Chapter 18

1.7K 42 1
                                    

Michelle's POV

It's sundateeee!

Pinaghandaan ko ang araw na 'to. Paano ba naman, ngayon ang date namin ni Dio. I can't help but to giggle.

After ng kasal namin ngayon ko nalang ulit siya makakasama kaya naman talagang naghanda ako.

Nagmake up na talagang 'di ko na nagagawa lately, nag-dress din ako at flat shoes. I also braid my hair kahit na ngawit na ngawit ako.

Nakarinig ako ng sunud-sunod na busina sa labas. Bago tuluyang umalis, tinignan ko muna ang kabuuan ko sa salamin.

Ang ganda ko, sheyyt!

"Dio san tayo pupunta?" agad na tanong ko pagkasakay ko.

"Basta " he said as he start the engine. Napangiti naman ako.

"Sabihin mo na. Manonood ng sine?Mamamasyal? Kakain? Maglalaro?What?" sunud-sunod na tanong ko pero nanatili siyang tahimik.

Akala ko pa naman magiging masaya na ako, pero bakit parang wala.

Parang hangin lang ako.

Almost 1 month na Dio.

Hindi ka pa rin ba nahuhulog sa akin?

I already did my best but still I didn't win at all.

Dumating kami sa isang restaurant, una parang may hinahanap siya at no'ng mukhang nakita niya na sumalungat kami.


Ang gulo. Hinahanap niya ba ay tao o bakanteng upuan?

Nang makaupo kami, parang hindi siya mapakali at tinakip pa ang menu sa mukha niya na tanging mata lang ang nakalabas.

"Dio!" pagtawag ko sa kaniya pero tutok parin siya sa pagmamasid kaya naman sinundan ko siya ng tingin.

Sa isang couple sya mukhang nagmamasid. Mukhang ang saya saya nila kasi yung boy parang nagjo-joke dahilan para tumawa ang babae at makikita mong natural 'yon at hindi pilit.

"Who are they?" 'di ko napigilan ang sarili ko sa pagtatanong habang nakamasid na rin doon sa couple at tinakip na rin sa mukha ko ang menu.


"That girl," napatigil siya kaya napatingin ako sa kaniya.

"She's my ex," dugtong niya dahilan para mapanganga ako.


"You mean, yung Ella na tinutukoy ng mga kabarkada mo ay siya?" taka naman siyang tumingin sa akin, napatakip ako sa bibig ko. Badmouth!

"Paano mo siya nakilala at nalaman?" tanong niya nginitian ko siya at nag-peace sign.


"Well, 'di ko naman sinasadya na makinig 'ehh."sabi ko, binalik nalang niya ang tingin kala Ella.

I look at her.

She's beautiful, no erase that because she's gorgeous.

Parang bigla akong nanlumo, napakaganda niya. May nangungusap na mata, mapupulang labi, matangos na ilong, she look like a model that I've seen in magazine

Malabo ngang mapalitan ko siya sa puso mo kasi itsura palang wala na akong panama.

"Wait. Huwag mong sabihin na susundan natin sila magdamag? What for? Pwede namang magpakita ka sa kaniya at kausapin mo siya," tuloy tuloy na sabi ko at binaba na ang menu na hawak ko.

"Yup, and to answer your question, AYOKO," sagot niya.




"WHAT?" agad  na sigaw ko dahilan para mapatingin sa'min ang mga costumer miski sila Ella tumingin sa gawi namin.




When A Gangster Falls InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon