"Prince si mesaiyah." wika ni Kerk mula sa kabilang linya.
"Ano?"
"Kagagaling niya lang dito sa hospital."
"A-ano? Totoo ba yang sinasabi mo?"
"Oo Prince." Sagot ni Kerk. Napabuntong hininga ng malalim si Anhiro. Sinabi na nga ba babalik siya. Wika niya sa kanyang sarili sabay ngumiti.
"Babalik ako sa Pilipinas." Sagot ni Anhiro at ibinaba na ang cellphone pero lalabas na sana siya sa kanilang bahay nang hampasin siya ng kanyang lolo sa magkabilang tuhod. Bumagsak siya sa sahig dahil sa sakit.
"Wag na wag ka ng aalis hangga't wala akong sinasabi." Galit na sabi ng kanyang lolo. Tinawag ng matanda ang iba pa niyang tauhan.
"Gawin niyo ang sinabi ko."
"Hai!" Sagot ng mga tauhan. Binuhat nila si Anhiro at dinala sa isang kwarto na tambakan ng mga gamit. Nakalumpasay ito sa sahig at iniinda ang sakit ng kanyang tuhod habang masamang nakatingin sa mga tauhan na nasa harap niya.
Walang magawa ang mga tauhan, kung hindi nila susundin ang utos ng boss nila ay sila ang mamamatay. Yumuko muna ang mga tauhan kay Anhiro, tanda ng pagbibigay galang at tanda na hindi nila kagustuhang saktan ang Prinsipe at pagkatapos nun, binulbog siya. Hindi na makapagtimpi ang kanyang lolo, naubos na ang pasensya ng matanda sa apo dahil sa ayaw sundin ang gusto niya. Ayaw niya talagang magpakasal kay Kosuri.
Ang matanda ay naglalakad na pabalik sa kanyang kwarto. Sa lagay niya ay parang kahit anong oras ay mamamatay na siya dahil sa katigasan ng ulo ng apo at sa kalagitnaan ng paglalakad niya ay nakasalubong niya si Kosuri. Lumuhod ang babae kaya napatigil ang matanda.
"I am wrong. I am wrong. I am wrong. I am wrong." Napakunot ang noo ng matanda dahil sa hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Kosuri.
"Hindi niya na po ako mahal dahil kasalanan ko. Nagkamali po ako. Nagkamali po ako ng dahil sakin nagkaganito siya." Tumulo ang luha ng babae mula sa kanyang mga mata.
"Patawarin mo na po si Anhiro. Pakawalan mo na po siya. Hayaan niyo na pong makasama niya si Mesaiyah."
"Alam mo ba ang sinasabi mo?" Tanong ng matanda.
"Alam ko po ang sinasabi ko. Lahat ng paraan ginawa ko na para mapaglayo si Mesaiyah at Anhiro. Maraming beses na akong nanalo subalit natatalo ako ng pagmamahalan nilang dalawa." Patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ng babae. Para sa kanya ay napakasakit ng kanyang mga sinasabi subalit sa tingin niya ay ito na ang pinakamabisang paraan para makasama ni Anhiro si Mesaiyah at matagal na niyang tanggap na wala ng nararamdaman sa kanya si Anhiro, siya lang talaga ang nagpupumilit.
"Please. Please. Patawarin mo na po siya at hayaang makasama si Mesaiyah. Please." Nakaluhod pa rin ang babae. Napatingala ang matanda habang hinihilot ang kanyang sintido.
"Hindi pwedeng magsama ang apo ko at si Mesaiyah. Magkalaban ang angkan namin at kahit kailan ang magkalaban ay hindi magiging magkakampi." Sagot ng matanda.
"Si Anthea, diba kapatid siya ni Mesaiyah? Kung magkalaban kayo e di sana matagal niyo ng pinatay si Anthea. Alam niyo 'yun pero tinanggap niyo pa rin siya bilang apo." Sagot ni Kosuri.
Hindi nalang sumagot ang matanda. Nilagpasan niya lang ang babaeng nakaluhod at nagdiretso sa kanyang kwarto. Agad niyang ipinatawag si Anthea sa mga katulong.
Tumayo na si Kosuri at kahit siya ay wala na ding nagawa. Desisyon ng matanda ang dapat sundin. Si Anthea na nakikipagharutan sa kanyang ama ay napatigil.
"Pinapatawag ka po ng iyong lolo." Wika ng katulong habang nakatungo. Sumunod naman sa kanya si Anthea.
"Maupo ka." Wika ng matanda nang makarating na sa kanyang kwarto si Anthea. Umupo naman ito.
BINABASA MO ANG
She Married The Stranger [Book1]
Jugendliteratur"Kapag lumalapit ang isang tao sa'yo tapos..tapos..biglang bumibilis ang tibok ng puso mo---" hindi ko na naituloy ang sunod ko pang sasabihin dahil pinutol na niya at diretso siyang sumagot. "Inlove! You're inlove with him!!" "Inlove? S-sure ka?W-w...