Mesaiyah's Point of View
Haaaaaay!Ang pagod. Grabe! Inunat ko ang dalawa kong kamay at binagsak ang katawan sa kama. Katatapos ko lang gawin ang mga activity na pinapatapos sakin ng mga teachers ko. Hanggang ngayon wala pa rin si stranger. Pumasok kaya yun o lumaog lang?
Tumayo na ako at nagbalak na kumain kasi nagugutom na ako nang bubuksan ko na sana ang pinto kaso may nauna na saking buksan ito. Natumba siya at napayakap sakin.
"OH??HOY!!STRANGER!!HOY!!GISING!!" I said while shaking his body pero hindi siya nagsasalita.
"Mine. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko sa buong buhay ko. Nakalimutan ko na siya." Wika ni stranger. Hindi ko siya masyadong mainitindihan dahil sa pagsinok niya. Inamoy ko siya. Amoy alak, ang baho.
"Magkaibigan na tayo diba? Nakalimutan ko na talaga siya pero akala ko lang 'yun. Nung nakita ko siya kanina.." Napaupo siya sa sahig at nakikita ko ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Nakatayo lang ako sa harap niya habang nakatingin sa kanya.
"Dumating siya kanina. Ngayon alam ko na ang nararamdaman mo." Dagdag niya at suminghot. Umupo ako para mapantayan siya. Sino naman kaya yung tinutukoy niya na 'yun?
"Matagal na ang pangyayari na yun pero sa isang kisap-mata..bumalik na ang lahat." yumakap siya sakin and sht lang.
"BWUAAAAAH!!!!" sinukahan niya ako sa damit.Yaks! Ang baho.
"BWUAAAAH!!!" for the second time.
"BWUAAAAH!!" for the third time.
Naman ehh. Sa dami ng pwede niyang pagsukahan sakin pa talaga ha? "____________" parang naliligo na ako sa suka niya e. "___________" Lumabas ako ng kwarto para tawagin si Manang.
"MANANG!!! SI UHMM...SI STRANGER!!! UHMM..." tama ba yung sinabi kong stranger?
"Ma'am bakit po?"
"Si stranger...nagsuka.."
"Sino po si stranger?" ayy! Hindi niya kilala si stranger? Masasabi ko pa yata ng wala sa oras ang pangalan niya.
"Ahmm..si..stranger...uhmm..basta..nalasing..sinukahan ako..magpapalit ako kaya pwede po bang ikaw na muna ang mag-intindi sa kanya?"
"Ehh...ma'am..ehh..okay po. Magpalit kana po at ako ng bahala kay Prince."
"Thank you manang! Haaay! Ano ba 'yan! Ang baho ko na sa suka niya..aish!" Nagtatakbo ako papunta sa CR at naglinis atsaka nagpalit na.
Napaisip tuloy ako sa sinasabi niya. Sino kaya 'yung tinutukoy niya? Sa isang kisap-mata bumalik na ang lahat. Sino kaya 'yun? Bumalik na ako sa kwarto at mahimbing na ang kanyang tulog. Gwapo naman talaga siya, mahahaba ang pilik-mata lalo na kapag dumilat siya at makikita mo ang mala-kulay asul niyang mata.
Lumapit pa ako sa kanya para obserbahan ang kanyang mukha ng bigla niya akong higitin at yakapin.
"AHHHHHH!!!" sigaw ko.
"Hmmm...mahal pa rin pala kita kosuri..hmmm..." natigilan ako sa sinabi niya at patuloy pa rin ang pagyakap niya sakin na halos hindi na ako makahinga sa sobrang higpit.
"Argh!Bitawan mo nga ako!" inalis ko ang kamay niya sakin at nakahinga-hinga naman ako ng maluwag nang matagtag ko ito.
"Papatayin mo ba ako sa yakap ha?Aish!" Lumabas nalang ako ng kwarto at kumain na. Kanina ko pa gustong kumain eh. Naudlot lang dahil sa kanya. Habang pababa ako ng hagdan, iniisip ko ang pangalan na nabanggit niya kanina. Kosuri?Kosuri?Kosuri? Sino naman yun. Naabutan ko pa si manang na naglilinis sa kusina.
"Kain kana po." binigyan niya ako ng pinggan, kutsara, tinidor at kung ano pang gamit sa pagkain kasama na syempre ang ulam at kanin. Kain ako ng kain dahil sobrang gutom na talaga ako.
BINABASA MO ANG
She Married The Stranger [Book1]
Teen Fiction"Kapag lumalapit ang isang tao sa'yo tapos..tapos..biglang bumibilis ang tibok ng puso mo---" hindi ko na naituloy ang sunod ko pang sasabihin dahil pinutol na niya at diretso siyang sumagot. "Inlove! You're inlove with him!!" "Inlove? S-sure ka?W-w...