Mesaiyah Point of View
I am Mesaiyah Kumiko. Sixteen years old and I was senior high school. Meron akong ate at ang pangalan niya ay Terra. Ang mga magulang ko ay sina Irene at Ven Kumiko. Mahal ko sila parehas (sino ba namang anak na hindi mahal ang magulang diba?) pero ang pagmamahal ko sa kanila ay natatangi. Mahal ko sila higit pa sa buhay ko at handa akong isakripisyo ang pangarap ko para sa kanila. Seryoso.
In the middle of my school year, masaya ako dahil rank two ako sa aming klase at rank three naman sa overall fourth year. Ang hirap mag-aral no? Lalo na kung ang paghihirap mo ay para sa mga magulang mo pero hindi ko alam kung na-aapreciate nila yung paghihirap ko. Meron akong family problem. Si mama lagi-lagi nalang nagsusugal, si papa uuwi sa bahay na laging lasing. Sa totoo lang wala silang time sa aming dalawa ni ate. Kung tatanungin niyo naman ang estado ng buhay namin sa lipunan, hindi kami mayaman. Mahirap lang kami. Mahirap pa sa mahirap kaya si ate terra ay tumigil sa pag-aaral kasi wala kaming pera kaya ngayon. Ako nalang ang nagtitiyagang mag-aral at sa nakuha kong karangalan, sana naman matuwa sina mama at papa.
"Mama, may sasabihin ako sayo." sabi ko na mahinahon at may pagkalambing pa.
"Oh? Ano na naman yun? Hihingi kana naman ng perang pambili ng project mo? Hihingi kana naman ng kung ano-ano? Naku Mesaiyah, wag ka nang umasang bibigyan kita!" sabi ni mama na galit. Lagi naman eh, lagi naman ganyan. Sa tuwing kakausapin kita lagi kang galit. Laging mainit ang ulo mo sakin.
"Hindi po ako hihingi ng pera. Gusto ko lang po sabihin na rank two po ako sa klase namin at rank three naman sa overall fourthyear sa school namin."sabi ko na mahinahon ulit at ipinakita sa kanya yung certificate ko.
"PAKIALAM KO DIYAN? ALISIN MO NGA SA HARAPAN KO YAN! DI BALE KUNG PERA YAN MATUTUWA PA AKO! ALISIN MO NGA YAAAN!!" sigaw ni mama at tinapik yung binibigay ko.
Umalis nalang ako at pumunta sa kwarto namin ng ate ko. Useless ang paghihirap ko. Walang nakikinabang sa paghihirap ko. Useless ang sarili ko. Wala akong halaga sa bahay na'to. WALA!WALA!WALA! Sabi ko sa aking sarili at patuloy na tumutulo ang aking luha.
"Wag kang mag-alala saiyah. Andito naman ang ate mo, na-aappreciate ang paghihirap mo." sabi ni ate Terra na kakapasok lang sa kwarto namin. Niyakap niya ako at pinunasan ang luha ko.
"Ang galing-galing mo nga eh. Bihira lang bigyan ng talino ang isang tao kaya hanga ako sayo Saiyah. I'm proud of you." buti pa si ate proud sakin samantalang lahat nalang ng ginagawa ko para sa mga magulang ko lahat nalang mali.
Napangiti naman ako sa sinabi ni ate. Buti pa si ate ang bait-bait, hindi tulad nila na hindi man lang ako kayang intindihin. Anak lang naman ako na naghahanap ng pagmamahal na naggaling sa magulang. Mahirap ba ibigay yun? Oo, mahirap yun para sa kanila napakahirap ang bigyan nila ako ng pagmamahal kahit konti lang ang hinihingi ko.
It was friday cold morning and the sun shines effortlessly striking on my face. Nakaupo ako ngayon sa bleachers ng school namin kasama ang bestfriend ko. Ang pangalan niya ay Mark Angelo but I prefer calling him Angelo. He has the face of an angel just like his name. Matagal ko na siyang bestfriend since we were in elementary pa. Siya ang kasama ko sa lungkot at saya. Siya ang nagcocomfort sakin kapag may problema ako. Siya ang gumagawa ng paraan para mapasaya ako. Siya ang nagsosorry kapag nag-aaway kami kahit alam kong ako ang mali. Ayaw niya kasing pinapahaba ang away namin. Siya ang nagtuturo sa akin ng maraming bagay. Sa kanya ako nagtitiwala dahil alam ko mapapagkatiwalaan ko siya.
"Tapos mo na bang sagutan yung assignment sa math?" tanong ni angelo at tumingin naman ako sa kanya.
"Hindi pa." sagot ko.
"Teka?Bakit parang maga ang mga mata mo?" hinipo niya yung magkabilang side ng aking mata.
"Ah. Wala to." sabi ko at inalis yung kamay niya sa mukha ko.
"Hep! No secrets are allowed."
