Chapter 50 Hard To Say I'm sorry

15.5K 241 1
                                    

Mesaiyah's Point of View

Hindi ako nakapagreview para sa quiz namin ngayon sa math dahil tinatamad ang utak ko na mag-isip. Ewan ko ba kung bakit nagkakaganito na ako.

Simula nang iwan ako ni Angelo, araw-araw na akong nakakaramdam ng tamad pero kahit ganun pinipilit ko pa rin sa sarili ko na wala na siya.

Lunes na hapon na ngayon at napakaganda ng araw para sa lahat, ni hindi nagbabanta ang langit para sa malakas na ulan o anumang magpapasama sa panahon samantalang nakikita ko ang mga freshman student na masayang naglalaro sa ground kasama ang mga kaklase nila,it flash back in my mind when I just was like them playing at the ground with my bestfriend, Angelo.

Nagbabatuhan kami ng damo, tinatakbo ang buong campus, naghahabulan at kung ano-ano pa ang ginagawa namin. Napakasayang balikan ang araw na 'yun subalit sa ngayon, isang ala-ala nalang 'yun at alam kong hindi na muling maibabalik pa.

Naiinggit ako sa kanila kasi ginagawa nila ang dati naming ginagawa ni Angelo pero hindi madaling kalimutan ang mga ala-ala na 'yun kaya wala akong ibang magawa kundi maiinggit. Nakaupo ako sa aking upuan at nagtataka kung bakit wala si stranger sa upuan niya.

Simula nung lunch, hindi ko na siya nakita. Hindi ko lang alam kung san nagpunta. Hinihintay din namin ngayon ang pagdating ng teacher sa math, sabi nga pala ni stranger tutulad siya sakin ng sagot. Paano siya tutulad kung wala akong nireview?

"Romans, countrymens, gentlemens and ladies! Forgive me for my cause." napunta lahat ng attention namin sa kaklase namin na dumating.

"Guys! Good News! Wala ang teacher natin ngayon sa math! May meeting DAW!!YEHEY!!"

"Daw? You mean, you're not sure?" my classmate sabrina said.

"Uhh. Take 2!! May meeting ang teacher natin sa math!YEHEY!" Nagsiapiran sa isa't-isa ang mga kaklase ko at nagtatalon sa sobrang saya samantalang nanatili akong tahimik.

"Himala! Save ang utak ko!Yes!Yes! Hoooh! Sana laging may meeting si ma'am!Wooooh!" sabi ni Maysel. Alam ko namang number one haters yan ng mathematics kaya alam ko kung gaano siya kasaya.

Tumayo ako at naisipang maglibot-libot ng mag-isa dito sa campus. Kapag wala kaming teacher, ganito lang ang ginagawa ko, ang maglibot. Habang nililibot ko ang aking tingin sa paligid, a guy leaning on the tree with his hands on his pocket while his head was down caught my eyes. Teka? Parang si stranger 'yun ah! Siguro..dapat ko nang sabihin sa kanya ang sinabi sakin ni kosuri kanina.

Huminga ako ng malalim habang papalapit sa kanya at nang nasa harapan na niya ako. Ngeh? Tulog? Huh? Bakit siya tulog? Bakit natutulog siya ng ganito? Pwede palang matulog ng nakatayo?

Tinusok-tusok ko ang pisngi niya na nagbabaka sakaling magising siya.

"Stranger! Hey! Stranger!Gising! Bawal matulog dito! Hoy!" ayaw niyang magising.

"Hmmmm." nabigla ako nung bigla niya akong yakapin at sa aking balikat na natulog. Teka? Wala namang ganyanan. Ang bigat mo kaya stranger! Pilit ko siyang inaalis sakin pero hindi maaalis kasi ang bigat niya. Argh! Isasandal ko sana siya sa bleacher na katabi ng puno kaso hindi ko nakita na may bato palang nakaharang.

"WAAAAAAAAAAAAAHHH!!" natumba kami at ako ang nasa ilalim.

"Ouch! Ang likod ko! Ouch!" agad napatayo si stranger nang makita niyang nakahiga na kami.

"Aww! Ang likod ko ang sakit!"

"Ehh. Okay ka lang ba?" tanong niya.

"May nakikita ka bang okay na nasaktan? Aww! Huhuhuhu! Kasalanan mo 'to eh!"

"At bakit ako?"

"Kasi, yumakap ka sakin at natulog."

"Huh?! Ako? Yumakap sa'yo? Baka ikaw ang yumakap sakin." Sabi niya.

"Wow! Ako ang yumakap sa'yo? Wow! Aish!" Maang-maangan pa siya.

"Ano bang ginagawa mo diyan?" tanong niya.

"Nang dahil sa'yo kaya ako napahiga. Bigat-bigat mo tapos' yung likod ko ang nasaktan ng dahil sa'yo."

""Kasalanan mo din naman eh! Lalapit-lapit ka pa sakin! Kaya ayan tuloy nangyari sa'yo."

"Kasalanan ko bang yakapin mo ako na parang unan hah?" sagot ko.

"Parehas lang tayo na may kasalanan. Tumayo kana diyan." inilahad niya ang kamay niya sakin at hinawakan ko naman 'yun para makatayo na ako.

"Pwede kana nga palang makapasok sa runaway house kahit walang VIP card." sabi niya at saglit akong napatigil sa pagpagpag ng aking damit.

"Ayoko nang bumalik dun. Masyadong mausok tapos andaming mga display na hindi kaaya-aya." sagot ko at bumalik na ulit sa pag pag-pag ng damit ko.

"Pakialam mo ba sa kanila?" sabi niya. Aba't biglang nagalit 'to?

"Sino ba ang nagpatayo ng runaway house na 'yun? Mala heaven ang labas pero mala apoy naman ang loob." Sabi ko.

"Pakialam mo sa may-ari?"

"Walang kwenta 'yung may-ari nun." sagot ko.

"Anong walang kwenta?"

"Oo walang kwenta. Bakit?" sabi ko habang nakataas ang kaliwa kong kilay.

"You're fired!"

"Huh?! Anong fired ang pinagsasabi mo diyan? Hahahaha wag mo sabihing wala kang kwenta?"

"Anong walang kwenta? May kwenta ako!"

"Anong kwenta mo?"

"Minamahal ka." Napalunok ako ng laway. Aish! Ayoko nito. Andito na naman ang pakiramdam na'to. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko tapos hindi na naman ako makapagsalita. Aish! Lagi nalang siya nakakalusot sa mga sinasabi ko.

"Ah. Eh." pinitik niya ang noo ko at iniwan akong mag-isa na walang masabi. Aish! Ikaw ang walang kwenta saiyah! Bakit pagdating sa kanya, tikom na ang bibig mo! Aish! Nakakainis..

Sumunod na ako sa kanya pabalik ng room. Ouch! Ang likod ko. Ang hirap maglakad. Napalakas yata ang bagsak namin kanina. Ouch!

O______________O Bigla niya akong pinasan sa kanyang likod.

"Waaaah! Ibaba mo nga ako! Hoy! Stranger! Ibaba mo ako kung ayaw mong mamatay!" ibinaba nga niya ako pero nakatingin naman siya sakin na parang tutunawin na ako. Pagkatapos niya akong tingnan ng nakakatunaw, umalis na siya.

"Sorry!" sigaw ko at napatigil naman siya pero hindi nakaharap sakin.

"Sorry kung tinawag kitang walang kwenta!" Umalis lang siya pagkatapos kong sabihin 'yun. Ignorante ka talaga! Hirap-hirap magsabi ng sorry tapos ganun lang! Argh!

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon