Prince Anhiro Point of View
Lumabas ako ng kwarto para hanapin si seyah na ngayon ay wala pa at nagulat nalang ako ng makita ko siya na hinang-hina at mukhang babagsak na.
"Seyah! Hey! Anong nangyayari sa'yo?" tanong ko habang pababa ng hagdan.
"Anhiro." WHAT? She's calling my name! She's calling my name! She calls my name for the very first time! YEEEES! Nagtatakbo ako papalapit sa kanya at bago pa man siya mawalan ng malay ay nasambot ko na siya. Gusto kong magtatalon sa tuwa pero hindi pa ito ang tamang oras para magsaya. Binuhat ko na siya at dinala sa kwarto. Bakit ba ito nagpaulan? Basang-basa siya tapos ang init pa ng katawan. Hinipo ko ang kanyang noo at leeg.
"Mataas ang lagnat niya! Inaapoy siya sa init!"
Sht! Saan ba ako pupunta? Hindi ko alam kung saan ako pupunta! Saan ba ako pupunta? Dmn! You're stupid Anhiro! Stupid! Concentrate. Una mong gagawin ay tawagin si manang.Tama. Kanina ko pa 'yan iniisip di ko lang talaga alam ang gagawin dahil natataranta ako! Fck! Anong klaseng pakiramdam ito! Nagtatakbo ako papunta kay manang.
"Manang! Si seyah. Si seyah ay nilalagnat! Palitan mo siya ng damit tapos..tapos..kumuha ka ng gamot. Teka magluto ka pala muna ng soup."
"Prince! Wait! Relax. Relax lang po. Papalitan ko po muna siya ng damit."
"Uhh. O-okay!" God! Bakit ganito ako mag-alala sa kanya? Napasuntok nalang ako sa pader dahil sa hindi mapaglagyan na pag-aalala. Sumunod na ako kay manang sa kwarto at pagdating ko ay nakapagpalit na siya ng damit.
"Prince. Kumuha ka po muna ng maligamgam na tubig at face towel."
"Ano gagawin mo dun?"
"Ilalagay po sa kanyang noo para mabawasan ang kanyang init."
"Uhh. O-okay." Dali-dali akong kumuha ng tubig at face towel.
"Prince. Ikaw na po muna ang maglagay niyan sa kanyang noo. Kukuha lang po ako ng gamot at magluluto na rin ako ng soup."
"O-okay." Umalis na si manang at umupo na ako sa kanyang tabi at pinigaan ang towel at bago ko ilagay sa kanyang noo. Hinalikan ko muna ito para maging mabilis ang paggaling niya.
Dmn it! Ang korny! Yak! Nandidiri ako sa mga pinagagawa ko. kailan pa ako naging ganito. Kailan pa ako nag-alala ng sobra sa babae? Sinubukan kong magmahal ulit at alam kong ang pagmamahal na ito ay para sa kanya na kahit paulit-ulit niya akong saktan, hindi ako mapapagod na pagtiyagaan siya.
Alam kong malapit na siyang mahulog sakin, konting-konti nalang. Tinitigan ko ang kanyang maamong mukha, hinawi ko ang buhok na tumatabon dito at hinalikan siya sa labi ng saglit nang biglang may nakita akong tumulong luha sa kanyang mata.
Tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at sinagot ang tawag.
"Who you?"
"Hey. Prince! Hindi mo kilala ang gwapo kong boses? Kerk speaking! Teka? Kasama mo na ba si Mesaiyah?"
"Oo. Bakit?"
"Eh, kasi nakita ko siya sa harap ng bahay ng pinakamatindi mong karibal sa puso niya."
"Huh?!"
"Kanina kasi napadaan ako sa bahay nila babe Terra at Mesaiyah. Pinapakamusta sakin ni babe ang mama at papa niya and then 'yun. Pag-uwi ko, nakita ko siya sa tapat ng bahay ng bestfriend niya. Take note! Umiiyak ang prinsesa mo!"
"What?"
"Yeah! I saw her crying in front of her bestfr-"
Fck! Tinapon ko ang cellphone ko sa galit at tiningnan siyang muli.
BINABASA MO ANG
She Married The Stranger [Book1]
Jugendliteratur"Kapag lumalapit ang isang tao sa'yo tapos..tapos..biglang bumibilis ang tibok ng puso mo---" hindi ko na naituloy ang sunod ko pang sasabihin dahil pinutol na niya at diretso siyang sumagot. "Inlove! You're inlove with him!!" "Inlove? S-sure ka?W-w...