Chapter 30 What-He-Wants-He-Gets

19.1K 336 6
                                    

Mesaiyah's Point of View

Walang pasok ngayon at wala akong ibang magawa kundi maupo sa terrace ng kanilang bahay habang nagbabasa ng libro. Napatingin naman ako sa dumating at may dala ding libro, umupo siya sa katapat ko na upuan pero hindi ko lang siya pinansin.

Medyo tiningnan ko siya ng konti at nahuli naman niya ito sabay bigay niya sakin ng cute niyang ngiti.

I clear my throat at pinagpatuloy nalang ang pagbabasa.

>_____< hindi ako makapagconcentrate sa pagbabasa ng dahil sa kanya. Pumasok nalang ako sa loob at nagdesisyong sa guest room nalang magbasa ng mapansin ko si manang na hindi mapakali.

"Manang, may problema?" hindi niya ata ako napansing nagsasalita kaya hindi siya sumagot.

"Hoy! manang!" nagulat siya sa pagsigaw ko kaya napatingin siya sakin.

"Bakit po?"

"May problema ka po ba?"

"Ahh..ehh..w-wala po ma'am,wala."

"Sure ka?"

"O-opo, s-sure ako." umakyat na ako sa guest room. Kanina kasi may kausap yan si manang sa telepono na halos matumba na sa sobrang gulat tapos ngayon naman hindi mapakali.

"Hey!" napatingin ako sa may pintuan.

"Ano na naman? Wag mo nga akong pagtripan stranger!"

"Laog tayo!"

"HAAAAAH?" O_______O niyayaya niya akong mamasyal?

"Laog nga tayo! Ang boring kasi! Bilang kaibigan samahan mo akong mamasyal." Wow. Grabe hah! Inistorbo niya ako sa pagbasa para lang samahan siya lumaog.

"Laog na tayo seyah!"

"Kitams nagbabasa ako? Bumili kana lang ng makakasama mo, marami ka namang pera."

"Samahan mo na akong lumaog! Hoy!"

"Nene mo! Manigas ka diyan, hindi kita sasamahan." lumapit siya sakin at kinuha ang libro ko na binabasa sabay takbo.

"Hoy! Bastos! Binabasa ko pa! Ibalik mo sakin yan!" Wala talaga siyang mapagtripan. Palibot-libot lang kami sa loob ng bahay na naghahabulan habang pilit na inaabot ang libro na kinuha niya sakin.

"Ibibigay ko sa'yo 'to kapag sumama ka sakin sa paglaog."

"Hindi ako laog! Hindi ako sasama, mamuti man ang buhok mo."

"Hindi ko naman ito ibibigay sa'yo kahit na humaba pa ang buhok mo sa kili-kili." Mas mataas siya sakin kaya hindi ko maabot yung libro. Nakapatong siya sa couch samantalang nasa sahig lang ako kaya imposibleng maabot ko ang libro.

"Sumama kana kasi sakin!"

"Ayoko nga bakit ba?" Napaupo nalang ako sa couch at tumabi siya sakin. Bwiset!

"Magkaibigan nga diba tayo kaya gusto kong samahan mo ako." inirapan ko lang siya.

"Haaaaay! tara na nga!"

"Yown! Papayag din naman pala siya." lumabas na kami sa bahay. Wala siyang dinalang motor o kotse kundi naglalakad lang kami.

"Maglalakad lang talaga tayo?" tanong ko.

"Oo,bakit ayaw mo?"

"Hindi. Gusto ko nga eh! Turn around." Pinatalikod ko siya sabay bumaba sa likod niya hahahaha

"Yaah! ang bigat mo! yaaah!"

"Mapagod maglakad eh. Dalian mo nga! Hahahaha" Nagtatakbo naman siya,hahahaha uto-uto naman. Bigla akong napaalis sa pagkasakay sa likod niya. Feeling Close naman ako. Akala ko siya si angelo..hindi nga pala. =_______=" napahiya tuloy ako sa kanya. Argh!

"Bakit ka bumaba?"

"Huh? Ah,eh,w-wala."

"Buti naman ngumiti kana."

Nagiinit ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Ano ba yan?

"Ahmm..ehh."

"Sumakay kana ulit saking likod."

"Hah? Ah..eh..wag na."

"Sumakay kana ulit kasi!"

"Ayoko nga sab-----hoy!! ibaba mo nga ako! hooy! ano ba!"

Bigla niya akong binaba sa kanyang likod.Aish! Ang kulit niya talaga parang si Angelo lang.

"Ibaba mo na kasi ako!! hoy!!" pinisi kong maige ang pisngi niya para mabitawan ako.

"Argh! Aray!" sabi niya habang hawak-hawak ang kanyang pisngi na namumula. Hindi ko mapigilang tumawa dahil sa itsura niya. Hahahaha.

"San ba tayo pupunta?" tanong ko

"Ewan."

"Haah? Diba sabi mo maglalaog tayo?"

"Oo nga!"

"San nga tayo pupunta?"

"Sa dulo ng mundo."

"Pinagtitripan mo ba talaga ako?"

"Hindi, tara dun tayo." Marami ng mga department store dito at kung ano-ano pang tindahan. Hinigit niya ako papunta sa bilihan ng mga cellphone.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko. Hawak pa rin niya yung braso ko.

"Try nating kainin ang mga cellphone." sagot niya.

>////<

"Miss hihingin ko nga yung iphoneX pwede ba?" siya yan.

May hinihingi bang cellphone? Binabayaran yun diba?

"Hingi po? Sure po kayo sir?" nagtatakang tanong nung saleslady

"Oo,sure ako bakit? Hindi ba pwedeng hingin yan?"

"Ahh..ehh..sino pong magbabayad?"

"Basta! Ibigay mo na nga lang sakin yang hinihingi ko!"

At binigay naman nung saleslady yung hinihingi niya. Siya pala yung what-he-wants-he-gets.

"Thank you po sir, come back again." sabi nung saleslady at nagbow pa. Hah? Hindi niya pinabayaran yung cellphone? Nagnakaw si stranger ng harap-harapan? hah? Pwede pala yun?

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon