Nakaupo si Mesaiyah sa ikahuling baitang ng hagdan ng bahay ni Denstah. Dito sila tumuloy tutal wala na silang matitirhan dahil pinasabog na ito ng lolo ni Anhiro. Iniisip niya ang maaring sunod na mangyari. Papatunayan niya ang kanyang sarili sa harap ng matanda subalit hindi niya alam kung paano. Wala siyang maayos na pamilya at walang maayos na buhay na maipapakita dito kaya balisa ang kanyang isip.
Kanina pa nagvavibrate ang cellphone niya na katabi niya sa hagdan dahil kanina pa tumatawag ang kanyang ate Terra pero hindi niya na ito namamalayan. Tumayo siya at hinubad ang scarf na nakasabit sa leeg. She left her scarf on the mini table of living room. Sa couch naman siya naupo. Magkadikit ang palad niya at pinagbabangga niya ang kanyang kuko. Takot pa rin ang bumabalot sa kanyang pagkatao samantalang si Anhiro ay papalapit sa kanya, nakatitig sa balisang mukha nito. Naupo siya sa tabi ni mesaiyah at hinawakan ang kamay na namumutla.
"Wag kang matakot. Andito ako sa tabi mo, ako ang may kasalanan ng lahat ng ito kaya ipagtatanggol kita hanggang sa makakaya ko. Hindi kita iiwan at sana hindi mo rin ako iwan." Napatitig si mesaiyah sa mga mata nito.
Pumasok sa isip niya ang dandelion. Anong kinalaman ng dandelion? Kasama niya si Anhiro na nagpunta sa favorite place niya. Nagwish siya na I wish I could extend my days with him. Nagkatotoo pero hindi siya masaya. Hindi siya magiging masaya hanggat ganito ang mga nangyayari. Hindi sa ganitong paraan siya magiging masaya kahit na nagkatotoo ang wish dahil nanganganib ang buhay ng mga taong mahal niya. Susundin naman niya talaga ang sinabi ni Kosuri, she chose to leave rather than stay at sa pagbibilang niya ng oras, natapos na ito.
"Anong ipapatunay ko sa lolo mo? Kung buhay ko ang nakataya, hindi ko kaya. Hinding-hindi ko kaya. Mahina ako, isa akong mahinang babae. Wala akong kaya at wala akong ipapatunay sa kanya." Sagot niya. Natikom ang bibig ni Anhiro, hindi siya makaimik isang malaking katahimikan ang bumalot sa buong bahay ni Denstah.
Alam niyang mahina ang babae, wala itong kakayahang lumaban dahil maraming beses na niya itong napatunayan. Sa tuwing nanganganib ang prinsesa ay laging andiyan ang prinsipe para ipagtanggol siya. 'Yun naman ang tungkulin ng isang lalaki save his damsel in distress pero sa pagkakataong ito kailangan ang prinsesa naman ang magtanggol sa prinsipe.
"Uh. Mesaiyah, better change your clothes first." Si denstah ang bumasag ng katahimikan ng dalawa. Iniabot niya ang damit ni Anthea sa kanya, wala siyang nakuhang gamit sa pinasabog na bahay, ang sinusuot niya lang ngayon ang natitira at ang scarf na naiwan sa table.
"Sa kwarto kana magpalit, may bathroom dun at dun kana din matulog at yung cellphone mo pala." Iniabot niya ang cellphone.
"Thank you." wika nito bago umakyat sa taas. Pumasok na siya sa kwarto na tinuturo ni Denstah. Nagpalit na siya at nagpahinga samantalang ang naiwan si Denstah at Anhiro ay nagiinuman ng beer sa kusina.
AAno na gagawin mo ngayon?" Tanong ni Denstah sabay inom ng beer.
"Wag mo akong tanungin dahil hindi ko alam ang gagawin. Ikaw? Baka alam mo kung ano dapat ang gawin ko?" Sagot ni Anhiro at natawa lang ang kaibigan.
"Iwan mo ang babae. 'Yun ang nararapat na gawin. Para sa kaligtasan niya at para na rin sa'yo."
"Sira ulo! Gago ba ako para iwan siya? Hindi ko gagawin 'yan. Hinding-hindi ko gagawin 'yan. Sisihin mo ang kapatid mo, siya ang may kasalanan nitong lahat." Natawa lang ulit si Denstah habang patuloy na umiinom ng beer.
"Hindi ko na rin alam kung nasaan siya ngayon, baka nasa Japan. Tara! Resbakan natin ang kapatid ko, bugbugin natin baka mabalik pa ang mga nakaraan kung magkaganon." This time ang natawa naman ay si Anhiro sa sagot ng kaibigan.
"Anhiro, may idea ka ba kung sino ang magulang ni Anthea?" Pagbabago sa usapan.
"Gustong-gusto mo na siyang mapasayo kaya tinatanong mo? Bakit ngayon mo lang kasi tinanong. Pumunta ka sa orphanage na pinagbagsakan niya nung bata pa siya baka ang mga taong andun alam nila ang sagot sa tanong mo at isang bagay, may pinakita siya sakin." Inakbayan ni Anhiro ang kaibigan at may binulong "may butterfly siya sa kanang dibdib kagaya nang kay Mesaiyah." Napalayo si Denstah sa sinabi ni Anhiro, napakunot ang noo nito.
BINABASA MO ANG
She Married The Stranger [Book1]
Novela Juvenil"Kapag lumalapit ang isang tao sa'yo tapos..tapos..biglang bumibilis ang tibok ng puso mo---" hindi ko na naituloy ang sunod ko pang sasabihin dahil pinutol na niya at diretso siyang sumagot. "Inlove! You're inlove with him!!" "Inlove? S-sure ka?W-w...