Kerk Point of View
Andami ng nangyari. Sobrang dami na ng nangyari. Kamusta naman tayo? Eto, napag-iiwanan.
Si Prince at Mesaiyah kasal na. Si Anthea at Denstah kasal na din at ang Promises are meant to be broken ni Maysel at Razec ay napatunayan nga nila. Tayo? Meron pa bang tayo? O nag-iisa nalang talaga ako.
Hawak ko ang kamay ni Terra na araw-araw kong ginagawa. Hinalikan ko ang palad niya at pinainit ito sa aking pisngi. Sa tuwing tinititigan ko ang kanyang mukha, naiimagine ko ang anak namin. Sayang lang talaga dahil nawala, lecheng buhay eh eh. Bakit kasi nawala pa?
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa upuan na katabi ng kama ni terra. Kinuha ko ang aking jacket at isinuot ang bonette at bago ako lumabas ng room ay hinalikan ko muna siya sa noo.
"Aalis lang ako sandali Terra. Iiwan na muna kita dito. Lalabas lang ako saglit at gusto ko pagbalik ko, mulat na ang mapupungay at chinita mong mata. Mahal na mahal kita Terra." Sabi ko at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Habang naglalakad palabas ng hospital, napahinga ako ng malalim. Bakit hanggang ngayon umaasa pa rin ako na magigising ka? Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa bulsa ng jacket ko. Tuluyan na akong nakalabas ng hospital, malamig dito sa labas dahil sa nalalapit na ang pasko. Pilit kong wag mawalan ng pag-asa kahit sa araw na dumadaan ay parang gusto ko ng sumuko.
Pangalawang pasko ko na siyang hindi nakakasama. Ilang malungkot na pasko pa kaya ang daraan sa akin? Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Anim. Pito...Sampu? Hay! Kung ang bawat araw na dumaraan ay pabalik sa kahapon. Siguro, ang mga kagaguhang ginawa ko. Natama ko na. Bigla ko tuloy naalala ang pamilya ko. Halos kinalimutan ko na sila ng dahil sa kanya, ng dahil sa babaeng kahit habang buhay pang hindi magising ay mamahalin ko pa rin.
Sa paglalakad ko, napatigil ako sa tapat ng food vendor na nagtitinda ng lugaw. Hay! Perfect ang pagkain na yan ngayong malamig na gabi. Hinipan ko ang nakakuyom kong palad ng mainit kong hininga bago umupo.
"Isang lugaw po." Wika ko at binigyan naman ako ng tindera. Nilagyan ko ng paminta para mas lalong masarap atsaka spicy powder. Hinipan ko muna ang lugaw bago kainin.
May naalala tuloy ako sa kinakain ko. T_T Nung nagpapanggap ako na nilalagnat ako, pinaghanda ako ni terra ng lugaw na sobrang anghang. Hayy! If I could only go back in time T_T
Susubo na ulit sana ako nang makita ng mga mata ko ang isang babaeng nakaupo sa bench katabi ng puno. Hinahampas-hampas niya ang kanyang dibdib kaya napakunot nalang ang noo ko. Nakakacurious ang babae na 'to. May sinasabi siya pero hindi ko naman masyadong maintindihan.
"I..I..I..I can't..breathe." hah? Ano daw? Base sa pagbuka ng bibig niya I can't breathe sinasabi niya. Hinahampas niya pa rin ang kanyang dibdib at may luhang tumulo sa kanyang mga mata.
Sht! Tatakbo na sana ako papunta sa babae kaso pahamak ang mainit na lugaw na kinakain ko, natilapon pa sa akin. Hindi ko nalang ininda ang init na tumagos sa aking pantalon. Agad akong lumapit sa babae at saktong pagkalapit ko, nawalan siya ng malay. Nakasandal ang kanyang ulo sa aking balikat habang nakahawak ang kanyang kamay sa kanyang dibdib.
Saglitang hindi kaagad nagfunction ang utak ko. Ano nga ba gagawin ko sa babae na'to?..Kailangan niya kaya ng CPR? Hinampas-hampas ko ng aking kamay ang aking ulo. Kung ano-ano naman pinag-iisip ko. Tss! Hinubad ko ang suot ko na jacket at isinuot sa babae. Binuhat ko nalang ang babae at dinala sa hospital.
Habang karga ko siya, tinitingnan ko ang kanyang mukha. Sa mukha palang nito mukhang menor de edad pa lamang. Asan kaya ang mga magulang nito? Ibinaba ko siya sa kama at agad namang may lumapit samin na nurse.
"Ano pong nangyari?" Nurse asked.
"Nahimatay siya bigla eh." Sagot ko.
"Ah, kaano-ano mo po ang bata?"
"Hindi kami magkaano-ano. Paki bantayan nalang po hah. Ako nalang magbabayad ng hospital bill niya." Tumango lang ang nurse and I'm about to leave when the nurse called me.
"Sir, diba ikaw po yung nagbabantay sa patient na nasa Room 305?"
"Ako nga yon."
"Ah, pumunta po ako dun kanina kaso wala ka po. Pinapasabi ng doctor na medyo bumibilis na ang pagrecover ng utak ni Ms. Terra and by on The Last Day of Summer, magigising na po siya."
Hindi agad nagsink in sa utak ko ang sinabi ng nurse at ngayong naglalakad ako sa hallway papunta kay terra, hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking luha. Tears of joy? Tears of excitement? o ito ang luha para sa katapusan ng paghihintay. Hindi ako makapaniwala na may araw na ang paggising ni terra. Hindi talaga ako makapaniwala. Gusto kong magising sa katotohanan pero ito nga ang katotohanan. Hindi ako nananaginip.
Pagkarating ko sa kwarto, umupo ulit ako sa tabi ni terra. Hinawakan muli ang kamay niya at hinalikan ito.
"Hindi na ako makapaghintay sa paggising mo. Makakausap na kita, mayayakap, mahahawakan ang kamay at maririnig mo na muli ang I love you ko." Sabi ko habang patuloy ang pagbagsak ng aking luha.
"Sa araw, sa oras, sa minuto at sa segundo na magising ka. Papakasalan na kita. Papakasalan na kita Terra. Hihintayin kita until The Last Day of Summer that you will wake up."
Until The Last Day of Summer. Andito pa rin ako sa tabi mo at sa paggising mo, ako ang unang-una mong makikita.
///////////
Please I hope you can subscribe to my youtube channel: Sesshi1997 thank youuu :)))
BINABASA MO ANG
She Married The Stranger [Book1]
Teen Fiction"Kapag lumalapit ang isang tao sa'yo tapos..tapos..biglang bumibilis ang tibok ng puso mo---" hindi ko na naituloy ang sunod ko pang sasabihin dahil pinutol na niya at diretso siyang sumagot. "Inlove! You're inlove with him!!" "Inlove? S-sure ka?W-w...