Chapter 80 The Night Part 1

17.1K 332 17
                                    

Mesaiyah's Point of View

Nakalipas na ang Graduation. Akala ko, tuluyan na akong hindi makakapagtapos ng pag-aaral. Totoo ngang walang lihim ang hindi nabubunyag. Nalaman na nila pero wala na rin silang nagawa kundi tanggapin lalo na si Dianne pero nagtatanong pa rin ako sa sinong nag-utos sa kanya? Hindi ko nalang muna iisipin ang bagay na 'yun basta nakagraduate ako. 'Yun ang mahalaga. Wala na akong pakialam kung hindi ako naging Valedictorian o Salutatorian o with honors. Basta nga nakagraduate na ako.

Masaya ako pero pilit ko pa ring iniiwasang isipin ang bestfriend kong si Angelo. Bestfriend pa ng aba ang turing niya sakin? O ako nalang ang tumuturing sa kanya na ganon.

Alam niyo 'yun, typical na ang girl-boy bestfriend tapos marerealize nilang iba na pala ang nararamdaman ng bawat isa pero sakin, oo nangyari 'yun pero biglang nagbago. LAHAT as in LAHAT nagbago. Sa pamilya ko, pinilit kong maging tama, maging perfect sa paningin ng mga magulang ko pero katiting na pagmamahal, wala silang binigay sakin, walang isinukli na pagmamahal. 'Yun bang, sinasayang ko lang ang oras ko sa walang patutunguhan. Minsan nga hindi ko maiwasang sabihin sa sarili ko na sino ang mas nawalan nung pinagbili nila ako. Sila ba o ako? Kung sa bagay, bakit ko pa ba yan sinasabi, pinagbili nga diba nila ako? Kaya hindi ako kawalan. Pero gusto kong sabihin na, mas malaki ang nawala sa kanila dahil hindi sila basta makakahanap ng pagmamahal katulad ng binibigay ko sa kanila.

Pero kung hindi dahil kay Stranger, hindi ko malalaman na isa akong ampon, hindi ko sila tunay na magulang kaya ganun nalang ang trato nila sakin. Buong buhay ko nagtatanong ako kung bakit ganon sila makitungo sakin? May rason pala.

Hindi ko nga alam kung isa siyang malas o swerte, anghel ba o demonyo pero nagpapasalamat pa rin ako sa isang estrangherong bigla-biglaang dumating sa buhay ko.

Nagising ako isang araw na may asawa na, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Tatawa ba o iiyak o tanggapin na asawa ko siya.
Tinanggap ko nalang ang katotohanan na iyon pero nung una, mahirap pero chances. Chances won't wait for me forever, if i just let everything passed by, I would never find out that I will love him.
Lahat nagbago ng dahil sa kanya. Maraming nagkagulo pero maraming nagkatagpo. Si Maysel, si ate Terra, natagpuan nila si Razec at Kerk. Simula nung binili niya ako, nagkagulo ang lahat, may umalis, may dumating, lumabas ang katotohanan at higit sa lahat, nagkagusto ako sa kanya.

Dala ko ang box na may lamang memoirs ng bestfriend ko. Pababa ako ng hagdan nang makasalubong ko siya. Ngumiti siya sakin.
Ngumiti lang siya at parang lalabas na ang puso ko sa kilig. Araw-araw yata akong maiinlove dito sa lalaki na'to eh.

"Ano 'yan?" tanong niya.

"Wala." sagot ko at nilagpasan na siya.

Inilagay ko ito sa basurahan. Hindi ko tinatalikuran si Angelo kundi sinisisi ko siya. Kung pinaglaban nya sana ako, hindi ako maiinlove sa lalaking ngumiti lang gusto ko ng matumba.

Salamat Angelo, naging bahagi ka ng buhay ko. Pinapalaya ko na ang ala-ala natin. Salamat sa laging pagcocomfort mo sakin, salamat dahil andyan ka palagi sa tabi ko, salamat sa ups and downs na ating pagsasama. Akala ko ikaw na ang makakatuluyan ko sa pagtanda ko, diba nga mas magandang asawahin ang kilala mo na pero andiyan nga ang stranger kong asawa. Pinigilan ang pangarap ko na 'yun. Memories fades in time and as days goes by, everything becomes clear to me.

Haaaay! Huminga ako ng malalim. Nasa hagdan pa rin siya at hinihintay ako. Makatingin wagas. >______<!

"Baka matunaw! Hoy! May bukas pa!" Singit ni Anthea na pababa sa hagdan. Mukhang may lakad ito ahh.

"Hoy kayong dalawa! Si manang Tessie ay pinauwi ko muna sa kanila, sabi ko next month nalang bumalik tutal bakasyon naman na ninyo. Wala na siyang iintindihin."

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon