Sinong mag aakala na ang tulad ko na fourth year highschool, 16 years old palang ay may asawa na pero magsisimula palang sila ng kanyang asawa sa pagiging magkaibigan.
Napakaweird kung papakinggan na may asawa na ako pero that's only a secret. Wala dapat makaalam nun.
Napagpasyahan kong stranger nalang ulit ang itawag ko sa kanya kahit na getting to know each other naman na kami, stranger naman talaga siya eh.
HAAAAAAAAAYYYYYYY!!!!! Napahakay ako ng sobrang haba nang malaman ko sa sarili ko na late na ako sa pagpasok.
OHMY!!
Hindi man lang ako ginising ni stranger, pambihira! Nagtatakbo ako papunta sa bathroom ng mapansin kong nakahiga pa pala siya sa couch. Huh? Anong oras na ba?
"Bakit ka nakatayo diyan?"
"Huh?Papasok na ako, late na ako!"
"Hah? Hahahahahaha papasok kana? Hindi pa tumutunog ang alarm clock. Excited ka lang?" Tiningnan ko yung alarm clock. 4 o'clock palang pala ng madaling araw.
Napahiya ng konti =_______="
"Err?"
"Hahahaha at dahil maaga kang nagising. Ikaw nalang magluto ng almusal."
"Anoo? Ako ang magluluto?" tinuro ko ang sarili ko at tumango naman siya.
"Err?"
"Labas na at magluto ka." Grabe! Naging magkaibigan lang kami pinagluto na niya ako. Hindi pa naman ako marunong magluto.
Pumunta nalang ako sa kusina at ayun..pachamba-chamba ang luto. Ahmmm...magpipirito nalang ako ng itlog at hotdog tapos ahmm..toasted bread,yun nalang.
After a thousand years..
Natapos na akong magluto.Hoooh! Pinagpawisan ako dun ah.
Nasa table na siya at handa ng kumain.
"Ma'am anong luto 'yan?" Nagtanong pa si manang, walang sabaw kaya malamang pirito.
"Pirito po."
"Bakit ganyan po ang kulay?" tanong ni manang.
"Huh? Bakit? May problema ba sa kulay ang niluto ko?"
"Ehhh. Sunog po yan."
"Ha? What are you saying manang? Ang sarap nga ng luto niya eh.YUM! YUM! YUM!" singit ni stranger at napangiti naman ako.
"Weh? di nga? Totoo?" natutuwang tanong ko. First time kong may magsabing masarap ang luto ko.
"Pero sunog po yan eh."
"Manang masarap naman eh..kaya just sit and sumabay kana sa pagkain." Sabi ni stranger.
"Bakit kahapon masarap naman ang luto ko tinapon mo lang Prince Anhiro." Nagtatampo si manang.
"Ah. Eh..ahmm.YUM!YUM!YUM! sharap ng luto ni seyah!"
"Ma'am. Niloloko ka lang niyan." bulong sakin ni manang.
"Hahaha hayaan mo na, sa susunod ikaw nalang ulit ang magluto, tingnan lang natin kung mapangitan pa siya." Sagot ko.
"YUM!YUM!YUM!"
"Psh!"
***
"Sinong unang maliligo satin?" tanong niya.
"Ikaw nalang ang mauna." sagot ko.
"Ladies first kaya ikaw na ang mauna."sabi niya.
"Ikaw na nga kasi ang mauna." Sabi ko. Nasa kwarto niya kami ngayon at nagtatalo kung sino ang mauunang maligo. Almost 6 o'clock na at malalate na kami sa pagpasok dahil sa pagtatalo.
BINABASA MO ANG
She Married The Stranger [Book1]
Teen Fiction"Kapag lumalapit ang isang tao sa'yo tapos..tapos..biglang bumibilis ang tibok ng puso mo---" hindi ko na naituloy ang sunod ko pang sasabihin dahil pinutol na niya at diretso siyang sumagot. "Inlove! You're inlove with him!!" "Inlove? S-sure ka?W-w...