"Okay, panalo kana. Yun yung feeling na ang hirap magkaroon ng top tapos magulang mo hindi ma-appreciate yun. Gusto ko lang naman matuwa sila sakin eh (bwisit na luha, tumutulo na naman) nasabi ko na ba sayong kahit isang beses hindi pa man lang nila ako nayayakap o nahahalikan? Buti ka pa araw-araw, lagi-laging nasa tabi ko hindi tulad nila na sarili nilang anak ipinagkakait ang pagmamahal." sabi ko habang umiiyak.
Lumapit siya sakin at niyakap ako. Buti pa ang bestfriend ko niyayakap ako eh ni katiting na yakap galing sa magulang ko e wala akong natatanggap.
"Minsan ba naisip mong baka ampon ka lang? I didn't mean to ask this but sa napapansin ko kapag may problema ka. Lagi nalang sa magulang mo."
"Oo, naisip ko na yan. Minsan nga tinanong ko si ate Terra kung ampon ako sabi niya, wag daw ako mag-isip ng ganun dahil kung ampon lang daw ako e di sana pinalayas at pinabalik na ako sa kung saang lugar man ako nanggaling."
"Kung sa bagay, but don't worry saiyah. Andito ako para sa'yo lagi. Lapit ka lang kung ano man ang problema mo."
"Thank you, Angelo." I answered.
The next morning, my bestfriend and I planned to go out since we don't have school today. Nakaupo kami ngayon sa ilalim ng puno. Dito isinisigaw namin ang problema namin. Dito sa lugar na ito nawawala lahat ng doubts, fear, sadness, worries, confusions and hesitations namin at kung ano mang bagay ang nakakapagpagulo sa isip namin. Narerelax kasi ang isip namin dito at nagiging payapa, nagkakaroon ng peace of mind kumbaga.
It was a mountain that relieves whatever man na gumugulo sa isipan namin at sa tingin ko, kaming dalawa palang ng bestfriend ko ang nakakadiscover nito. Nakikita namin ang kabuuang siyudad ng aming lugar, lahat ng matataas na building, lahat ng mga bagay na nakikita namin sa tuwing nasa baba kami. Nakikita namin ang puti-asul na ulap na nakahalik sa dagat na parang wala man lang problema. Huminga ako ng malalim.
"Sana isang araw, maiparamdam ng mga magulang ko na anak din nila ako." Yan ang wish ko sa tuwing pumupunta kami ng bestfriend ko dito. Marami kasing dandelions dito and dandelion is the wishing flower.
Pagkatapos namin magtahan doon at magpicnic ay umuwi na din kami at almost six thirty in the evening na ako nakarating sa bahay namin.
"San ka naman galing?" tanong ni papa na ngayon ay umiinom ng alak. Pwede ba kahit isang araw lang, maging mabait naman kayo sakin. I can feel either papagalitan ako niyan o sasaktan.
"Gumawa lang po ako ng project kasama si angelo." sagot ko
"Ikuha mo nga ako ng pagkain, pwede?" sabi ni papa sabay hagis sakin ng pinggan na natama sa aking mukha.
"Ano pang hinihintay mo? Sabi ko, ikuha mo ako ng pagkain!" sigaw ni papa. Pumunta na ako sa kusina namin para kumuha ng pagkain at sa kamalas-malasan walang pagkain.
"DALIAN MO NGA SAIYAH!" sigaw na naman niya
"WALA PONG PAGKAIN!" sigaw ko
"TANGA! EH DI BUMILI KA!"
"Wala po akong pera." Nanginginig ang boses ko. Lumapit sakin si papa at hinawakan yung braso ko ng mahigpit.
"A-ARAY PO! Nasasaktan po ako papa." lalong hinigpitan niya ang hawak sa braso ko.
"KUNG WALA KA LANG SANA DITO, WALANG DADAGDAG NA PALAMUNIN!" sigaw niya. Dinala niya ako papalabas ng pinto at tinulak niya ako, tumulo ang luha ko ng hindi ko alam.
"LUMAYAS KA AT HUMANAP NG TRABAHO PARA MAY PAGKAIN KAMI! WALA KANG PAKINABANG!"
Kailan pa nga ba ako nagkaroon ng pakinabang sa inyo? Wala naman diba? Kailan pa kaya darating yung araw na mamahalin nila ako? Kelan pa kaya yun? Kapag tumanda na ako? Kapag namatay na ako o kapag mayaman na ako dun niyo palang ako mamahalin? Sabi ng teacher namin "dapat ang pagmamahal ng isang magulang ay hindi ipinagkakait sa anak." siguro nga talaga ampon ako. Tama si angelo na ampon lang ako.
/////////
BINABASA MO ANG
She Married The Stranger [Book1]
Ficção Adolescente"Kapag lumalapit ang isang tao sa'yo tapos..tapos..biglang bumibilis ang tibok ng puso mo---" hindi ko na naituloy ang sunod ko pang sasabihin dahil pinutol na niya at diretso siyang sumagot. "Inlove! You're inlove with him!!" "Inlove? S-sure ka?W-w...