Michelle's POV
Pagkatapos ko mag ayos, pumunta na agad ako sa amusement park kung saan una kaming nag-date noon kung date 'man matatawag 'yon. Alam kong maaga pa, pero gusto kong mauna roon, hintayin siya, tapos makikita ko siyang bababa sa kotse niya na may suot na shade at ngingigiti sa akin.
Ang hot lang 'diba?
Sa tingin ko nag-iimprove na ang relasyon namin ni Dio.
This time magd-date kami hindi dahil susundan namin si Ella, kun'di niyaya niya ako.
Hindi ko mapigilan ang ngiti ko nang pumasok ako sa loob ng amusement park.
Nang tumingin ako sa relo ko, 6:45 pm palang kaya bumili muna ako ng mga ticket para pagdating ni Dio sasakay nalang kami.
Agad na naagaw ng familiar na bench ang aking paningin. Lumapit ako roon at umupo. Dito kami noon umupo ni Dio. Napangiti ako nang makita ang ferris wheel na nasa harapan ko.
"Imagine, leader ng black phoenix, takot sa'yo. You should be greateful," pagkausap ko sa malaking ferris wheel na para bang sasagot ito.
"Pero don't worry, mapapasakay din kita diyan Dio " tinignan ko pa ang mga ticket isa isa at kusa nalang akong napangiti.
I checked my phone baka may text si Dio 7:30 na kasi wala pa siya. Kaso kamalas malasang na-lowbat pa iyon.
Shit, wrong timing!
"Baka naman traffic," sabi ko sa sarili ko. Konting hintay pa.
Lumipas ang oras at alas nuwebe na ng gabi. Kung anu-ano na ang nakain ko pero wala pa rin siya.
Konti pa...
Baka, sooooobrang traffic.
Pero paonti-onti nang nauubos ang mga tao dito sa amusement park wala pa rin akong Dio na nakikita.
"Ma'am" may tumapik sa akin, agad akong tumayo at dumilat sa pag aakalang si Dio iyon.
"Dio," pero bigo ako nang makita kong isang matandang lalaki lang iyon. Nakatulog pala ako kakahintay.
"Ma'am, pasensya na po naistorbo ko kayo. Pero magsasara na po kasi kami," ngiti lang ang sinagot ko sa matanda at naglakad na palabas.
Dio, bakit 'di ka sumipot? Are you playing with my feelings? Dahil ba alam mong gusto kita, ganito mo ako grabe paasahin?
Akala ko ba babawi ka?
Anong nangyari?
Ang daming tanong ang pumasok sa isip ko at napasabunot nalang ako sa ulo ko at umupo sa gilid ng kalsada.
"Ang tanga mo talaga Michelle. Ang tanga mo! Alam mo na ngang wala kang pag asa, patuloy ka pa ring umaasa," sabi ko sa sarili ko at umiyak. Napatingin naman ako sa langit na sobrang maraming stars pero hindi ko naman mahagilap ang moon.
"Oh ano, Dio! Asan ka? Wala diba! WALA," sigaw ko. Wala akong pakeelam kung isipin nilang nababaliw ako, ang importante mailabas ko ang nararamdaman ko ngayon.
Nang makauwi ako, nakita ko ang kotse ni Dio sa labas ng bahay mukhang nandito na siya.
Pagpasok ko saktong nakita ko si Dio na mukhang nagmamadaling bumaba pero nang makita niya ako nagdahan dahan lang siya.
BINABASA MO ANG
When A Gangster Falls Inlove
RomanceGANGSTER? I really hate them! Ngunit hindi ko inaasahan na ang mga bagay na iniiwasan mo, ito pa pala ang kusang lalapit sa'yo. I always believe that there's a right man for you, but is it possible na kung sino pang kinakainisan mo, siya pa pala ang...