Mesaiyah's Point of View
Tuwing friday at sabado lang kami kumakanta ayon sa binigay na schedule sakin ni Seth. Kahit na sinabihan kong "walang kwenta" ang may-ari ng runaway house at kahit mausok at mainit ang loob nun, kailangan ko pa din ang trabaho na ito dahil dito ako kumukuha ng perang pambaon ko at iniipon ko din ang sinusweldo ko for a little reason.
Si Denstah ang manager ng runaway house at sa kanya din ako kumukuha ng sweldo at sa pagkakaalam ko, may mas mataas pa sa kanya. Kumbaga, Vice President lang si denstah at meron pang President. Hindi ako nakasweldo ngayong sabado dahil wala ang manager namin. Nasa japan daw siDenstah kaya delay ang sweldo ko ngayon samantalang uuwi na sana ako nang mapansin ko si stranger na nasa counter na umiinom kasama si Kosuri. Tatalikod na sana ako sa kanila nang bigla akong tawagin ni Kosuri.
"Mesaiyah!" I faced them wearing my sweet innocent smile habang nakatingin si stranger sakin na nakakunot ang noo.
"Come here!" lumapit ako sa kanila.
"Umiinom ka?" she asked and I shook my head.
"Ow! Halata ngang hindi ka umiinom. By the way, I love your voice."
"Thanks." I said at umupo ako sa katabi niyang vacant seat. Tubig lang ang ininom ko, hindi ako umiinom ng alak o kung ano mang alcoholic drinks dahil ayaw ko kasi pangit ang lasa. Mapait.
"Gusto kong bumalik na sakin si Anhiro." napatingin ako sa kanya pero ngumiti lang siya sakin, patuloy lang ang pag-inom ni stranger ng alak na parang walang naririnig sa sinasabi ni Kosuri.
"Paano ko siya maibabalik sakin kung may iba na siyang mahal." Napalunok ako ng laway sa kanyang sinabi. Mahal niya pa rin si stranger pero bakit parang walang pakialam ito sa kanyang nararamdaman. Bakit parang wala lang sa kanya siguro na, kailangan ko na siyang tulungan para maibalik sa kanya si stranger. Kahit na, nadadoubt ako.
Flashback
"Wait! Dito muna tayo, feeling ko maganda dito." tumigil kami sa orchidarium ng school at naupo siya sa mini bench. First love siya ni stranger pero bakit gusto na niya itong kalimutan? Naupo ako sa tabi niya at nangalumbaba sa lamesa na katabi ng bench habang pinaglalaruan ang dahon na nahuhulog sa puno na nakapaligid sa orchidarium. So, ano na?
"Pwede bang humingi ng favor?" napatigil ako sandali sa paglalaro ng dahon at napatingin sa kanya.
"Ano 'yun?"
"I can feel na, ikaw ang pinkaa close ni Anhiro sa kanyang mga kaibigan."
"Hah?"
"Pwede bang tulungan mo akong maibalik sakin si Anhiro?"
"Hah? Ahh. Eehh."
"Dadalhin ko hanggang kamatayan ang kabutihan mo sakin kung tutulungan mo ako."nakatingin lang siya sakin directly into my eyes.
"Ako lang, ang nababagay sa kanya para maging asawa. Sabihin mo sa kanya, magpakasal na kami."
"B-bakit ako ang magsasabi?" tanong ko.
"Kasi gusto ko ikaw." Pwede naman niyang ipasabi kay Denstah, kay kerk o kay Razec. Sila ang pinaka close ni stranger pero bakit ako pa ang magsasabi.
"Please, Mesaiyah." her voice is like a child begging for a chocolate that you need to give. I can't help myself not to help her.
"I'll try."
"Thanks Mesaiyah." she said and then she hugged me and I hug her back.
End of Flashback
BINABASA MO ANG
She Married The Stranger [Book1]
Teen Fiction"Kapag lumalapit ang isang tao sa'yo tapos..tapos..biglang bumibilis ang tibok ng puso mo---" hindi ko na naituloy ang sunod ko pang sasabihin dahil pinutol na niya at diretso siyang sumagot. "Inlove! You're inlove with him!!" "Inlove? S-sure ka?W-w...