Chapter 65 Your Words Felt Like A Knife

14K 319 5
                                    

Mesaiyah's Point of View

Nasa tapat na ako ng dati naming bahay. Andito ako ngayon sa mga magulang kong nagpalaki sakin. Andito ako ngayon para bayaran ang mga ginastos nila sakin na sana naman, sapat na itong ibibigay ko sa kanilang pera. Hindi ko na nilagyan ng pangalan ang sobre kundi isiningit ko nalang ito sa bakod. I knocked the door of our old house at agad na umalis bago pa man nila ako abutan.

Tumago ako sa poste ng street light at sinilip kung sino ang kukuha ng pera. Si mama. Nahulog ang sobre na isiningit ko sa bakod at nakita ito ni mama kaya agad niyang pinulot.

Naalala ko ang mga araw na sinasabihan nila akong walang pakinabang at ngayon, meron na akong pakinabang. My mother smiled when she saw the money I gave to them and it take my breath away.

Isinarado na niya ang pinto habang suot ang malaki niyang walang hanggang ngiti. Tiningnan ko lang saglit ang bahay namin at nagsimula ng maglakad. Huminga ulit ako ng malalim at nararamdaman ko ang pagkulo ng aking tiyan kaya naisipan kong kumain muna sa pinakamalapit na restaurant na andito. Hindi na ako nakapag almusal kanina dahil nabibwiset ako kay stranger.

"One order lang po ng kanin tapos one softdrinks tapos one order po ng adobo, 'yun lang.."

"Susunod na po ang order mo ma'am." sabi ng waiter at maya-maya ay nakarating na nga ang order ko. Susubo palang sana ako ng kanin ng may lumapit na bata malapit sa bintana ang dumungaw sakin at nagmamakaawang bigyan siya ng pagkain. Kinaway ko siya na lumapit sakin at pumasok naman siya sa loob. I think, he's around 7 years old. Asan kaya ang mga magulang niya?

"Eto. Ikaw nalang ang kumain ng mga ito." ibinigay ko sa kanya ang pagkain na inorder ko at masaya niya itong kinain. Nagugutom na din ako. Later on, may nakakita sa bata na waiter kaya lumapit samin at pinapaalis ang bata.

"Bawal po ang mga pulubi dito ma'am. I take out niyo nalang po ang pagkain niya."

"Costumer din siya kaya mas bawal ang ginagawa niyo." sagot ko habang nakatingin sa bata na mukhang gutom na gutom talaga. May lumapit na waitress samin at may binulong sa lalaki.

"Hayaan mo na daw. Pinasasabi ng assistant manager natin." bulong pa ang lagay na yan pero dinig ko din naman.

"Sorry po." sabi nila sabay bow samin at umalis na.

"Anong pangalan mo?" tanong ko sa bata at inabutan siya ng tissue paper.

"Jayson po."

"Nag-aaral ka ba?" he shook his head. Nararamdaman ko ang lungkot sa kanyang maaamong mata habang nakatitig sakin.

"Asan ang mga magulang mo?" he shook his head again and later on, a drop of water fell in his eyes. Lumapit ako sa kanya at siya ay niyakap.

" Sige. Umiyak ka lang. Andito lang ako sa tabi mo." i said running my hands through his back at yumakap siya ng mahigpit sakin.

"Marami pong salaman. Araw-araw po akong nagdadasal n asana bigyan ako ni God ng pagkain. At dumating ka po." Sabi niya at natouch naman ang puso ko sa sinabi niya. Pinakain ko pa siya ng marami kahit na nagugutom ako. Sa bahay nila stranger nalang ako kakain, dun nalang ako babawi. Ang mga natirang pagkain ay ipinabalot ko at ipinadala sa kanya samantalang andito na kami sa kalsada at naglalakad.

"Dito nalang po ako ate. Marami ay kulang pa para sabihan ko ikaw ng pagpapasalamat."

"San ka nakatira?" tanong ko at umupo para mapantayan siya.

""Diyan lang po sa tabi."

"Mag-iingat ka lagi ha. Kapag may kailangan ka hanapin mo lang ako. Ang pangalan ko ay Mesaiyah."

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon