heard it. Kahit kailan istorbo talaga.

Kahit nakapikit pa, kinapa kapa ko ang alarm clock upang patayin ito. Nagtalukbong pa ako ng unan at matutulog na ulit, when I realized--

"Shit! First day of school nga pala" mabilis akong bumangon at tiningnan ang orasan. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang maaga pa naman pala.

"Anak! Bumangon ka na mal-late ka nanaman niyan" napatingin ako sa pinto ng marinig ang katok ni Mommy.

"Yes Mom" sigaw ko pabalik at tumayo na upang kunin ang towel ko.

"Be sure, baby. Nando'n na mga Kuya mo, baka iwanan ka nanaman" tumango tango naman ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita. Well as always ginawa ko na ang morning routine ko. Pagkatapos ay bumaba na ako.

Before I forgot, I'll introduce myself muna. I'm Michelle Sandoval, Michelle for short and Mich for shorter. 17 and Grade 11 ICT student of Global Universty na mas kilalang GU.

When A Gangster Falls InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon