Mesaiyah's Point of View
And then the next day...
And then the next day again..
Araw-araw dumadalaw sa school namin si Kosuri para kay stranger. Hindi ko pa din nasasabi kay stranger ang pinapasabi niya. Hindi ko alam kung ayaw kung sabihin o sadyang walang pagkakataon para sabihin 'yun sa kanya.
Naglalakad ako papunta sa office of the principal para dalhin ang file na pinabibigay ng adviser ko nang bigla kong nabanggaan si Dianne or should i say, sinadya niyang banggaan ako. Siya ang SC President ng school at ang exalted na estudyante dahil sa katalinuhan niya.
"Sorreh. Ha. Sorreh." she said in a maarte way. Feeling si Steffy Cheun na nasa My love from the star. Hindi bagay sa'yo!
"O-okay lang." sagot ko habang pinupulot ang mga papel na nahulog. Hindi man lang niya ako matulungan, siya na nga ang nambangga.
"Mesaiyah. You're a loser as always." hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya kundi dumiretso na sa office ng principal namin. Pagkatapos kong maibigay ang mga file, nakikita ko si Dianne na nakacross arm giving her mataray look to me. Nakaharang siya sa dadaanan ko kaya't pilit kong iniiwasan nalang siya pero sa bawat pag iwas ko..humaharang siya.
"Anong meron sa inyo ni Prince?" tanong niya. Kaya pala siya nauutal yesterday na makasalubong namin siya ni stranger dahil kilala niya ito.
"Kaibigan." matipid na sagot ko.
"Kaibigan lang o higit pa dun?" napatingin bigla ako sa kanya.
"Nawala lang ang bestfriend may pumalit na agad. Hindi ka ba marunong mahiya?"
"Bakit ako mahihiya kung wala naman akong ginagawang masama." Sagot ko.
"Ha-ha-ha! Don't act like you're innocent, Mesaiyah. Pangit na ang tingin ng mga estudyante sa'yo ngayon! Ako na ang gusto nila." Sabi niya sabay tawa ng fake. Naisipan ko nalang na umalis kesa sa makipagusap pa sa kanya dahil wala itong patutunguhan. Inaaksaya ko lang oras ko sa kanya. Hindi ko naman na kailangang makipag competition about sa grades, wala na akong pakialam diyan magmula nang iwan ako ni Mark Angelo. Atsaka wala naman na ako magulang na pagbibigyan ng mga grades na 'yan kaya sa kanyang, sa kanya na. nakakakuha lang naman 'yan ng mataas na grades kase pinupuntahan niya mga teachers niya sa mismong bahay nito. Siguro, inaakit o ewan. 'Yun ang balita dito sa school.
"May kumakausap pa sa'yo wag kang bastos!" hinawakan niya ng mahigpit ang aking braso hanggang sa bumaon ang mga matitilos niyang kuko.
"Nasasaktan ako Dianne. Awww!Ang sakit. Mangkukulam k aba? Magpalas ka naman." halos naiiyak kong sabi subalit lalo niya pang hinigpitan ang paghawak sakin.
"Malakas lang ang loob mo kapag kasama mo ang bestfriend mo pero ngayon, kayang-kaya na kita." Tumulo nalang ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko nang bigla namang may humawak sa kamay ko at hinigit ako papalayo kay Dianne. Mabilis ang lakad niya habang sumusunod lang ako sa kanya at papunta yata kami ngayon sa clinic.
"Bakit siya umiiyak?"
"Bakit may dugo siya sa braso?"
"Anong nangyari?" Dinig ko na tanong ng mga estudyante na nadadaanan namin.
Dire-diretso niya akong dinala sa loob ng clinic na ikinagulat naman ng mga tao na nagpapagamot din. Isinarado niya ang pinto at pinaupo ako sa mini bed na na nandoon.
"HINDI KA BA MARUNONG LUMABAN?! LAGI KA NALANG BA MAGPAPA-API?! KAILANGAN BANG...LAGING AKO ANG MAGTANGGOL SA'YO?!" malakas na sigaw niya sakin pero hindi ako nakatingin sa kanya kundi nakatungo lang.
"Hindi ko naman hinihingi ang tulong mo."
"Alam mo ba kung bakit kita binili sa mga magulang mo? Nakikita kitang lagi ka nilang sinasaktan! Naaawa ako sa'yo!"
"Hindi ko hinihingi ang awa mo." sagot ko sabay punas sa luha kong tumutulo. Napatigil naman siya sa pagsigaw sakin..
"Gusto ko lang na maging matapang ka dahil hindi sa lahat ng oras, may magtatanggol sa'yo."
"Sana'y naman na ako sa mga pang-aapi nila sakin eh, kaya hindi ko na kailangang maging matapang. Araw-araw akong nakakadanas ng pang-aapi kaya okay lang ako."
"Kailangan mong maging matapang. Kailangan mong ipagtanggol ang sarili mo na ikaw lang..na walang..tulong ng iba." natigilan ako sa kanyang boses na pinagsamang malambing at mahinahon at nararamdaman ko ang pag-aalala niya sakin.
"Bakit mo ba ito sinasabi?"
"Dahil...KAILANGAN." sagot niya at lumabas na sa kwarto at may pumasok naman na nurse para gamutin ang sugat ko. Kailangan? Anong ibig niyang sabihin na kailangan?
Naglalakad ako sa corridor habang hawak-hawak ang braso ko na may bandage at kumikirot ito sa sakit. Sa sobrang higpit ng hawak ni dianne sa braso ko naging sugat na.
"MESAIYAH!!!!!!!!" nakikita ko si maysel na sumisigaw habang papalapit sakin.
"Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Anong nangyari? Sinong may gawa sa'yo nito? Uupakan ko na nang magtanda."
"Teka. Teka. Isa-isa lang ang tanong." napatigil siya sa pagkahawak sa katawan ko.
"Sinong may gawa niyan?"
"Si Dianne.Bumaon ang kuko niya sa braso ko dahil sa mahigpit niyang pagkakahawak."
"That girl! Akala mo napakaganda, hindi naman. Argh! Naging SC President pa siya kung ganun din naman ang ugali. Anong gusto mo? Upakan ko nang magtanda?" Susugod na sana siya pero pinigilan ko siya.
"Hayaan mo na. Okay lang ako. Hindi pa naman ako patay. Malayo ito sa bituka."
"Bakit ba hindi ka lumaban?" naiinis na galit na ewan na sabi niya sakin. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad papunta sa classroom at sumunod naman siya sakin.
"Hindi ko alam kung paano lumaban." sagot ko at alam kong napatigil siya sa paglalakad dahil hindi ko na nararamdaman ang pagsunod niya sakin. Pagdating ko naman sa classroom, hinahanap ko si stranger pero wala siya pati na din si Razec. Saan kaya sila nagpunta? Kanina lang kasama ko si stranger. San kaya nagpunta 'yun.
BINABASA MO ANG
She Married The Stranger [Book1]
Novela Juvenil"Kapag lumalapit ang isang tao sa'yo tapos..tapos..biglang bumibilis ang tibok ng puso mo---" hindi ko na naituloy ang sunod ko pang sasabihin dahil pinutol na niya at diretso siyang sumagot. "Inlove! You're inlove with him!!" "Inlove? S-sure ka?W-w...