Chapter 19 Back To School

21.4K 387 4
                                    

Mesaiyah Point of View

5 STEPS IN MOVING ON. Erase.Erase.

5 THINGS TO REMEMBER ON HOW TO FORGET YOUR BESTFRIEND. Erase.Erase.

I crumpled the piece of paper and throw it IN the trashcan. Nagsusulat ako ng steps or whatever kung pano makalimutan ang bestfriend ko.

(1) Make your life busy. Try to love your stranger husband

Aish! I crumpled again the paper. Nakakainis. Ano ba ang dapat kong gawin?

(2) Give your stranger husband a chance------ not. Ayoko nito. I crumpled again the paper and throw it again for a 100th times. Ano ba dapat ang dapat na isulat ko? Inihiga ko nalang ang aking ulo sa study table ni stranger husband.Urgh!

Napatingin ako sa pintuan dahil sa biglang pagkatok, wala ang stranger husband ko ngayon, maaga siyang umalis. Hindi ko lang alam kung saan pumunta.

"Madam Mesaiyah." katulong yata nila kaya pumunta ako sa pintuan at binuksan ito.

"Madam Mesaiyah. Pinabibigay po ito ni Prince Anhiro. Bilisan mo daw po ng pagpalit dahil malalate kana sa iyong pasok." Ibinigay nung katulong yung school uniform na sinusuot ko sa tuwing pumapasok ako.

"Ate...B-bakit---" She cut me off before I continue what i will say.

"Hinihintay kana po ni Prince Anhiro sa labas." sabi ng katulong at umalis na. I-ibig sabihin papasok ako ngayon sa school? Talaga? Wala na akong pinalipas na oras at agad agad ng nagpalit. Hmmm.The smell of this uniform, I really miss this. Almost one month na akong hindi nakakapasok, tatanggapin pa kaya ako ng mga teacher? Sana naman tanggapin pa ako. Teka? Nakauniform ako pero wala naman akong gamit at bag? Lumabas na ako at hinanap si stranger husband or maybe should I just call him a Prince too? No, ayokong tawagin siya na prince. Nakita ko na siya, he was leaning on his motor with hands in his pocket wearing black bonnete habang sinisipa ang mga dahon na nahuhulog sa puno.

I clear my throat to get his attention. Nakaalis na nga pala ang mom and dad niya at ang ate niya papunta sa Japan at yung mga dosena naman nilang katulong ay nag day off na maliban nalang sa manang na pumunta sa kwarto kanina. Hindi ko siya pinayagang mag day off kasi ayokong maiwan na dalawa lang kami dito sa bahay baka may gawing masama na naman siya sakin. Inihagis niya sakin ang bag na ginagamit ko sa school. Pano napunta sa kanya ang gamit ko?

"Ipinakuha ko yan sa bahay niyo. Wag kanang magtanong, malalate kana sa school." Sabi niya.

"Papasok ka? Hindi ka nakauniform." Tanong ko.

"It's okay." sagot niya. Kung sa bagay, baka pag-aari niya ang school na pinapasukan ko kaya okay lang kahit hindi siya nakauniform.

Sumakay na siya sa motor at inistart na niya pero tiningnan ko lang siya na nagtatanong na diyan ako sasakay?

"Ayaw mo?" tanong niya.

"Hindi." sagot ko. Naisip ko lang ang pangarap namin ni ate na sumakay sa motor kasama ang mahal namin pero eto..masisira..hindi ko naman siya mahal eh kaya sira na.

Umangkas na ako sa motor niya na mukhang mas mahal pa sa buhay ko. Okay lang kahit walang helmet, gusto ko nga yung nagugulo ang buhok ko dahil sa hangin.

Habang nasa daan kami..naalala ko na naman si bestfriend. Naalala ko nung nasa park kami, nakasakay kami sa couple bicycle. Psh! wag ko na ngang alalahanin yun. Maiiyak na naman ako.

Ilang minuto lang ang nakalipas, nakarating na kami sa school at diretso siyang pumasok sa campus na siya namang na capture ng mga mata ng mga estudyante dito.

Pinark na niya yung kanyang motor kahilera ang iba pang motor. Ngayon ko lang nalaman na may parkan pala ng motor dito.

Bumaba na ako sa motor at humarap sa kanya.

"Ingat ka." sabi niya sabay halik sa noo ko

W-wala akong masabi.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon