Chapter 5

2.5K 73 5
                                    

Michelle's POV

Pagkatapos ng eksena sa canteen, nandito ako ngayon sa room at tinadtad ng sandamakmak na tanong ng kambal. Ito namang mga kaklase ko nakatingin din sa akin na akala mo sa oras na sumagot ako ay yayaman sila.

"Bakit hila hila ka niya?" tanong ni Jass.


"Bakit nawala ka bigla?" biglang hinarap naman ako ni Jess sa kaniya.


"Bakit nakikipag usap ka sa kaniya 'diba hate na hate mo ang mga gangster?" naka-crossed na ngayon ang kamay ni Jass at nakataas ang isang kilay.


"Bakit sabay kayo nag lunch?" si Jess naman na naka-smirk sa akin.


"Bakit ang gwapo ni Dio" dugtong ni Jass na namula pa ang mukha.




"Bakit ang ganda ko?" napatingin naman kami ni Jass kay Jess. Inirapan ko naman ito.




"Hihi ayaw kasi sumagot nitong si Mich 'eh" pagpapaliwanag ni Jess.





Tinaas ko naman ang isa kong kamay as a sign na tumigil na sila sa pangungulit sa akin dahil medyo nakakairita na.


"Like the hell you care about my life? Masyado kayong nag over-acting, first of all oo galit ako sa gangster but you guys forget he's Dio, our family is friend kaya hindi ko siya pwedeng iwasan lang basta basta dahil kahit anong gawin ko magkakatagpo talaga landas namin especially siya pa ang---" napatigil naman ako sa pagsasalita at halos makagat ko na ang labi ko. Shit, nakakainis! Muntikan na 'yon. Nakatingin naman sila at pawang hinihintay ang sagot ko.


"Especially siya pa ang?" pag-uulit at pagtatanong ni Jass


"Wala kalimutan niyo na!" magtatanong pa sana sila kaso dumating na ang prof namin, napabuntong hininga nalang ako. Salamat Prof hulog ka ng langit haha.



"Basta Mich akin lang si bebe Dio ha" bulong pa sa akin ni Jass.


"Sa'yo na lahat Jass, pati atay at balun balunan" napangiti ako ng umasim ang mukha nito.

---

"Uy Bess, hindi ka pa ba uuwi?" pagtatanong ni Jess, nandito ako sa shed sa gilid ng gate ng school namin.

"I'm waiting my Kuya's, susunduin daw nila ako 'eh," nag aalala naman silang tumingin sa'kin.


"Sure ka? First time na-late ng mga Kuya mo sa pagsusundo sayo, nakakapanibago. Tsaka it looks like it's going to rain" nginitian ko na lamang sila para pakitang ok lang ako.


5pm


It's already 5 pm pero wala pa sila, imposible namang na-traffic sila ng gano'n katagal. 4 pm pa lang uwian ko na.



6 pm


Wala pa rin sila, matawagan nga. Hinagilap ko ang phone ko sa bag ko pero bakit wala? Saan ko ba 'yon nilagay?


Shit!



Naiwan ko sa locker, kainis! Mabilis akong bumalik at pumasok ulit, pero nasa kalagitnaan pa lang ako ng hallway ng tuluyan nang bumuhos ang ulan.




"Badtrip" bulong ko, talagang ngayon pa umulan kung saan nasa parte ako ng school na walang masisilungan.



Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad kahit na nababasa na ako. Napatigil naman ako ng mapansing hindi ko na maramdaman ang ulan at nang tingalain ko ay may payong na bumungad sa akin. Nilingon ko naman ito at literal na nanlaki ang mata ko. Anong ginagawa ng lalaking 'to dito? Ang lapit lapit niya sa akin, pansin kong basa na rin siya ng konti. Halos hindi agad ako nakapagsalita dahil sa lapit niya, Omyghaaad! Swear! Ang bango niya nakakaadik, tapos wet look! Pinikit ko naman ang mata ko saglit. Easy Michelle, mag hulos dili ka. Dumilat ako at tinignan siya ng masama, napangiti naman siya do'n at lumabas pa ang dimple niya sa kanang pisnge.



When A Gangster Falls InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon