On wednesday morning, after eating my breakfast. I went to the backyard of their house para maglibot-libot lang dahil nakakainip. Ilang days na din akong hindi nakakapasok sa school namin, hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang pag-aaral ko, bahala na. Wala akong pangtustos sa sarili ko. Nakaupo ako sa bench na parang minsan lang may umuupo ditto, pinaglipasan na ng mga araw at puro dahon na nalalaglag ang paligid ng bahay nila, kung titingnan mo parang haunted house ang bahay nila dahil full painted black ang labas pero kapag pumasok kana sa loob ay nakakaiba.
Minumuni-muni ko ang mga araw na pagtatahan ko sa bahay na ito. Napakahirap makisama sa mga tao dito pero pinipilit ko pa rin ang sarili ko na kilalanin sila para na din sa akin at para masanay na ako sa bagong environment na dapat kong matutuhan lalong-lalo na sa stranger husband ko.
Sa unang apat na araw ko dito, maganda naman ang pakikitungo nila sakin lalo na kay Mr. and Mrs. Shatsune at sa anak nila na babae na si Anthea. Hindi mahirap makisama sa kanila sa katunayan kapag sabay kami na kumakain ang sasaya nila kakwentuhan pero mas nahihirapan akong makisama ay kay anhiro. Basta, tanggap ko na ang mga nasa paligid ko pero si stranger husband, napakahirap niyang tanggapin. Hindi ko pa siya kilalang mabuti pero i know someday makikilala ko din siya katulad ng pagkilala ko sa pamilya niya.
At kapag dumadating ang gabi, hindi ako tumutulog sa tabi niya kundi sa kwarto ni ate. Hindi ko alam kung ayos lang sa kanya na kay ate ako matulog but I kept sleeping on my ate's side whether he like it or not.
And then suddenly, pumasok na naman sa isip ko si Mark Angelo. Meron kaming pasok ngayon at siguro kung andito siya at wala pa akong asaw-- i mean siya. Gumagawa na kami ng activities o assignment. Alam niyo kapag naiisip ko si Angelo, hindi ko maiwasang may tumulong luha sa mata ko.
Kelan pa kaya ako makakamove on sa kanya. Nung umalis siya, hindi ko man lang nasabi na mahal ko siya, matagal na. Ang pangarap naming dalawa parang bula na bigla nalang nawala.
Bumalik na ako sa loob ng bahay nila dahil medyo dumilim ang paligid parang nagbabanta na uulan kaya bago pa ako abutan ay pumasok na ako. Ang shatsune family ay nasa living room making some sort of conversation na imbis na makisalo sa kanila ay dumiretso ako sa aking kwarto, nope not my room. Kwarto ng stranger husband ko.
Paano ako makikisalo sa kwentuhan nila ay hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila. They speaking in Japanese. Medyo slang nga sila magsalita.
///////////
Please I hope you can subscribe to my youtube channel: Sesshi1997 thank youuu :)))
BINABASA MO ANG
She Married The Stranger [Book1]
Ficção Adolescente"Kapag lumalapit ang isang tao sa'yo tapos..tapos..biglang bumibilis ang tibok ng puso mo---" hindi ko na naituloy ang sunod ko pang sasabihin dahil pinutol na niya at diretso siyang sumagot. "Inlove! You're inlove with him!!" "Inlove? S-sure ka?W-w...